Chapt 2 Unang Sulyap

6.4K 103 1
                                    

Nagpaalam si Shey sa akin na may kikitaing client ngayong 5pm kaya naman mag-isa lang ako ulit na nag-early dinner sa isang korean restaurant.

Wala kase ang mama ko umuwi ito sa probinsya at bukas pa ang balik nito, kaya naman sa labas na ako kumain.

Marunong naman ako magluto pero di masarap katulad kay mama, hehehe.

Habang hinihintay ang aking order ay binuksan ko ang aking phone at  chineck ko ang aking Instagram nag scroll down ako at ini-like ang mga pictures ng mga kaibigan, at comment sa ibang nakapukaw ng aking atensyon.

Pero biglang napataas ang isang kilay ko ng makita ang post ni Gerome na may caption pa na "Happy together with my one and only darling ❤" at sa larawan ng mga ito ay sobrang sweet at halatang masaya sila.

"My gosh !! The nerve !! Kanina lang kami nag break tapos ngayon ay makikita kong may iba kaagad sya ?! Walang hiyang two timer !!" gigil na sambit ko habang pumipindot sa cellphone ko para i-block ang dating nobyo.

Bwisit na jologs na iyon!! Himutok ko, hindi ako bitter sobrang buwisit lang talaga ako sa lalaking iyon.

Pagkababa ng phone ay saktong pagdatig ng aking order, sinimulan kong lantakan ang kimchi at kinalma ang sarili.

Hindi ako nasasaktan o nagseselos okay! alam kong inis ang nararamdaman ko dahil napagtanto ko na tinwo-time  ako ng hinayupak na iyon!! kung maaga ko lang nalaman ay sana ay ako na mismo ang nakipag break dito.

Kapal ng mukha eh!!










Rylie's

Maaga sa napag-usapang oras ng meeting namin ni Mr.Saavedra ang dating ko sa resto pero hindi naman ako na-inip dahil marami akong napagmamasdang magaganda at sexy na babae sa dito korean resto na venue ng meeting namin.

What can I say I love to see beautiful ladies!

Pero may mas nakaka-aliw akong babae na pinagmamasdan ngayon na after mangiti sa phone na hawak at biglang sumimangot ay pinang gigilan naman ngayon ang isinerve na pagkain sa kanya.

Parang baliw hahaha!! Mood swings?!

Dalawang table lang ang pagitan namin at bakante ang mga table na iyon kaya parang magkaharap lang kami dahil nakaupo sya paharap sa akin.

Hindi nito alam na pinagmamasdan ko ito kaya malaya kong nakilatis ang mukha nito, hugis puso ang mukha nito at may katamtamang bilugang mata at malalantik na pilik mata at bumagay lamang ang matangos pero katamtaman lang na ilong nito sa kanyang mukha, at ang buhok nito kumikintab sa pagkaitim nito at parang kaylambot at napakabango nito.

Sayang lamang at hindi ko makilatis kung anong hugis ng katawan nito dahil nakaupo ito pero sigurado ako na sexy ito dahil slim lang nmn ang mga braso nito.

"I wonder how beautiful your naked body." Sa isip ko lang iyon sabay napangiti ako ng pilyo.

Bigla naman napatingin sa direksyon ko ang pinagmamasdang dilag, at inirapan ako nito.

Natawa ako ng bahagya at napailing, dahil nahuli ako nito na nakangisi ng pilyo.

Wag sana akong maisipang sampalin, baka akala niya minamanyak ko kahit totoo naman, hahaha!!




Maye's

"Sino ba yung gwapong damuhong yon?" tanong ki sa sarili ko ng pabulong pagkatapos kong inirapan ang lalaking halos katapat ko lang ng mesa.

MY WOMANIZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon