Chapter 5: Adventure in the Night
Halos kalsada nalang ang nakikita ko sa buong byahe namin. Madilim na at wala na talagang ibang tao maliban saamin nitong babaeng kasama ko.
Ang weird diba? Sumasama ako sa isang babaeng hindi ko kilala in the middle of the night.
Sya yung nagpapatakbo ng motor habang ako naman ay nasa likod nya pero hindi ako kumakapit sa kanya kasi, kahit na ganito ang pangayayari, hindi ko parin sya kilala.
Biglang tumigil ang motor sa harap ng isang malaking bahay.
Bahay ni Madame Cruz.
"Hindi maganda toh." Sabi ko ngunit patuloy parin syang naglalakad patungo sa front door.
Sinundan ko nalang sya.
"Hindi maganda itong ginagawa ko. Hindi kita kilala at tinutulungan kita sa mga kagaguhan mo. Hindi tama ito." Umatras ako at tinalikuran ko sya.
Pero napahinto ako ng marinig ko na tinanggal nya ang maskara nya.
Napaharap muli ako sa kanya at nalaglag ang panga ko.
Ngumiti sya saken at hinawi ang mahaba nyang buhok.
"J-Jane?"
"Sabi ko sayo pagsisisihan mo ito kapag hindi ka sumama sakin eh."
Lumapit uli ako sa kanya at tinitigan ang muka nya. Nakangiti parin ito sa akin.
"Bakit hindi ka nagpakita noong-" hindi nya ako pinatapos sa sasabihin ko at bigla syang tumakbo papunta sa likod ng bahay.
Tinuro nya ang isang madumi, maliit at mukang luma na pintuan na pinapalibutan ng mga iba't ibang halaman.
"Ito. Pag binuksan mo yan, may hagdanan yan na magdadala sayo papunta ng basement." Tinuro nya ang pintuan sa baba na nasa tabi lang ng mga paa ko.
"O tapos?" Sabi ko naman.
"Alisin mo yang mga halaman na yan." Utos nito sakin.
Napailing muna ako bago tumuwad at pagpagan ang maduming pintuan. Natusok ako ng mga matalim na halaman na nakapalibot dito kaya naman nagkaroon ako ng sugat sa daliri.
"Ang liit nyan ha." Napansin ni Jane ang sugat ko. "Baka makaiyak ka pa."
Napatawa naman ako sa joke nya. Parehas kaming tumawa ng mahina pero nauna syang tumigil kaya tumigil narin ako.
Napatingin ako sa pintuan at nakita kong may malaking padlock ito.
"Ako na ang bahala dyan." Pinasok nya ang kamay nya sa bulsa nya at may linabas siyang susi.
Lumapit sya sa padlock at pinasok dito ang susi. Biglang tumunog ito at nakalas.
Tumingin sakin si Jane at ngumiti. Binuksan nya ito at bumaba na kami ng hagdan.
"Sabihin mo nga sakin kung bakit kailangan natin itong gawin?" Tanong ko pero hindi nya ako pinansin.
Patuloy pa syang naglakad pababa at binuksan ang flashlight na dala nya.
"Kapag nagbukas tayo ng ilaw dito sa ganitong oras, tutunog ang alarm nito." Sabi nito at umupo siya sa isang upuan kung saan may kasama itong table at mga papeles.
Nagtingin tingin sya ng mga papeles na nakasipit sa isang clearbook at tuloy tuloy nyang nililipat ang mga pahina. Nanlaki ang mga mata nya ng makita at napahinto ito sa paggalaw.
Linapitan ko siya para tingnan ang mga papeles na hawak nya. Mga records ng mga senior na estudyante sa Reignuville University.
At ang kauna-unahang pangalan na nakita ng mga mata ko ay ang pangalan na hindi ko pa ineexpect.
BINABASA MO ANG
The Mystery Under The Night Sky (ON HOLD)
Mystery / ThrillerThis story of mine is just about a mysterious girl who actually fell in love with the wrong, yet right, guy. She was treated badly everywhere by everyone who knows her name. But unfortunately, they only know her name. No one knows what she does, and...