Chapter 16

20 2 0
                                    

Chapter 16: Poetry Club

Okay, so bale ilang oras na ang lumipas at hindi ko pa nakakausap si Charlotte. Nandito ako sa classroom ngayon, nakikinig sa teacher pero iba ang nasa isip. Na-attach na ako ng sobra sa babaeng yon, yet hindi ko pa sya ganon kakilala. Nakakatawang isipin na may crush ako sa kanya. HAHAHA! O diba, nakakatawa nga. That girl is really getting into my nerves. Hindi ko alam kung bakit ko sya nagustuhan pero alam kong hindi yon dahil maganda lang sya. Gaya ng sabi ko dati, hindi ako naakit sa ganda nya. There was something inside her that I liked. Her difference from all the girls I met. Ngayon lang ako nakaencounter ng ganitong babae.

Natapos ang isang boring na school day na walang kahit anong event na ikinasaya ko. Buong araw lang akong naka-poker face at walang imik. Feeling ko nga, hindi na ako maramdaman ng mga kaibigan ko tuwing kasama ko sila ng lunch time eh. In a short period of time, parang mas naging kaclose ko pa si Charlotte kesa sa kanila eh. Which is a bad thing to deal with lalo na ngayon at hindi na kami naguusap ng babaeng iyon. Sabi ni kuya, pumunta nalang daw ako sa mall kase mamaya pa nya ako susunduin, mga alas sinko pa. Wala naman akong gana o balak umalis ng school kase baka makita ko lang si Charlotte sa mall. Mas mabuti pang hindi ko sya makita kesa sa nakikita ko nga, pero dadaanan lang nya ako na parang hindi nya ako kilala.

Nagsimula akong maglakad papunta sa school park dahil doon ko naisipang tumambay. Linampasan ko lang ang punong may letter C kasi hindi ko nakakasiguradong nanon sya o wala kaya umupo nalang ako sa isa sa mga bench. Syempre yung bench na hindi sa kanya. Ang sarap ng simoy ng hangin dito ngayon. Ipinikit ko ang mga mata ko at sa oras na iyon, naramdaman kong wala akong problema. Pilit kong alisin sa isip ko si Charlotte at ang iba pang mga bagay na related sa kanya. At bigla kong naalala na nasakin pala ngayon yubg earphones nya. Inimulat ko ang mga mata ko at bumalik ako sa realidad. Hinugot ko ang earphones ni Charlotte sa bulsa ko at isinaksak ko ito sa phone ko. To be honest, parang ito yung time kung saan masarap makinig ng music. Isinara ko muli ang mga mata ko at pinakinggan ang music sa cellphone ko. Nakaramdam ako ng antok at napagdesisyonan ko na rin ang matulog muna.

Bigla akong nagising dahil nay boses akong naririnig sa tabi ko. Boses ito ng lalake na pilit gisingin ako.

"Mr. Amoresta."

"B-bakit po?" Iminulat ko ang aking mga mata at nakakita ako ng isang lalake sa harapan ko. Familiar sa akin ang muka nya dahil parang kagrade ko lang ata sya.

"May I talk to you? For a minute?"

"S-sige."

"Not here. Sa CAO tayo maguusap."

Tumayo ako at sumangayon. By the way, ang ibigsabihin ng CAO ay Club Activities Office. Dun nagaganap lahat ng meetings tungkol sa mga club naming mga studyante. Nga pala, pinapapili na kaming transferees and returnees ng club for this year. Yung mga old students naman, may club na since nagsimula pa sila ng highschool. Ang club ko nung firstyear ay String Music Club. Wala na akong ibang mapiling club kasi wala talaga akong nagustuhan eh. Well, since maalam naman ako tumugtog ng gitara edi dun nalang ako.

Medyo malayo ang CAO sa school park kaya medyo napagod ako sa paglalakad. Hindi kasi ako yung tipong outdoor person. Hindi ko trip tumakbo or magexercise o kahit anong related sa physical education kaya mabilis akong mapagod.

"You can seat down on the couch." Tinuro nya sakin yung couch at umupo naman agad ako. Kumuha sya ng konting papeles at umupo sa upuan na kaharap ko.

"So ito yung copy ng academic records ng mga new students sa section mo. Since ikaw nalang ang nakita kong studyante ng section 4-B, sayo ko nalang ito ipapagawa." Inabot nya sakin ang mga papeles at kinuha ko naman ito ng dahan-dahan para naman hindi magusot. Syempre nakakahiya naman kapag nakita nyang gusot ito. "Kailangan mong ipasulat sa mga kaklase mong transferees at returnees kung ano ang club nila."

The Mystery Under The Night Sky (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon