Chapter 3

44 2 0
                                    

Chapter 3: A Bit Revealed

Wala na naman akong tulog ngayon kakahintay kay gago.

Gago yung tinatawag ko sa kanya ngayon kase hindi ko naman sya kilala at wala na akong balak kilalanin pa.

Hindi na nagpakita saken si gago kagabi. Walang umiistorbo saken ngunit hindi parin ako nakatulog ng maayos. Actually hindi naman talaga ako nakatulog.

Pangatlong klase na namin ito at mag rereccess na kami. 40 minutes lang naman ang reccess at ang lunch naman ay 1 hour and 30 minutes.

Pagkatapos kong maging late nung isang araw, hindi na nadagdagan ng violation ang record ko. Which is a good thing.

Marami narin naman akong nakilalang mga kaklase for the past few days. Nagkaroon din ako ng konting ka"close". Especially Jane.

Napapansin ko rin na lagi nalang nya ako sinasamaan ng tingin and I never get to know why. Baka gawa nung kay sleeping beauty.

Ganon ba talaga sila kaclose para ipagdamot sya ni Jane saken?

Hindi naman sa gustong gusto ko talaga makipagkaibigan sa kanya. Ang weird lang talaga.

"Huy!" Kinulbit ako Gema na kahapon ko lang rin nakilala. "Deffin! Reccess na!" Umalis na sya at iniwan ako ng ganon paren ang pwesto.

Reccess na pala. Nagring na pala yung bell, hindi ko nman lang namalayan.

"Pre! Deffin!" Narinig kong sumigaw si Phil at nakita kong iniintay nya ako kasama si George.

"Ow?" Sabi ko at sinaraduhan ko na ang pintuan ng classroom.

"Uy Deffin umayos ayos ka ha." Sabi ni George na ikinataas ng kaliwa kong kilay.

"Anong pinagsasasabi nyo?" Tanong ko at tumawa rin ako ng konti.

"May nakakita daw sayo. Kasama mo si Charlotte sa park kahapon."

Ano daw?

"S-sinong Charlotte?" Tanong ko kasi hindi ko talaga alam.

"Huy? Ano ka? Nababaliw? Eh kasama mo lang sya kahapon? Nakaupo daw kayo sa bench at naguusap!"

Charlotte? Si sleeping beauty?

"Hay nako, alam mo ba Deffin, muntikan ko pa yon naging crush buti nalaman ko na agad kung sino siya." Sabi ni George.

"Sya yung sinasabi mo nung isang araw? Yung nginitian ka? Yung nasa library tayo?" Tanong ko.

"Oo. Grabe bro, muntikan ko na sya magustuhan! Muntikan ko ng magustohan ang hayop na yun!"

"HOY!" Sinigawan ko si George sa sinabi nya. Hindi na tama ang pinagsasabi nya! "George, I'm sorry pero hindi maganda ang sinabi mo."

"Alam ko pre. Pero alam mo, mas mabuting layuan mo muna siya. Kahit konting distance lang naman." Sabi ni Phil.

"Ano bang meron sa kanya?" Tanong ko. Sobrang nac-curious na talaga ako.

"Mas mabuti na rin na hindi mo na alamin." Biglang sumulpot si Jane sa gitna naming tatlo.

Nagtinginan kaming tatlo sa isa't isa tapos umalis na si Phil at George. Naiwan ako ng kaunting kasama si Jane.

Tinitigan ko lang si Jane at umalis na rin ako. Akala ko tatawagin nya pa ako para lumingon ako pero hindi pala.

Hinanap ko sina Phil at George sa cafeteria pero puro mga ulo lang ng mga hindi ko kilala ang nakikita ko.

Pero sa gitna ng dagat ng mga estudyante, nakita ko si sleeping beauty, I mean si "Charlotte", na nakatayo lang sa gitna at nakatingin sakin na parang namumutla.

The Mystery Under The Night Sky (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon