THE PLAN

3.7K 70 0
                                    

Nasa ika-syam na buwan na ako ng aking pagbubuntis, ano mang araw o oras ngayon ay pwede na akong manganak.

Sa bahay na muna namalagi si mama tutal naman ay nasa dubai na sina Cocoy at ang mag-ina nya. Limang buwan din nagpabalik-balik si Cocoy sa Dubai at dito sa pilipinas, dahil nga dito nanganak si jessa.

Unti-unti ay mas naging maasyos na ang pakikitungo ni Rylei kay Mama Amanda at sa asawa nito na si Tito Andrew, masaya akong makitang mas maayos na sila ngayon.

Excited na ang lahat sa pagdating ni baby Ramiel Calix. Nang nakaraang linggo nga ay nagpa baby shower sina mama A at mommy R, natutuwa ako dahil sa dami ng bisita ay parang nakumpleto na ang gamit ni baby dahil sa mga regalo nila.

"Hon, pahinga muna tayo. Hinihingal na ako." Reklamo ko kay Rylei.

Kasalukiyan kasi kaming naglalakad, maaga kaming nagising alasingko palang ay gumising na kami para makapag exercise ako sa pamamagitan ng paglakad sa subdivision. Halos dalawang oras na din kasi kaming nag-iikot.

"Ok hon upo muna tayo dun sa may bench." pagsang-ayon naman nya.

Lumapit kami sa may bench at doon naupo at nagpahinga. Inabutan nya din ako ng mineral water para makainom.

"Grabe hon, sobrang hirap pala ang pagbubuntis. Tapos pag kabuwanan mo na ay nakakainip pa maghintay. Sana mailabas ko kaagad si baby." saad ko pagkatapos ko lumagok ng tubig.

"Sorry hon, kung pwde lang na akuin ko ang hirap na yan ginawa ko na sana." bumabawi na naman sa pagpapakilig e.

"Asus ikaw talaga alam na alam mo paano pagaanin ang loob ko." nasisiyahan kong sabi.

"I mean what i say hon. Teka nga talikod ka lalagyan kita ng sapin saikod sobrang pawis mo na."

Tumalikod ako sa kanya para mapunasan at masapinan nya ang likuran ko. Pinapakita naman nya ang pagmamahal sa akin napaka-maalaga at maasikaso nya sa akin.

Pero hindi ko din maiwasan ang mag-isip kung may balak pa ba syang pakasalan ako ng totohanan, aba hindi na sya nag banggit kung magpapakasal ba kami.

"Tama na nga yan, umuwi na tayo ayaw ko na pagod na ako!!" Ng maisip ko iyon ay nairita ako kay bigla nalang akong nag-ayang umuwi.

"Ha? O-ok sige." napamaang na lamang siya at nagtatakang  sinundan na lamang ako.

Tahimik ako habang naglalakad pauwi, gusto ko man bilisan pero di ko magawa dahil sa malaki na ang tyan ko ay hindi na ako makalakad ng mabilis.

Pilit akong ngumingiti sa mga nakaksalubong namin na bumabati sa amin ng 'good morning'. Si Rylei naman ay sumasagot sa kanilang mga bati.

"Hon, ayos ka lang ba, parang bigla ka nalang nawala sa mood, may nagawa ba ako?" Sa wakas ay tanong nya ng wala na kaming kasalubong.

Yun nga e wala kang ginagawa!! Hindi ka na nag propose sa akin!! Nagngingit-ngit kong saloobin.

"Wala, pagod lang ako, uwi na tayo bilisan mo." saad ko na pilit kong iniwasan ang maging dry pero di kinaya. 

Pagdating sa bahay ay nalasalubong namin si mama at si manang papalabas sila at nag paalam na mag-go-grocery.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay dumeretso ako sa banyo ng aming kwarto, nagpasya akong maligo.

I undressed my self and look at my naked body on the mirror, and then suddenly frustration is eating me. Bigla na lang akong naluha, paano kung paglabas ng baby ay hindi naman pala nya ako pakakasalan.

What if all of his action now is just for the baby, na napagtanto nya na hindi naman pala nya ako mahal, mabait lang sya at maalaga dahil may baby sya sa tyan ko.

Kasi kung may balak syang pakasalan ulit ako ay dapat noon pang maliit pa ang tyan ko ay inaya na nya akong pakasal ulit.

