Unconditional Love

4K 69 0
                                    

Kahit na dalawang linggo na rin mula ng magkasama ulit kami ni Maye ay nahahalata ko na medyo ilang at ilag parin sya sa akin.

Hindi ko naman sya masisisi, sino ba naman ang hindi makakaramdam ng nararamdaman nya ngayon sa akin.

Nasaktan ko sya hindi lang emsyonal, pati na pisikal. Swerte nga lang talaga ako at mahal nya ako dahil binigyan pa nya ako ng isang huling chance to prove my self to her, and also my love for her.

At mas lalo ko syang dapat intindihin kung may mga mood swings sya ngayon, dahil dinadala nya ang pinakamagandang regalo na ibinigay ng Diyos sa amin.

Kaya nga tinitiis kong dito matulog sa kabilang kwarto at si Maye ang nasa masters bed room. Ayaw nya daw ako katabi kaya dito ako natutulog.

Gustuhin ko man na yakapin at lambingin sya ay itinataboy nya ako, pero inintindi ko nalang. Bwisit na hormones kase.

"Ryleiii...!!!" Napabalikwas ako ng bangon, paptulog na ako ng bigla kong marinig ang tili ni Maye mula sa labas.

Kaagad akong lumabas para daluhan sya, sa kusina ko sya natagpuan, nakatayo sa may tapat ng refrigerator at naniningkit ang mga mata nya sa galit.

"Honey bakit, may masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang tanong ko, pero binato nya ako ng kung ano at sapul iyon sa mukha ko.

What the fuck?! Shit!! Shit!! Napamura ako ng lihim ng makita kong underwear iyon.

"Walang hiya kang lalaki ka!! Ilang babae naba ang dinala mo dito ha? Pakalat-kalat ang mga panty ng mga naging babae mo!!"

Hasik nya sa akin, sinubukan ko syang lapitan at pakalmahin pero umatras sya palayo.

"Huwag kang lalapit sa akin!! Aalis na ako sa condo mo ayaw ko na dito!! Nakakdiri ang lugar na ito!!"

Nagmarcha sya papasok sa masters bedroom, tahimik ko lang syang sinundan. Inilabas nya ang maleta at inilagay doon ang mga importanteng gamit at kaunting damit nya.

"Honey calm down will you? Please." mahinahon kong saad.

"I can't believe my self I slept in here, ilang babae na ba ang naka sex mo sa kamang ito?!" Bakas sa mukha nya ang pandidiri.

"Wala!! Sa lahat ng parte ng bahay na ito ay dito lang hindi nakapasok ang mga babaeng dinala ko dito, at hindi ako nagpatulog ng ibang babae dito bukod sa'yo!!" Napagtaasan ko na sya ng boses.

"Jerk!! I'm out of here!!" Isinara nya ang maleta nya at nilagpasan lang ako saka na sya lumabas ng kwarto.

Mabilis naman akong nagbihis at kinuha ko ang susi ng kotse ko, lumabas na din ako at hinabol ko sya.

Mabuti na lang at nakahinto sya sa labas lang ng unit ko, mukhang hinintay nya talaga akong lumabas.

"Sa bahay namin mo ako ihatid." Mataray nyang saad at inirapan pa ako. Saka na sya naglakad papunta sa elevator.

Bibitbit ko ang maleta nya at walang imik na sumunod sa kanya, mula sa elevator hanggang sa sasakyan ay wala kaming imikan.

Sa bahay nila kami umuwi, nag suggest ako na mag hotel nalang kami pero ayaw nya. Dito daw sa bahay nila nya gustong matulog.

Araw-araw ay pinalilinisan nya ang bahay nila sa mapagkakatiwalaang kamag-anak nya na binigyan nya ng spare key ng bahay nila. Kaya hindi namin prinoblema kung malinis ang tutulugan.

"Ilapag mo na muna dyan yan." tukoy nya sa maleta.

