Damn He's In Love?!

3.6K 67 1
                                    


Rylie's

Time flies so fast, ewan ko ba pero kabaliktaran ng inaasahan kong boring life ang married life ko with Maye. Mag-aapat na buwan na kaming kasal.

Walang araw ang nagdaan na hindi nya ako napapangiti, minsan nga pag tambak ang trabaho sa office ay namimiss ko sya, gusto ko lagi kong nakikita ang maganda nyang mukha, gusto ko laging kalambingan ko sya.

Am I insane? Di ko na maintindihan ang sarili ko, minsan nga nagkatampuhan kami buong araw nya akong hindi kinausap ay di ko matanggap iyon, is it my ego?

At kapag may nag memessage sa kanya na kaibigan nyang lalaki from her high school or college days ay naiirita ako, selos ba tawag don? Am i falling for her?

Tulad ng ipinangako ko sa kanyan noon ay liligawan ko sya kahit kasal na kami, tinupad ko naman iyon lagi akong may munting sorpresa para sa kanya. And seeing her happy with my sweet little doing ay dobleng saya ang nararamdaman ko.

Sinubukan ko din na medyo iwasan sya noon, nagpapagabi ako sa office or minsan di ko sya sinasabayan sa breakfast. And hell ! nakita ko siya na umiiyak  at sinabi niya sa akin na ayaw ko na daw sa kanya kaya ko siya iniiwasan na.

Guilt consume me, tinigilan ko ang pag iwas ko sa kanya at nakita ko na sumaya ulit siya ay napanatag din ang loob ko.

At dahil nga hindi gumana ang pag iwas ko ay lalo lang napalapit ang loob ko sa kanya.

And now i'm on my way to her café, inaya ko sya mamasyal at gusto nya daw sa amusement park kami magpunta.






















Maye's

Katatapos ko lang pagbilinan ang mga staff ko sa mga kailangan gawin dito sa café, aalis kami ng hubby ko. Inaya nya ako mamasyal at ako pa pinapili nya sa pupuntahan namin.

Nagrequest ako na sa amusement park kami magpunta na walang tutol naman na pinagbigyan nya ako. "What my queen wants, my queen get" ika nga nya.

He calls me and says in a while he'll be here, and shoot! After ten minutes ay heto na sya papasok sa café, my husband is a damn gorgeous man.

He's around six two tall, mestizo and have an oozing sex appeal na kahit sinong babae ay hindi pwdeng hindi mapansin ang charm nito.

Minsan nga ay sinusundot ako ng selos pero mas nangingibabaw ang tiwala at pagmamahal ko sa kanya at nakikita ko naman na faithful naman siya sa akin.

"Ready sweetheart ?" Tanong nito ng makalapit na sa akin sabay halik sa aking pisngi.

"Yes sweetheart , your just on time katatapos konpalang magligpit ng gamit." Nakangiting tugon ko sa kanya.

"Then let's go, we don't want to waist our precious time." Magiliw na aya nya sa akin.

Magkahawak kamay kami sa paglabas sa café at kitang-kita ko kung paanong mainggit ang ibang costumer at staff ko.

Oppa ba naman ang hubby ko, maglalaway talaga sila pero sorry he's mine and only mine.

Pagdating sa parking lot ay pinagbukas nya pa ako ng pintuan ng sasakyan, isang gray na hi lux pick up ang dala nya napansin kong may mga gamit na parang pang camping sa likod ng sasakyan.

"Sweetheart bakit may tent tayo?" Tanong ko sa kanya.

"We'll go to tagaytay after going to the amusement park, manonood tayo ng meteor shower."

Naexcite ako sa sinabi nya na meteor shower.

"Realy ? Oh i love to watch it lalo na i'm gonna be with you."

Sa sobrang saya ay humapit ako sa matipuno nyang braso at hinalikan sya sa pisngi.

"Cute mo sweetie "' Nakangiting sabi nya. " fasten your seatbelt " pagpapaalala nya sa akin ng mapansing di pa ako nakapag seatbelt.

