Chapter 9: Under The Night
Sa buong byahe namin, ang nasa loob lang ng utak ko ay si Charlotte. Nakatulala lang ako sa bintana at tinitingnan ang kahit anong linalampasan namin.
Nagpark si kuya sa garahe at pinatay na niya ang sasakyan.
"Hoy Deffin, baka mabulok ka dyan. Kanina ka pang tulala." Sabi nito habang tumatawa at pumasok na sya sa loob ng bahay.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na ako. Ako narin ang naglock ng sasakyan dahil kinuha ko ang susi kay kuya Jess.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at sinalubong ako ni mommy ng isang mahigpit na yakap. Yinakap ko rin sya pabalik at kahit papaano ay napangiti rin ako.
Nag-bless ako kay daddy at pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis. Nag-pyjama nalang ako at nagdamit at dumeretso na ako sa dining room para magdinner kaming buong pamilya.
"So," nagsalita si daddy. "Deffin, how's school?" Sumubo sya sa kinakain nyang salad.
"Ugh.." tumingin lang ako sa kinakain ko. "Ayos lang po." Tumingin sakin si kuya at para syang natatawa. Sinamaan ko lang sya ng tingin at patuloy parin syang tumawa.
Mukang napansin nina mommy at daddy ang pagtawa ni kuya dahil nagtinginan sila sa isa't isa.
Tangina, baliw talaga tong si kuya.
"Si Deffin po may girlfriend." Nanlaki nalang ang mata ko ng sinabi ni kuya Jess yon. Nanlaki lang rin ang mga mata nina daddy at hindi na nagsalita.
Fuck.
"Joke lang." Sabi ni kuya sabay tawa ng malakas.
Punyeta pinapakaba ako ng mokong na ito eh!
"Ikaw naman, Jess? Kamusta kayo ni Angel?" Tanong naman ni mommy. Nawala ang ngiti ni kuya sa labi nya.
"Ah. Yon. Wala na pong kami." Nanlaki ulit ang nga mata naming lahat. "Nung isang araw lang po."
"I mean, kahapon." Napatingin ako kay kuya Jess. Tapos bigla syang napatawa. Jusko sa totoo lang, parang wala lang yon sa kanya. Nakakailan na sya eh. Hindi sya natagal ng seven months sa isang babae. 1 month pagkatapos ng isa, may bago na naman. Pero wala kang magagawa dun. Fuccboi eh.
"Ano na namang nangyare?" Tanong ni daddy.
"Nagsawa lang po ako. Sorry." Walang naging reaksyon sina mommy at daddy. Nagpatuloy lang sila sa pagkain nila. Ako naman, nakatingin kay kuya Jess na hanggang ngayon ay nakangiti parin.
Pagkatapos namin kumain, pinaakyat ko na sina mommy para makapagpahinga na sila at kami naman ni kuya ang maglilinis ng mga pinagkainan. Ako ang naghuhugas ng mga plato at si kuya naman ang nagpupunas.
"Kilig ka naman kanina eh." Asar ni kuya sakin.
"Hindi ah." Sabi ko naman habang sinasabonan ko ang mga plato.
"Ako na dyan, matulog ka na." Tumawa si kuya.
Tumingin ako sa kanya at kinuha nya ang platong hawak ko. Naghugas narin ako ng mga kamay ko at nagpunas sa towel na tuyo. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad palayo.
Napatigil ako nang maka-rinig ako ng tunog galing sa labas. Lumingon ako kay kuya pero patuloy parin syang naghuhugas ng mga pinag-kainan namin.
"May narinig ka ba?" Tanong ko. Lumingon sakin si kuya at sumilip naman sya sa bintana.
"Naputol yung sanga ng puno." Sabi ni kuya Jess. Tumango nalang ako at naglakad na papunta sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama at nagbalot ng kumot. Wala na akong balak magpuyat dahil may pasok pa bukas at baka makatulog lang ako sa klase.
BINABASA MO ANG
The Mystery Under The Night Sky (ON HOLD)
Bí ẩn / Giật gânThis story of mine is just about a mysterious girl who actually fell in love with the wrong, yet right, guy. She was treated badly everywhere by everyone who knows her name. But unfortunately, they only know her name. No one knows what she does, and...