Bago pa ako kainin ng bitterness ko ay napagpasyahan ko ng maligo para maging presko na lang ang pakiramdam ko.


Buti nalang ay naisipan maligo ni Maye bigla kasing dumating si Arthur dala-dala ang engagement ring na pinabili ko.

Personal kong pinili iyon noong nakaraang linggo pa, isinend sa akin ang ibat ibang disenyo  ng isa sa mga kaibigan ko na si Aaron na nag mamay ari ng De Montereal Jewelries.

Sila ang pinaka kilalang nagbebenta ng pinaka magagandang jewelries sa buong pilipinas. At pinaka mahal of course.

"Thanks for dropping by Art." hindi muna kasi ako papsok sa opisina ngayon dahil baka manganak bigla si Maye, two weeks from now pa naman ang due date niya.

"No problem sir, alam ko naman na may bonus ako dahil sa extra job na pinagagawa nyo." ewan kung biro o totoo, wala kasi akong makitang reaksyon sa mukha ni Art.

"Kelan kapa naging mukhang pera Art?" Nagbibirong tanong ko, naging salash kaibigan ko na din kasi ang sekretarya ko kaya magaan akong biruin sya.

"Sige na sir papasok na ako sa opisina, kagabi pa nasa akin yan kaya lang gagabihin ako kung inihatid ko kagabi." ngumiti man ay bahagya lang.

Naiiling nalang akong nakangiti at sinenyasan sya na pwede na syang umalis.

Matagal ko ng pinagpa-planuhan ang mag propose ulit pero laging may aberya at lagi nalang akong natatabunan ng trabaho.

Naiinis na ako dahil laging napopornada ang mga balak ko, pero sa pagkakataong ito ay wala ng makakapigil sa akin sa pagyaya ulit sa kanya na magpakasal.

Pinahanda ko ang korean restaurant kung saan una kaming nagkita. Doon kasi ang lugar kung saan una na palang tumibok ang puso kong bato para sa kanya.

Masyado lang mabait si tadhana dahil pinagkrus nya ang mga landas namin kaya hindi ko na sya kailangang hanapin pa.

At isa akong malaking gago noon para mag peke ng kasal namin, kung sana ay tinotoo ko ang kasal ay hindi na ako nangangamba na iwan nya ako dahil sa kagaguhan ko.

Mahal na mahal ko sya at hindi ko na hahayaan pa na mag-isip sya na hindi ko sya mahal, mag papakasal kami. Isang engrande at malaking kasalan na tatatak sa buong bansa. At sa puso nya.

Itinago ko ang singsing na nakalagay sa isang maliit na box na kulay red saka ako nagpasya na ipaghanda muna si Maye ng almusal.

Pinaluto ko sya ng itlog at ham, sinamahan ko din ng bread at fried rice, at fresh fruit juice inilagay ko ang lahat nf iyon sa isang tray. Ipapanhik ko nalang at doon na kami mag aalmusal.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nakabihis na sya ng maternity dress nya tapos na syang maligo at sa nagyon ay nakaharap sya sa salamin at sinusuklayan ang kanyang buhok.

"Hon, I made our breakfast, dinala ko na rito para hindi kana mahirapan bumaba, mukhang napagod ka kasi sa paglalakad natin kanina."

Inilapag at inayos ko ang almusal namin sa round wood table na malapit sa may bintana namin. I glance at her at mukhang nasa mood na sya ulit

"What did you cook hon? Gutom na nga kami ni baby." tanong naman nya na tumayo na sa pagkakaupo at lumapit na sa akin.

"Eggs and Ham, you can choose if you want bread or fried rice and of course i brought you fresh fruit juice." masaya kong saad habang inaakbayan ko sya.

Igigiya ko na sana syang maupo ng biglang may umagos na tubig mula sa kanya.

"Hon why did you pee here? Sana sinabi mo para nadala kita sa cr." kukuha sana ako ng mop para kuskusin iyon. Pero sinakmal nya ang braso ko.

"Moron!! I didn't pee, palagay ko panubigan ko yan, manganganak na ako!!!!" Sigaw nya pero bakas ang sakit sa mukha nya.

"W-what? Oh good God anong gagawin natin?!!"

Bigla akong sinalakay ng matinding kaba at pagpa panic. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na ready ako kapag manganganak na sya. Pero heto ako at di malaman ang gagawin.

Oh fuck!!!!

MY WOMANIZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon