Chapter 17

14 2 0
                                    

Chapter 17: Uncover

Pagkatapos magring ng dismissal bell, agad na linapitan ko isa isa ang mga kaklase kong new students para dun sa mga club nila. Lintek naman. Bakit ba kasi ako pa ang nachempohan ni James na yon. Lima yata kaming new students sa 4-B. Ang dami na nun oh! Pagkatapos ng trabaho ko dito, inayos ko ang mga gamit ko at ang mga academic records ng mga kaklase ko. So far, wala pa akong nakikitang gusot sa kahit isang papel na hawak ko. Ganyan ako kaingat pag-dating sa mga ganitong bagay. Hindi lang halata kasi muka akong burara. Pero muka lang. HAHAHA! Sinuot ko na yung bag ko at dumeretso ako sa CAO. Medyo malayo ang CAO sa 4-B pero kaya yan. Kumatok muna ako para masigurado ko na may tao sa loob. Nagbukas ang pinto pero hindi si James ang nakita ko. Si Jane.

James and Jane. HAHAHA! Halos magkatunog.

Napatawa ako sa isip ko.

"What's so funny?" Mataray na tanong nya.

Mukang hindi lang pala ako sa isip ko tumatawa. Hay. Ang tanga ni Deffin, ang tanga.

"Ah. Wala. Nandyan ba si James?" Sumilip sya sa loob at bumalik ang tingin sa akin.

"Oo." Pumasok ako ng CAO at linampasan ko sya. Naramdaman ko syang lumabas at sinara ang pinto.

Pumunta ako sa isang table kung saan madaming papeles ang nakapatong. Mukang natutulog din si James kasi hindi sya gumagalaw. Pinatong ko muna yung mga papel na hawak ko sa upuan. Kinulbit ko sya at agad naman syang nagising. Kinuha ko yung mga papel at inabot ko ito sa kanya.

"Jason... ito nga pala yung records ng mga kaklase ko. Kompleto na yan." Nginitian ko sya.

Tumawa sya ng konti at kinuha ang hawak ko. "Salamat ha."

"Sige, aalis na ako---"

"Wait lang!" Napatigil ako sa pagtalikod at humarap ulit ako sa kanya na nakataas ang isang kilay. May inabot sya sakin na dalawang envelope.

"Since nagjoin ka na sa Poetry Club, invited ka sa Meet and Greet Rave Party nila. Invitation yan, saying that you are cordially invited." Tiningnan ko ang maaliit na envelope na hawak ko. Tiningnan ko ang likod at nakita ko ang pangalan ko. Tiningnan ko rin yung likod nung isa at nanlaki ang mata ko sa nakita kong pangalan. Kay Charlotte.

"B-bakit nasa akin toh?" Tanong ko kay Jason.

"Wala na kasi akong time na ibigay sa kanya yan eh. Pede ba ikaw nalang muna? Ibigay mo nalang sa kanya bukas."

Oh no. This is not a good thing. Hindi pa kami maayos ni Charlotte.

"Okay lang ba sayo?" Tiningnan ko muli si Jason. Muka syang nagmamaka-awa. Hindi naman ako makatanggi.

"S-sige." Sagot ko at nginitian ko sya ng mapait. Lumabas na ako ng CAO at dumeretso sa waiting area. Nakita ko sina Phil at George na naglalakad papalapit sa akin.

"Deffin!" Sigaw ni George habang kuma-kaway kaway pa.

Lumapit ako sa kanila at sumigaw ng; "Uy!"

Inakbayan ako ni Phil at ngumiti. "Sama ka samin mamaya! Manonood tayo ng sine." Sabi nya. Masaya syang nagaabang ng sagot kaso bigla kong naalala na bibisita pala sina tito Jon mamaya at kailangan ko rin silang tanungin tungkol kay Charlotte.

"Pwede bang bukas nalang ng gabi? Dadating kasi sina tito mamaya eh." Nawala ang ngiti ni Phil sa muka nya. Nagbigay nalang ako ng expression na nagsasabi ng sorry. Hindi ko na masyadong nakakasama yung mga kaibigan ko eh tapos hindi pa ako makakasama sa sine nila.

"Ah. Sige, okay lang yon!" Masayang sigaw ni George.

"Bukas ha? Sabi mo yan." Tumango ako sa sinabi ni Phil. Somehow, naging masaya naman ako na muli kong nakasama ang mga kaibigan ko. Ang mga tunay kong kaibigan. Nawawala na rin ng konti sa isip ko si Charlotte.

The Mystery Under The Night Sky (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon