"Go Calix!!!! You can do it!!!!" Tili iyon ng mga babaeng kaklase ni Calix na may crush daw sa anak ko. Lima sila na nag chi-cheer dahil si Calix ngayon ang may hawak ng bola.
Nasa grade ten na ang aking panganay at tulad ng daddy nya ay lumaking gwapo at malakas ang hatak sa chiks.
Nanonood kami ngayon sa school na pinapasukan ng mga anak namin, intrmurals nila at kasali sina Calix sa mga naglalaro ng basketball.
"I love you Marcus Ryze!!!"
"Go Ryvien Mayz"
"We love you Rythm and Ryck"
Sunod-sunod na tili pa ng mga humahangang kaeskwela ng mga anak ko. Yup, yes, yeah!!! Tama anf magaling kong asawa tinotoo ang request na mag-anak kami ng first five ng basketball team.
Rymiel Calix is my first born sinundan agad ni Marcuz Ryze na nasa grade ten din dahil one year and four months lang ang tanda ng panganay ko sa pangalawa kong anak.
Ryvien Mayz ang pangatlo na nasa grade nine naman at isang taon lang din ang pagitan nila ni Marcuz.
Rythm Mathew and Ryck Marco ang aming kambal na nasa grade eight, at as usual isang taon lang at ilang buwan lang ang tanda ni Ryvien sa kanila.
Tinaon taon ako ng magaling kong asawa, aba hindi naman ako nagrereklamo e, mahal ko ang mga anak ko ang gugwapo kaya nila at lahat sila ay mababait at masunurin.
Magkakasama sa isang team ang mga anak namin, dahil ginawa ng organizer ay pwedeng magkampihan mula grade seven hanggang twelve.
At dahil pare-parehong matatangkad ay pinagsama-sama sila sa isang team. Game naman sila dahil palagi talaga silang nag ba-basketball. Favorite bonding game nilang mag-aama iyon.
"Those girls are scandalous and so annoying!!" Si Myrtlle Ryzel iyon ang aking babaeng anak at pang anim na sa magkakapatid. Nakasimangot na napatingin sya sa mga nagtitiliang mga dalagita.
"As if our kuyas will notice them. Snobish kaya mga yan." Mataray pero maliit na tinig naman iyon ni Martina Ramcey ang aming bunso.
Yes again nagkaroon din kami ng dalawang anak na babae tulad ng gusto ni Rylei. Dalawang magagandang anak na babae.
Si Myrtlle ay nine years old na at si Martina ay seven years old na. Tinamaan ng magaling ang asawa ko e, aba sharp shooter parang sumunod talaga sa plano nya ang mga anak namin.
Pero wala akong reklamo kahit na pitong beses akong halos mamatay sa panganganak, worth it naman lahat iyon dahil lumaking masunurin at mababait ang mga anak ko.
Pero minsan may pagka mataray ang mga girls ko ayaw kasi nila na may mga nagpapansin mga babae sa mga kuya nila.
At ang mga anak ko naman na lalaki ay napagkakamalang snob dahil na din sa sinusunod nila ang pangaral ko na huwag muna mag girlfriend study first muna.
"My two beautiful princess are so protective to their kuyas baka naman pag nag girlfriend na ang mga yan e pahirapan nyo." natatawang wika ni Rylei na hinaplos sa ulo ang mga anak namin.
"Basta hindi annoying at maarte, i will be good to them." Sagot ni Myrtlle.
"At dapat hindi makapal mag make up like those girls." nakangusong dugtong naman ni Martina.
Nagkatinginan kami ni Rylei at natawa nalang, mukhang mas magiging mahigpit pa ang dalawang prinsesa namin kesa sa akin pagdating ng panahon.
"Veroz with the jersey number twenty for the win!!! Three points!!!!" Saad iyon ng announcer ng game.
Masaya kaming dahil nanalo ang team ng aking mga anak sa intramurals nila, hindi na kami nakihalo pa dahil sobrang daming tao ang lumapit sa kanila, lahat ay kino-congrats sila.
Hinitay namin na lapitan nalang kami ng mga ito, at ilang sandali pa bago pa man nila tanggapin ang award nila ay tumakbo papunta sa amin ang aming mga barako.
"Dad, mum!!!" Sabay-sabay nilang tawag habang palapit sa amin. Nakangiti naman namin silang sinalubong.
"Good job team!!!" Masayang wika ng kanilang Daddy.
"Congratulations babies!!" Napasimangot sila sa naging tawag ko sa kanila at nagkatawanan naman kaming apat.
"Mum ang lalaki na kaya namin para maging babies mo." reklamo ni Calix pero naglalambing ang boses.
"Yeah baka marinig ka po ng mga fans namin mommy." segunda naman ni Ryvien pero malambing din ang tono.
"Ah basta babies ko kayo." irap ko sa kanila habang nakangiti ako.
"Dad did you see how i shot the ball, dahil yun sa training mo sa amin." excited naman na sabi ni Marcuz.
"Yes buddy you're so good in shooting sapul na sapul walang palya!" Proud na proud ito sa mga anak namin.
"Kami din ni Rythm mum magaling din diba." ungot naman ni Ryck.
Si Rythm naman ay ngiti-ngiti lang, kapag ganito talagang masigla lahat ang mga kapatid nya ay pipiliin lang nya ang makinig at makitawa.
"Of course baby, magaling din kayo, lahat kayo and we are so proud of you." masayang sagot ko sa kanya.
"We have to celebrate. dad, mum." Napapalakpak pa ang aming bunso sa kanyang ideya. Nagkatinginan kami ni Rylei at nagtanguan.
"Andrade later?!" Anunsyo nya.
"Yeah!!" Sabay-sabay nilang sagot.
Naging paboritong restaurant na namin ang resto ng aming kumpare na si Renzo Andrade. Talga naman kasi na napakasarap ng mga inihahanda nila doon.
"Sige na boys aawardan na kayo go back to your team mates para makapag celebrate na tayo." utos ko naman sa kanila.
Sabay-sabay silang tumango at nagbalikan kung nasaak ang mga team mates nila. Pinanood namin na tanggapin nila ang kanilang award. Calix got the most valuable player award. We are so proud of them.
Inakbayan ako ni Rylei habang pinapanood ang mga anak namin, kita ko sa kanya ang kasiyahan. Sixteen years of being together and counting of course. Hindi man perpekto pero masaya ang aming pamilya.
At pinagpapasalamat ko talaga na siya ang ibinigay sa mga panalangin ko, ang lalaking sa pangarap ko lang noon, ngayon ay may pito na kaming anak at baka masundan pa. Joke lang!!
But kidding aside ito ang naman talaga ang pinangarap ko at sya din. Isang buo at masayang pamilya.
Tatanda kaming masaya, magkasama at nagmamahalan.
BINABASA MO ANG
MY WOMANIZER
RandomMaye Concepcion isang babaeng wala yatang pangarap kundi maging isang asawa at Ina. Hindi nya nakikita ang sarili nya bilang isang may propesyong tao, kahit na may ibubuga naman sya, pagdating sa pag-ibig ay aminado syang isa syang tanga. Rylei Vero...