Nag-ayos ako ng upo at nagseatbelt, lumingon ako sa kanya sabay nginitian ko sya ng matamis.

"Tara lets na, i don't want to missed the meteor rain later."

Nakatulog ako habang nasa byahe kami, ginising na lang ako ng aking asawa ng makarating na kami sa enchanted kingdom.

Wala kaming sinayang na oras lahat ng rides ay sinakyan namin at naglaro din kami.

"Bulls eye!" Masayang sambit ni Rylei sabay pitik pa sa ere ng tamaan nya ang maliit na target aa shooting game na nilaro namin.

"Congrats sir anong prize po ang gusto nyo?" Tanong ni kuyang attendant sa booth na iyon.

"Kahit alin ba sa mga nakadisplay nyo?" Tanong ni Ry.

"Yes sir." Maagap na sagot nito

"Give me that big pink teddy bear." Turo nito sa pinakamalaking stuffed toy na nasa pinaka-gitna.

"Ok sir." Kaagad naman kinuha nito ang giant bear at iniabot kay Ry.

"For you sweetheart , what do you want to call her?" Ibinigay nya ito sa akin.

"Hmm i'll call her lyrie." Mabilis na sagot ko habang yakap-yakap ko ang big bear ko na bigay nya.

"Witty huh." Itinaas baba pa nya ang mga kilay nya ng mapagtanto nya na nirambol ki lang ang pangalan nya.

"Why isn't it cute?" Nangingiting tanong ko.

"It is" maikling sagot nya saka nya ako hinalikan sa tungki ng ilong ko.

weee kilig to the bonezzzz!!!

"Oh kaya pa sweetheart ?" I asked him after namin makababa sa roller coaster.

Halata sa kanya na namumutla pa sya, kalalaking tao natakot sa roller coaster kanina bago kami sumakay e ang tapang tapang nya, sisiw lang daw?!

"Can we have a little break?" Para na syang magmamakaawa.

Pigil ang ngiti ko na tumango, hawak kamay kaming nagtungo sa isang bench na nasa ilalim ng punong may malagong dahon.

"Ry oh, inom ka ng water." iniabot ko sa kanya mula sa aking bag ang tumbler ko na may tubig.

"Thank you." Kaagad naman nyang tinanggap iyon at linagok.

"Sige wag na tayo sumakay sa mga nakakatakot na rides." Suhestyon ko pagkatapos nyang uminom.

"But if you want to, kaya ko pa naman sweetheart ."

Alanganing sagot nya, pero alam ko naman na pinagbinigyan nya lang ako, ayaw ko naman na nakikita syang namumutla after namin sumakay ng mga rides.

"Actually i have a last request." Napalunok sya na ikina tawa ko ng bahagya. "Don't worry sweetheart sa Ferris wheel ko lang gusto sumakay before we leave."

"Sure sweetie , no problem." Nakitang kong lumiwanag ang mukha nya senyales na nakahinga sya ng maluwag.

Palubog na ang araw ng mapagpasyahan namin na sumakay sa higanteng Ferris wheel mabagal lang ang ikot nito, habang papataas kami ay kitang-kita ko ang ganda ng tanawin.

"So beautiful..." nasambit ko ng makarating sa tuktok ang sinasakyan namin.

"You're much more beautiful " Bulong nya sa akin.

Magkatabi kami at nakaakbay sya sa akin, kaya ng humarap ako sa kanya ay ilang dipa lang ang layo ng mga mukha namin.

At walang pasabi na tinawid nya ang pagitan namin, hinalikan nya ako sa labi na sa pakiramdam ko ay punong puno ng pagsuyo at pagmamahal.

Kaya't tinugon ko din iyon na puno ng pagmamahal, matagal ang naging halik namin, natigil lamang iyon ng mardamn namin na gumagalaw na ulit ang sinasakyan namin.

Para tuloy kaming mga teenagers na nagkahiyaan at parehas pang namumula!!

MY WOMANIZERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon