Chapt8 The Shotgun Proposal

4.2K 65 2
                                    

Maye's

"W-what is the meaning of this Ry?" puno ng kaba ang dibdib ko ng makita ko ng malinaw ang isang diamond engagement ring sa ibabaw ng ice cream ko.

"I know it's too fast, ni hindi pa nga tayo officially mag-on, but I know and I can feel that you and I have the same feelings for each other." sinserong sagot nito sa akin.

"You're adorable and I am happy whenever I am with you Ry, pero nakakagulat lang talaga itong proposal mo." magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko.

Parang panaginip lang ang lahat ng nangyayaring ito, wait lang di makafunction ang utak ko!!

"We are destined to meet each other, Maye I want you to be mine for the rest of my life."

"Aaminin ko Ry nahulog na ang loob ko sa'yo."

"Alam ko mabilis masyado, saka na kita liligawan sweetheart, everyday of our life, please say yes."













Rylie's

Ngayong pumayag na si Maye na magpakasal sa akin ay may maihaharap na ako sa Daddy, ito ang gagamitin ko para matupad ang pangako ko rito, wala naman akong balak magpatali ng matagal sa babae, sa una ay magpapakasal kami at magiging masaya sa mga unang bwan pero nakaplano na din kung paano kami maghihiwalay.

"So planado na pala ang magiging buhay may asawa mo, 6 months lang." natatawang saad ni Brix.

Nasa Bar kami ng mga oras na iyon, best friend ko ito at pinagkakatiwalaan ng husto kaya sinabi ko ang lahat ng plano ko rito at nagpapatulong sa ibang detalye para sa plano kong pagpapanggap na pagpapakasal.

"Yes and as i've said tutulungan mo ako sa mga ilang preparation sa magiging "kasal" ko." saad ko sabay lagok sa isang shot ng brandy.

"Simula't sapul naman bro ako ang partner in crime mo, so tell me all the details para maplantsa natin maige ang "marriage plan" mo.

Pinag-usapan naming maigi ang aking pinaplano, at para bang kami ay nagpaplano lamang ng isang palabas sa teatro.













Maye's

"Seriously besy ?!!" sobrang hysterical ito habang hawak nito ang aking kamay na may suot na engagement ring. "Nung isang araw palang natin pinag-uusapan paano kayo magiging official mag-on, tapos engage agad ?!"

"Medyo kinakabahan nga ako beshey, parang sobrang bilis, pero masaya din ako kasi alam ko na nagmamahalan kami." maging ako nmn ay hindi parin mkapaniwala at nabibilisan sa mga naganap noong nakaraang gabi.

MY WOMANIZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon