Chapter 15

19 2 0
                                    

Chapter 15: Scattered Lies

"May mga kasalanang walang kapatawaran, Deffin. Katulad ng kasalanan mo kaya nakulong ang tatay ko."

A-alam nya? Alam nya na ako ang dahilan kung bakit natrauma ang tatay nya at nakulong? Pero hindi ba wala syang alam? Noong gabing nagkasama kami, pinamuka nya sakin na wala syang alam!

"A-alam mo?" Nauutal kong sinabi.

"Syempre alam ko! Nandun ako eh! Ano ako? Tanga? Para hindi malaman na ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko kasama ang tatay ko ngayon?!" Tumayo sya at agad na hinagip ang buhok ko. Mahigpit ang pagkakahawak nya dahilan para sumakit ang ulo ko pero hindi ko pinansin ang sakit.

"Charlotte, I'm sorry." Hindi ko alam pero mukang kailangan kong humingi ng tawad sa kanya. Hindi ko man madama ang sakit nya pero alam kong hindi nya matanggap na magkahiwalay sila ni Rafael.

"Fuck your sorry, Deffin. Damn it!" Binitawan nya ang buhok ko at itinulak ako. Napahiga ako sa lakas ng tulak nya. Lumayo sya sakin at sinabunutan ang kanyang sarili. Tumayo ako at agad ko naman syang linapitan. Binalot ko ang mga braso ko sa bewang nya para mapigilan ko sya sa pag-wawala.

"Hindi ko ginusto ang nangyari, Charlotte." Deep inside, nagulat ako kasi napakalma ko sya agad. Pero alam kong hindi pa sya ganon ka-kalmado.

"Wala akong pake kung---" Napatigil sya sa pagsasalita kasi biglang nagring yung phone ko sa bulsa ko. ANAK NG PUTAKTE NAMAN OH! MAY DRAMATIC MOMENT KAMI NI CHARLOTTE TAS BIGLANG TATAWAG YANG HAYOP KONG KUYA?!

Kinuha ko ang cellphone ko pero hindi ko ito sinagot. Tiningnan ko muna sya habang hawak ko ang kamay nya. Nakakunot lang ang noo nya pero hindi sya kumakalas. Tahimik lang kaming nakatingin sa isa't isa habang patuloy na nagriring ang cellphone ko. Kumalas na ako sa titigan naming dalawa at napunta ang atensyon ko sa cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit nagdadalawang isip akong sagutin ang tawag ni kuya. Pero baka pinaghihintah ko na sya.

"S-sagutin ko m-muna ito ha?" Sabi ko. Kumalas sya sa hawak ko at lumayo.

"Answer that mother-fucking call and don't you ever try talking to me again." Sabi nya.

Biglang tumigil ang pagring ng phone ko at sunod-sunod naman ang pagtanggap ko ng messages galing kay kuya.

"WHERE THE HELL ARE YOU?!"

"I'M WAITING HERE FOR A HALF HOUR NA! ASAN KA NA BA?"

"GO TO THE PARKING LOT NOW!"

"PUTA, ITAPON MO NA YANG CELLPHONE MO KUNG HINDI MO AKO SASAGUTIN!"

Minsan lang magtext ng ganito si kuya Jess. Halatang galit na galit talaga sya. Tunawag ulit sya sa akin. Tumingin muna ako kay Charlotte at mukang galit din sya. Pero this time, hindi na ako nagdalawang isip pa na sagutin ang tawag ni kuya.

"Hello?"

Nakita kong binabalot ng galit ang muka ni Charlotte at parang gustong gusto na nyang sumuntok. Pero kapatid ko si kuya kaya sya ang uunahin ko. I'll make sure maayos din ang lahat. Maayos kaming dalawa ni Charlotte.

Linampasan ko sya at lumabas na ako sa lair nya. Dali-dali akong bumaba ng sirang escalator at tinakbo ko na ang daan papunta sa parking lot.

Sa totoo lang, madaling tumakbo papalayo sa kanya. Madali lang kahit hindi ko sya kausapin. But it's my feelings I need to control.

Unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko.

Nang makarating ako sa parking lot. Nakita ko agad si kuya Jess at linapitan naman nya ako.

The Mystery Under The Night Sky (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon