Chapter 1: Sleeping Beauty
Binilisan ko ang kilos ko at pumasok na ng kotse kung saan si kuya Jess ang nagdadrive.
"Ano ba yan. Kakasimula mo lang ng bagong grade, may record ka na agad na late?" Tanong nya na tinawanan ko lang.
"At least nga pumasok pa eh." Sagot ko.
Second week palang ng pagiging 4th year ko sa highschool at pagkatapos nito makakagraduate na ako ng highscool tapos magc-college tapos makakapag-tapos na ako. O diba? Ang bilis ng oras.
Matapos ang ilang minuto, nakarating na kami sa Reignuville University.
Actually, returnee ako dito kase last 2 years dito na ako pumapasok pero lumipat kami ng US because of some important errands.
"Ingat ka bro." Sabi ni kuya bago ako tuluyang bumaba ng kotse.
"Ge." Ang naisagot ko lang.
7:50 na, 7:30 nagsisimula ang klase namin ngunit wala ako sa mood magmadali at tumakbo patungo sa classroom.
Ano naman ngayon kung late ako diba? Wala namang nakasulat sa bibliya na bawal malate ah.
Pag pasok ko sa classroom, ang mga mata ng mga kaklase ko na nakatingin saken at ang kauna-unahan kong nakita. Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Ms. Aragon na adviser namin.
"Hindi pa nakakalahati ng first quarter, may disciplinary record na agad tayo?" Sabi nya.
Tumawa ang iba kong mga kaklase pero hindi ko na ito pinansin.
"I apologize, ma'am." Sabi ko at umupo na ako sa likod kung saan ay may bakanteng upuan.
Nagtatawanan at nagtitinginan parin ang mga kaklase ko saken ngunit may isa na talagang nakuha ang tingin ko.
Hindi sya tumatawa o tumitingin man lang saken. Para bang, walang pake sa mundo. Nakahalumbaba lang sya at nakatitig sa bintana na katabi nya.
Teka, bago ba sya dito? Ngayon ko lang sya napansin eh. Last week di ata sya pumasok. Ngayon ko lang sya nakita dito, pramis.
Sinubukan kong silipin ang I.D. nya ngunit nakatago ito sa bulsa ng skirt nya. Alangan namang pilitin ko pang tingnan edi magmumuka akong naninilip?
Dumaan ang aming GTS o ang aming Grade 10 Supervisor na si Madame Cruz para kolektahin ang attendance form. Di na ako magugulat kung murahin o pagalitan o bigyan man ako ng masamang tingin, alam ko nalate ako.
"Well, well. The first ever senior of this year to violate the Disciplinary Rule 2.4... Tardiness." Sabi ni Madame Cruz at inirapan ako.
Napalunok nalang ako ng ginawa niya iyon. So ayan, malalaman na naman to ni daddy pag nakita nya ang record ko sa first quarter.
Umalis na si Madame Cruz at lahat, pero hindi paren nawawala ang atensyon ko sa babaeng ito. Bagay na bagay sa kanya ang mahabang buhok. I must say. Ang ganda nya ha.
Nakalipas na ang ilang subjects at tumunog naren ang bell para ipaalam sa amin na lunch break na.
Nakita ko na agad sina Phillip at George sa labas ng section namin. Lumabas na ako ng classroom pagkatapos kong kunin ang wallet at jacket ko.
"Ang galing mo naman kanina. Famous na pre." Sabi ni Phillip na naka-ngiti.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Balitang balita sa buong Grade 10 na ikaw ang kauna-unahang nagbreak ng Rule 2.4." Sagot naman ni George habang natatawa.
Hindi ko alam kung maiinis ako o ano eh, basta tumango nalang ako.
BINABASA MO ANG
The Mystery Under The Night Sky (ON HOLD)
Mystery / ThrillerThis story of mine is just about a mysterious girl who actually fell in love with the wrong, yet right, guy. She was treated badly everywhere by everyone who knows her name. But unfortunately, they only know her name. No one knows what she does, and...