Maingat ko namang inilapag iyon sa gilid ng cabinet nya dito sa loob ng kwarto nya. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng silid nya.

Floral ang wall papers ng kwarto nya, may isang double size na kama, cabinet at may sarili din syang CR.

"Saan ako matutulog?" Bigla kong naitanong sa kanya.

"Ewan ko sa'yo." Sungit parin nya.

"Can I sleep here?" Hirit ko baka makalusot.

"Sige."

Maikling sagot nya na nagpalundag sa puso ko, pumayag sya na magtabi kami matulog!! Humiga na sya sa kama at tinalikuran ako, dahan-dahan naman akong tumabi sa kanya at niyakap ko sya mula sa likuran nya.

"I miss this, I missed you so much, I love you honey." Bulong ko bago ko ibinaon ang mukha ko sa may leeg nya.

Hindi na sya sumagot, hindi rin naman sya pumalag. Salamat naman at hindi nya ako sinungitan at itinaboy. Ilang saglit pa ay hinatak na ako ng antok.


Nagising ako na wala si Maye sa tabi ko, ng tignan ko ang clock table nya ay alasyete na. Tumayo ako at pumasok sa banyo para maghilamos, napangiti ako ng makitang naroon ang toothbrush ko.

Nang matapos ako ay bumaba na ako, nakita ko si Maye sa may kusina na patapos na sa pag-ahain ng almusal.

"Good morning honey, you should have wake me up. Para ako na sana ang naghanda ng breakfast." Nilapitan ko sya at humalik ako sa pisngi nya.

Himala hindi umiwas!!

"Hindi ok lang, alam ko naman na napagod at napuyat ka sa biglang pag alsabalutan natin kagabi." Maaliwalas na ngiti ang ibinigay nya sa akin.

"Umupo kana, kain na tayo." dugtong nya.

"Ok, God thank you at good mood po si misis ngayon." Masaya kong naisatinig.

"Sira ka talaga, kumain na nga tayo." Natatawang sabi nya. At masaya naming pinagsaluhan ang almusal na hinanda nya.


Dahil sa good mood ang asawa ko ay magaan ang loob ko na pumasok sa office, pasipol-sipol pa ako habang papunta sa sarili kong opisina at binabati ang lahat ng makasalubong ko.

Nagtataka man ay binabati nila ako pabalik at nginingitian pa ako, pati ang secretary ko na si Arthur ay takang-taka na masaya ko syang batiin ng Good morning.

Dalangin ko sana ay palagi na lang syang nasa mood at hindi ako tinataboy. Malapit na kasi akong mafrustrate dahil sa sobrang sungit nya sa akin.

Andrade tayo for lunch hon? Please.. 😘

A text from her asking me for lunch, syempre agad ko naman rineplyan iyon at napa hiyaw pa ako ng Yes!!

Lalo akong ginanahan magtrabaho, nakaplaster pa ang ngiti ko na hinarap ang laptop ko.

Pumasok din si Maye sa Amoré Café may mga kailangan daw syang asikasuhin para sa sweldo ng mga staff nya.

Mukhang kaya na naman nya kaya pumayag akong pumasok sya ngayon. Para din hindi sya mainip lang sa bahay.

"Sir?!"  Naputol ang pag iisip ko ay napaangat ang tingin ko sa naka kunot noong mukha ni Art.

"Oh Art, kanina kapa dyan?" masaya pa rin ang tono ng boses ko, walang makakasira sa mood ko ngayon.

"No just ten seconds ago? here are the documents you need to review and sign." kibit balikat lang nyang sagot.

"Sorry I'm just so happy, good mood kasi si misis hindi masungit sa'kin, paki-iwan na lang mga yan dyan." paghingi ko ng pasensya.

"Well then, I'm happy for you sir!" sabi nya pero hindi halata sa kanya.

Mukha ding ipinaglihi sa ampalaya si Art e, matipid sa salita, laging masungit at nakakunot ang noo. Ah basta ako masaya, bahala sya.

MY WOMANIZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon