Happy Married Life

3.5K 62 1
                                    

Rylie's

Umaga na naman, papasok sa opisina maraming dapat asikasuhin sa araw na ito, kinapa ko ang kama wala na sa tabi ko si Maye, sigurado ako na kanina pa sya bumaba para mag handa ng almusal.

Bawat gabing magkasama kami ay may nagaganap sa amin, pinipigilan ko but I can't resist her. At pag gising ko naman sa umaga bago pumasok sa office ay ganito ginagawa nya.

Maagang magigising dahil gusto nyang sya ang nag aasikaso ng breakfast. Ayaw ko sana na gawin nya pa na pagsilbihan ako pero mapilit sya, gusto nya daw na hands on sya sa pagiging misis ko.

She's sweet, loving and caring swerte ako sa kanya. Holy crap!! Am I inlove with her? No this can't be!! It's just guilt and lust.

Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para mawaglit na ang gumugulo sa isip ko lalo na sa damdamin ko, ayaw ko ng ganito.

Ayaw ko dahil pwede niya akong durugin ano mang oras kung mahuhulog ako sa kanya, at hindi ko hahayaang mangyari iyon!!


















Maye's

Hindi mahirap sa akin ang pag gising ng maaga dahil dati pa naman ay maaga na ako nagigising, at masaya ako na napag sisilbihan kong mabuti ang aking asawa.

Ready na ang breakfast, nakita ko na pababa na sya ng hagdan nakabihis na para pamasok sa opisina. Ipinagtimpla ko na din sya ng kape.

Bilib din ako sa asawa ko sya ang boss sa kanyang kompanya pero hindi sya nag papa petiks-petiks lang. He's a good example of a leader ika nga nila.

"Good morning  my  beautiful wife " bati nya sa akin at humalik sya sa aking pisngi.

"Morning, here's your cofee." Ganting bati ko at isinerve ko ang cofee nya ng makaupo sya.

Naghain ako ng fried rice, bacon, ham and egg for breakfast, dati daw ay hindi sya nag bi-breakfast ng rice, coffee lang at minsan naman ay dadaan sya sa drive thru pra bumili ng burger.

Pero nagkasundo kami na every morning before kami pumasok sa kanya-kanya naming trabaho ay sabay kami lagi mag-aagahan.

"Sweetheart , may dinner meeting ako tonight with Mr. Abrazal and Mrs. Coron so I can't join you for dinner ha." Pagpapa-alam nya sa akin.

"Ok  sweetheart , maybe before going home sa café amore na ako mag didinner."  sagot ko naman. Di talaga maiiwasan ang ganito na gagabihin siya at naiintindihan ko naman iyon.

Di naman ako nawalan ng panahon sa aking munting cafeteria, at maasahan ko naman ang aking mga staff sa twing di ako nakakapasok or kung aalis kmi for a couple of days.

"Ok, but i'll call you if i can fetch you up."

"Sure ."

Sabay kaming pumasok sa kanya-kanya naming trabaho, dahil on the way naman ang café papunta sa kanilang building ay sya na ang naghahatid sundo sa akin.
























Rylie's

"So how's the newly weds?"  Tanong sa akin ni Brix.

"Well we're fine, enjoying." Tipid na sagot ko naman.

"Hmmn mukha ngang enjoy ka brod, aliwalas ng mukha mo e."  Di ko malaman kung inaalaska lang ako nito.

"Let's get to work brod marami tayong kailangan gawin." Pag-iiba ko ng topic.

"Something is change brod, i can sense it."
Pinakatitigan nya ako saka pa hinihimas ang baba nya.

"Nothing was changed." Pakli ko sa kanya.

Ewan ko ba pero ayaw ko na may iba pa syang itanong, gaya ng first night namin ni Maye bilang mag-asawa.

I know to my self that this feeling is weird it's new to me, I want to protect her, to take care of her, she's different among the women i've met before.

Am I inlove with her?! No maybe this is just a guilt from my conscience. Purely guilt.

Kailangan ko munang umiwas ng kaunti sa kanya, kaya kahit na maaga natapos ang mga meeting ko ay sadyang nagpagabi ako sa opisina.






















Maye's

Rylei called me earlier di na daw nya ako masusundo, so napagpasyahan kona tawagan ang bes shey ko, matagaltagal na din kaming walang chitchat ng bruhang yun.

Saktong di naman sya busy kaya maaga syang nakapunta dito sa Franco's.

"Ano bessy kamusta ang buhay may asawa?" Excited na tanong nya habang kumakain na kami.

"Masaya besshey, nung una medyo nag-aadjust pa kami sa isa't isa pero ngayon parang sanay na kami, alam ko umpisa pa lang ito at marami pa mangyayari pero hanggat kasama ko sya alam ko namang magiging maayos ang lahat." Mahabang litanya ko.

"E yung first night nyo bessy kamusta? Masakit ba?" Langya tong best friend ko nasamid ako sa tanong nya.

"Talagang itatanong mo yan bess?" Pinanlakihan ko sya ng mata pagkatapos kong uminom ng tubig.

"Hindi ko naman pinapadetalye bessy, share ka lang ng konti."  Nagpapkyut pa ang impakta!!

"Kung gusto mo malaman besshey, mag-asawa ka na kaya." Birong suhestyon ko sa kanya.

"Malapit na bessy kapag nakilala ko na si Mr. Right ko." Sarkastikong sagot nya na naging dahilan pra matawa ako.

"Magseryoso ka kasi bessy wag yung pag nararamdamn mong sumeseryoso na ang partner mo e ska ka naman aayaw." Parang nanay nya akong kinagagalitan sya.

"No comment po nanay, kain na nga tayo at may imi-meet pa ako mamayang 9pm". Pag-iiba nya ng topic.

"Blind date na naman tapos after a few days wala na." Bubulong-bulong pa ako.

"Shhh!! Don't talk too much when eating." Saway nya sa akin. Ipinagpatuloy namin ang pagkain.

Ewan ko ba sa best friend kong ito para syang napapaso sa salitang commitment.

Ah basta ako masaya na ako dahil nahanap ko na ang lalaking mamahalin ko at mamahalin ako hanggang sa tumanda kami.

I'm happy and I will always be happy with my married life.

MY WOMANIZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon