Chapter 8

13 2 0
                                    

Chapter 8: Tito and Tita

"Deffin." Nabanggit ni kuya Jess ang pangalan ko at nagising ako sa sasakyan.

"Oh? Ano?" Sabi ko sabay humigab ako at naginat ng konti.

"Nandito na tayo sa school." Tinuro ng labi nya ang school sa labas sa harapan namin.

Nandito na pala kami eh. Natulog na naman ako buong byahe dahil wala akong tulog kakaisip dun kay Charlotte.

Na anak ni Rafael Elustro.

Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng school. Mga mata ng mga taong nakatingin sa akin ang kauna-unahan kong agad na napansin. Hindi pa ba sila moved on sa nangyare? Na nagkaroon kami ng private moment ni Charlotte kahapon?

Bakit ba parang sobrang big deal sa kanila na sya si Charlotte Velonios, isang anak ng mamamatay-tao? Naiintindihan kong hindi tama ang ginawa ng daddy nya pero kahit na ganun, kelangan parin nya ng respeto.

Bakit?

Sya ba ang pumatay?

Hindi diba?

At nakikita kong hinding hindi yun kayang gawin ni Charlotte. Imposible yun para sa isang babaeng katulad nya. Tahimik, at walang pakielam sa mundo.

Pero bakit ganon? Parang dati pa nangyari ang insidenteng nakapatay si Rafael ah. Bakit parang, natanggap agad ni Jane ang buong pagkatao nito at naging magkaibigan pa sila?

Sobrang misteryoso ni Charlotte. Parang gusto alamin ang buong storya nya. Gusto ko syang maging-

"Aray!" Sigaw ko nang matumba ako dahil may bumangga sa akin na malakas.

Napamulat nalang ako nang makita ko si Charlotte na kalat ang gamit at nakaupo sa harapan ko.

"Sorry." Sabi nito.

Linigpit nya ang mga libro at papeles sa sahig at lumapit naman ako para tulungan sya. Ngunit binilisan nito ang kilos at agad na tumayo at naglakad ng mabilis papalayo sa akin.

Palingon lingon lang sya ng konti pero parang takot na takot na itong lumapit sa akin.

Mabagal akong tumayo sa binagsakan ko kanina at naglakad na papuntang classroom. Nadaanan ko rin si Jane kaso dinaanan lang din ako na parang dumaan lang sya sa harap ng hangin.

Ang dami kong nadadaanan na kakilala ko pero hindi ko sila pinapansin. Dedma lang.

"Pre!" Sigaw ni George sabay alakbay sa akin.

"Ano?" Sabi ko.

"May gustong sabihin si Phil." Tumingin sya kay Phil at tumawa. Ako naman ay nanatiling walang maintindihan.

"Pre, umamin na ako." Sabi ni Phil.

"Eh? Kanino?"

"Kay Jane! Diba sinabi ko na sainyo?"

"Oo nga pre. Nasabi na sa atin ni Phil ah. Di ka ba nakikinig kahapon?" Tinaasan ako ng kilay ni George.

"Ah.. oo. Oo nga, yun nga." Tumango tango nalang ako kahit wala talaga akong maalala.

Kahit sobrang nagagandahan ako kay Jane at masasabi kong naging crush ko na rin sya nung gabing magkasama kami sa bahay ni Madame Cruz, parang wala akong naging pakielam sa sinabi ni Phil. Hindi ako naiinggit kasi umamin na sya. Parang, wala lang talaga.

Sinakop na ng pangalang Charlotte Velonios ang buong utak ko. Wala na akong ibang maisip kung hindi sya. Nakakainis pero, at the same time, parang nagiging interesado narin talaga ako sa kanya.

The Mystery Under The Night Sky (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon