Chapter 10: Nathan
May naririnig akong boses na gusto yata akong gisingin kaya agad naman ay nagbukas ang mga mata ko.
"Ayan, buti nagising ka pa." Sabi ni mommy. "Bat ka ba dyan sa sahig natulog? Ang laki laki ng kama mo tapos hindi mo gagamitin."
Tumayo ako at nag-inat ng konti. Pagtingin ko sa kama ko, maayos ito at mukang plantsado pa ang mga bedsheets ko.
Lumabas na ng kwarto si mommy at dumiretso ng kusina.
Pinagmasdan ko ang kama ko at may napansin rin akong naka-fold na itim na papel na nakasipit sa ilalim ng kumot ko. Agad na kinuha ko ito at binuksan. Hindi na nakakapagtaka dahil alam na alam ko na ang nagsulat nito ay siya.
"Gold and Diamonds are precious things
They are buried
They are kept
For people know, what it could bringGold and Diamonds are kept far far away
They are not to be found
They are not to be touched
Because they cost a lot, in any way. -C:"A poem about gold and diamonds? Ano na naman ang binabalak nito? Ang ganda nung poem pero sinasabi ng utak ko na hindi ito poem. Para syang metaphor. Metaphor na hindi ko maintindihan. Metaphor na hindi ko alam kung ano ang ibig-sabihin.
Tinago ko yung papel ko sa bag ko na gagamitin ko sa school. Naligo narin ako ng mabilis at nagbihis narin.
Kumain na rin ako ng breakfast na hinanda ni kuya Jess para sa amin. Masarap yung pancakes nya pero hindi ko parin matanggal sa utak ko yung poem na sinulat sakin ni Charlotte. Unlike before, mas mahaba na ito at may dalawang stanzas pa.
Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush na ako at nagpabango ng konti. Sumakay na ako sa kotse ni kuya Jess samantalang sina mommy at daddy ay nagpatungo na papunta sa office nila.
Tahimik lang kami ni kuya buong byahe at hindi nagiimikan. Ang tanging tumutunog lang ay ang radyo. Sinabayan din ni kuya ang kanta sa radyo samantalang ako ay nakahalumbaba at nakatanga lang sa labas ng bintana, tinitingnan ang kung ano mang malagpasan namin.
Nung natapos na si kuya sa pagkanta, pinutol nya ang awkward silence naming dalawa.
"So, tell me... how was your night?" Nagulat nalang ako sa tinanong ni kuya Jess sa akin.
Anong how was the night?
Alam kaya nya na kasama ko si Charlotte kagabi? Hindi naman yata.
"H-ha? Ayus lang n-naman." Nauutal kong sabi.
"Sa pagkakaalam ko, ayaw mo ng may ibang tao sa loob ng kwarto mo." Tumingin ito sakin at ngumisi.
"Sa kalsada ka nga tumingin! Baka mamaya mabangga pa tayo eh!" Sigaw ko naman sa kanya.
Puta, pano nalaman ni kuya Jess yon! Napaka talaga ng mokong kong kuya! Punyeta sya. Lahat nalang pinakailaman.
"P-pano mo ba nalaman?" Tanong ko.
"Tangina, pano ko ba hindi malalaman eh sobrang lakas ng boses mo nung paakyat kayo ng bubong eh." Sabi nya sabay tawa pa tong hayop na ito.
"Sya kasi eh! Akala mo magpapakamatay na."
"At takot ka namang mawala sya." Tumigil sya sa pagtawa pero nakangisi parin sya sakin.
"Tanga, hinde." Lang ang tanging naisagot ko.
"Pero nakita ko sya habang inaakyat nya yung puno. Hindi ko nalang sinabi sayo kasi mukang papunta sya sayo eh."
"Ahhh."
BINABASA MO ANG
The Mystery Under The Night Sky (ON HOLD)
Mystery / ThrillerThis story of mine is just about a mysterious girl who actually fell in love with the wrong, yet right, guy. She was treated badly everywhere by everyone who knows her name. But unfortunately, they only know her name. No one knows what she does, and...