Chapter 2

49 2 0
                                    

Chapter 2: Wala Na

Linggo ngayon wala namang masyadong kailangang gawin kaya buong araw akong nakahilata sa kama.

Aalis at tatayo lang ako kapag tawag ni mommy o kaya naman ay pag kakain lang.

10:00 na ng gabi pero hindi paren ako makatulog. Hanggang ngayon, kastaring contest ko paren ang kisame ng kwarto ko.

Nagphone muna ako mg saglit para magsearch ng tips para makatulog agad.

"Blink fast for a minute."

Ginawa ko iyon ngunit wala namang nangyare. Nangalay lang yung lids ng mata ko.

"Read a book."

Hindi ako masyadong mahilig magbasa ng mga fiction books na mga ganon. Parang ang boring eh.

Next.

"Listen to music."

Music? Ayoko namang makaistotbo ng ibang tao pag nagpatugtog ako. Pati mga hindi ko alam na kanta lang ang meron ako. Pinadownload ni mommy eh, hanggang ngayon hindi ko pa nadedelete.

Next.

Ay wait.

Hindi ko naman kailangang makaistorbo eh.

Naalala ko, may earphones nga pala ako ngayon.

Tumayo ako ng kama tapos kinuha ko sa drawer yung earphones ko at sinaksak ko ito sa phone ko.

Humiga na ulit ako ng kama sabay nagplay ang music sa tenga ko.

"Without you, I feel broke. Like I'm half of a whole. Without you, I've got no hand to hold."

Medyo maganda naman yung lyrics kaya tumagal ako sa ganto.

Matapos ang ilang kanta ay unti-unti nang bumabagsak ang mga mata ko.

Matutulog na sana ako ng makarinig ako ng ingay galing sa labas.

Ngunit nasa loob pala ito ng aking kwarto.

Nakakita ako ng tao, hindi ko sya makilala, pero may hawak syang kutsilyo. Kinalabutan agad ako at umatras pa ng pahiga.

Hindi na ito tumingin sa akin kaya naman ay hindi ko na nakita ang kanyang muka.

Nakaitim sya na damit mula taas hanggang baba tapos may nakita akong papel na tinapon nya sa side table malapit sa kama ko bago sya tuluyang lumabas ng bintana.

Kakaiba yung papel kasi itim ang kulay nito.

Hindi ako umimik pa at nagtago humiga nalang ulit ako.

Balak na ba nya akong patayin? Para saan ang kutsilyo?

Gago yung hayop na yon. Tinatakot ako.

Sumilip ako sa labas ng bintana ngunit wala akong nakita kundi kalsada na nakabalot sa kadiliman. Tanging buwan lang at mga streetlights ang nagbibigay ng liwanag kahit konti.

Agad na kinuha ko yong papel na tinapon ng gago at humiga na ulit ako sa kama.

Binalot ko muna ang sarili ko sa kumot at binuksan ang papel na naka-fold na para bang galing Hogwarts na letter.

Konti lang ang laman ng papel ngunit kamangha-mangha ang nakasulat dito.

"The moon glows in the night
Giving such pure, magnificent light
Meet me tomorrow at lunch in park
If you don't, I'll kill you, I might."

What. The. Hell.

Tangina.

Ano toh? Papatayin nya ako pag hindi ako nagpakita? Kaya ba sya may dalang kutsilyo para gawin yon?

The Mystery Under The Night Sky (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon