Chapter 6

18 2 0
                                    

Chapter 6: First

Mukang seryoso nga si Jane sa sinabi nya ng gabing iyon.

Tatlong araw na ang nakalipas matapos ang panyayaring iyon at hanggang ngayon, nakatatak parin sa isip ko ang mga katanungan na dinulot noon.

Alam kong hindi dapat ako nakikielam sa mga bagay-bagay na yan pero may pakiramdam talaga ako na kailangan ko ring malaman ang mga sagot doon.

Sino yung babae na nagpakita nung gabing iyon?

Iba ang naging pakiramdam ko nang dumapo ang palad nya sa pisngi ko. Hindi ito malambot. Hindo ito makinis. Magaspang ang palad nya ngunit sigurado akong babae talaga sya.

Sino si Nathan Arielo Davies?

Kilala ko si Nathan sa pangalan at muka gawa ng facebook pero parang kulang pa yon sakin. Gusto ko pa syang makilala.

Sino si gago?

Si gago. Matagal ko nang gustong malaman kung sino ang taong nasa likod ng itim sa damit. Na may matalas na kutsilyo.

Ibang klase ang kutsilyo nya. Itim na kahoy ang hawakan nito at may shape na parang may pa-ikot sa dulo.

Sa mga gabi na walang pumapasok sa kwarto ko, hindi parin ako nakatulog ng maayos dahil naghihintay ako.

Naghihintay ako na may magbukas ulit ng bintana ko at yayain akong lumabas ng hating gabi para gumawa ng mga bagay na hindi ko dapat gawin.

Namimiss ko tuloy si Jane. Dalawang araw sya absent pagkatapos ng pangyayaring iyon pero ngayon, katabi ko na sya sa classroom. Hindi nya ako pinapansin simula nung una pa naming klase. Parang walang nangyari eh. Parang hindi ko sya tinulungan gumawa ng kagaguhan sa GTS namin.

Naglunch break na kami matapos ang ilang minuto. Nagmadali kami nina Phil at George makapunta sa cafeteria dahil ayaw na naming naunahan pa ng madaming tao.

Umorder na ako ng pagkain ko at sina Phil naman, bumibili pa ng milkshake.

"Alam mo, ang daming nangyayari sa mga araw ngayon." Biglang nagsalita si George at sinubo ang kutsara nyang puno ng pagkain.

"Oo nga, George, eh." Sabi ni Phil at bigla itong tumingin saakin.

At tumingin din sakin si George.

"Ano ba?" Sabi ko. Naweweirdan ako kase parehas silang nakatingin sakin at sinisingkitan ang mata.

"Anong ginawa niyo ni Jane?" Tanong ni Phil.

Shit. Pano nila nalaman na magkasama kami ni Jane nung isang gabi?

"A-anong pinagsasasabi mo?" Sabi ko.

"Pwede ba, Deffin? Nasabi na saamin ni Jane ang nangyare." Sabi ni George.

Sinabi ni Jane?

Eh sya nga itong nagsabi na hwag ko daw sabihin sa iba eh. Niloloko nya ata ako eh.

"Hoy, George. Ako lang ang sinabihan ni Jane." Sabi ni Phil. "Ikaw naman tong namamakailam ng cellphone eh. Sa susunod hwag ka nang magbabasa ng messages ko."

Teka, magkatext si Jane at si Phil? Paano?

"Oo na." Sambit naman ni George.

"Teka nga," sumingit ako. "Phil? Magkatext kayo ni Jane?" Tiningnan ko ng mabuti si Phil habang sya naman ay napatawa.

"Bakit? Inggit ka?" Linapit ni Phil yung muka nya saken at tinaasan ako ng isang kilay at nanatili parin na nakangiti.

Kumunot ang noo ko. Oo naiinggit ako. I mean, sino ba naman ang hindi? Sobrang ganda ni Jane. Nakakainlove. Unang tingin mo palang sa kanya, mahuhulog ka na.

The Mystery Under The Night Sky (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon