Chapter 11

26 2 0
                                    

Chapter 11: More Smile, Less Pain

Na-cancel ngayon ang klase ng mga studyante sa RU dahil nagkaroon daw ng emergency dito at lahat mga teachers at iba pang mga staff ay kinakailangang magtipon-tipon. Hindi na rin nabanggit ni Ms. Aragon kung ano ang problema. Inannounce lang niya sa amin na wala nang klase at kumaripas ng takbo papunta sa direksyon kung saan patungo rin ang iba pang mga teachers.

Maagang sinundo ng daddy nya si George at si Phil naman ay kasama si Jane kasi may pupuntahan daw sila. Siguro nga may something talaga sa dalwang iyon eh. Hindi ko maintindihan. Ala, bahala sila. Alam naman nating lahat na walang forever.

Tinry ko ring tawagan si kuya Jess kanina para magpasundo na pero tanging sigaw lang ang nakuha ko sa kanya. Sabi nya busy pa daw sya at hindi nya daw ako masusundo agad kaya Mr. Lonely ako ngayon.

Naisipan kong tumambay nalang sa school park, tutal don naman ang favorite place ko sa school eh. Mahangin at tahimik.

Nang makapunta ako sa school park, pumwesto na agad ako sa ilalim ng malaking puno para hindi na ako maagawan pa ng pwesto. Umupo ako doon at huminga ng malalim. Ang ganda ganda ng araw ngayon. Ang fresh pa ng hangin. Tapos na-cancel pa yung klase! Hindi ko lang alam kung may gugulo pa sa araw ngayon.

Dahil nasa ilalim ako, pinagmasdan ko ang at itaas. May mga butas ang mga dahon kaya naman pumapasok ang liwanag na dinadala ng araw. Kung nandito ka sa posisyon ko ngayon, para itong mga bituin na walang sawang nagt-twinkle.

Nabuhay ang buong diwa ko nang may bumagsak na malaking sanga sa tabi ko.

"Fuck!" Napamura ako nang malakas at nakita kong hindi ito sanga. Isa itong babaeng naka-uniform at biglaang bumagsak galing sa itaas.

Nakapalda sya pero hindi ko nakita ang panty nya. Kayo talaga eh noh?! Syempre nakashorts sya sa loob. Tanga nalang sya kung wala syang shorts. HAHAHA!

"Ano ba yan? Nagpapakamatay ka ba?!" Sigaw ko sa kanya.

"Bakit ka ba kasi nandito?" Tanong nya sakin.

"Gusto ko dito eh. Bakit ba?" Binalikan ko sya ng isa pang tanong.

"Tanga, hindi mo pag-aari ang punong ito." Lumapit sya at umupo sa tabi ko.

"Teka, hwag mong sabihin na sayo din toh?"

Pinagpagan nya ang trunk ng puno at pinakita sa aking ang isang malaking letter C na naka-ulit dito.

"Lahat nalang sayo eh!" Sigaw ko sa kanya. Tunay naman ah!

"Syempre."

"Eh ako?!"

Shit.

Nanalaki ang mga mata namin ng marinig ang lumabas sa bibig ko. Siguro may isip na itong bibig ko kasi basta basta nalang syang gumagalaw ng kanya. Seryoso ako! Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko eh!

"So... ano, nagugutom ka ba?" Pilit kong iniba ang topic.

"Oo." Sabi nya.

Kinuha ko ang wallet ko at pinakita sa kanya ang mga kayamanan ko. Ngumisi ako. "Libre kitang isaw, gusto mo?"

"Ah, s-sige."

Pagkatapos non, inalalayan ko syang tumayo at lumabas na kami ng school papunta sa isawan. Kokonti lang ang tao doon kaya naman ay maalwan para sa amin ang kumain doon. Inabot ko sa kanya ang isang stick at bigla nalang kumunot ang kanyang noo.

"H-hindi kasi ako kumakain nyan eh." Sabi nya tapos umiwas nalang sya ng tingin sakin. Napangiti nalang ako. Actually, ganto rin ako nung inaalok ako nina Phil ng isaw eh. Nahiligan ko na rin ang pagkain nito gawa ng mga mokong na iyon.

The Mystery Under The Night Sky (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon