Chapter 14: Unforgivable
Dalawang tanong ang hinding hindi ko maalis sa utak ko. Ang daming kakaibang nangyari kahapon at hanggang ngayon, hindi parin ako maka-move on. Hindi kasi ganun kadaling mag-move on lalo na kapag--- puta naiba topic natin. Anyway, simula ng nangyari ang mga nangyari kahapon, mas naging maingat pa ako. Nararamdaman kong nasa panganib ang buhay ko at hindi ko hahayaang mamatay ako ng walang alam.
Nakakapagtaka lang. Bakit kailangan magkaroon ng kutsilyo sa faculty ni Ms. Laida? Hindi ba bawal magdala ng bagay na makakamatay dito sa school? Hindi ba ito alam ng security ng RU? Dapat isumbong ko sya kay Madame Cruz pero siguro mas magandang manahimik nalang ako. Sa panahon ngayon, siguro walang oras na walang takot na nakabalot sa puso ko. Palagi nalang nakatambay ang mga bagay na iyon sa utak ko. Napapansin ko rin na iba na sina Phil at George kapag kasama ko sila. Hindi na kami katulad ng dati na masayang magkakasama. May sari-sarili na kaming mundo at iniisip.
Medyo nagulat din ako sa ginawa ni Charlotte sa akin kahapon. Oo alam ko, mataray sya at mabilis uminit ang ulo pero hindi ba parang hindi na normal na halos patayin na nya ako? Hindi ko kayang magalit sa kanya sa ginawa nya pero I think, I want an explanation. Kitang kita ko sa mga mata nya at ramdam ko rin sa pagsakal nya na hindi sya nagdadalawang isip na patayin ako. Nakapinta sa muka nya ang galit na nararamdaman nya sa loob. Wala akong balak na isumbong sya sa kahit kanino pero mukang kailangan ko syang makausap ng maayos.
Natapos ng maaga ang school day namin ngayon dahil nagkaroon ng meeting ang lahat ng teachers tungkol sa gaganaping field trip sa susunod na linggo. Hindi ako nagpakita sa mga kaibigan ko at dumeretso nalang ako sa classroom ni Charlotte. Nilapitan ko agad ang kaklase nyang nagaayos ng locker.
"Nandyan pa po ba si Charlotte? Gusto ko lang kasi sya maka---" pinutol nya ako.
"Wala na sya dito. Kanina pa syang umalis. At kung pede naman, wag na nating pagusapan ang weirdong babaeng iyon." Umalis na sya at naiwan akong magisa sa hall.
Bumalik ako sa classroom ko para kuhanin ang bag ko at sumakay na ako ng elevator at bumaba sa second floor. Nagpunta ako sa library at umaasang natutulog ng mahimbing doon si Charlotte. Iniwan ko muna ang bag ko sa depository section at pumasok na ako sa loob. Agad akong umakyat ng second floor ng library at wala na akong pakialam kung maingay ang mga hakbang ko. Pumunta ako sa table kung saan una ko syang nakita. Wala sya doon pero may napansin akong bago. May naka-ukit na malaking letter C sa table. Mukang matalas na bagay ginamit dito dahil medyo malalim ang pagkaka-ukit nito. Mukang wala na talaga si Charlotte dito.
Lumabas na ako sa library at kinuha ko ang bag ko. Ang susunod naman na balak kong puntahan ay ang school park. Baka naman nandun sya. Nang makarating ako don, hinanap ko agad ang puno na sinasabi nyang sa kanya. Chineck ko pa ang mga matataas na sanga nito pero mukang wala sya dito. Pinuntahan ko na rin ang cafeteria pero wala sya dun. Lumabas na ako ng school at dumeretso dun sa isawan, nagbabaka-sakaling nandon sya. Pero wala talaga. Bago pa ako makaalis, nakuha agad ng tindero ang atensyon ko.
"Aba iho!" Humarap ako sa kanya. "Mukang hindi mo kasama ang girlfriend mo ngayon ah!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Girlfriend daw oh! Akala nya talaga girlfriend ko si Charlotte. Ganon ba talaga kami ka-bagay? HAHAHA!
"Ay kuya, hindi ko po yun girlfriend!" Nahihiyang sinabi ko with matching kamot pa sa batok.
"Ah hindi ba? Pasensya ka na."
"Kumain ho ba sya dito?"
"Oo. Ang dami ngang nakain eh. Hindi lang nagbayad. Tinamaan ng lintek ang dalagang iyon."
Anak ng--- hindi sya nagbayad?! Jusko. Ano pa bang ieexpect ko kay Charlotte?
"H-Hala eto ho. Ako na magbabayad." Inabot ko sa kanya ang 50 peso bill ko.
BINABASA MO ANG
The Mystery Under The Night Sky (ON HOLD)
Mystery / ThrillerThis story of mine is just about a mysterious girl who actually fell in love with the wrong, yet right, guy. She was treated badly everywhere by everyone who knows her name. But unfortunately, they only know her name. No one knows what she does, and...