Chapter Four

1.5K 26 7
                                    

CHROEE POV

Mabilis akong sumakay ng elevator pababa sa basement kung saan naka park ang kotse ko. Pero bago pa magsara ang elevator, ay mabilis nang nakasakay si Renmar

"Pwede sumabay pababa ng basement?" Tanong niya sakin. Dahil dalawa lang naman kami ngayon ang nandito

"Kapag sinabi ko bang hindi pwede, hindi ka sasabay at lalabas ka ngayon din dito sa umaandar na elevator?" Malamig na balik tanong ko sa kanya.

Nakita ko sa peripheral vision ko na tumango na lang at hindi na sumagot sa sinabi ko. Marahil ay napahiya at walang masagot.

Nakababa na kami ng basement ng walang imikan.

*Kring-Kring*

Habang naglalakad ako papuntang sasakyan. Tumunog naman ang cellphone ko.

"Hello." Walang emosyong sagot ko. Dahil hindi ko naman kilala kung sino ang tumawag, dahil hindi na ako nag abalang tingnan pa kung sino man ito.

Pero nang mapagtanto ko kung sino ito ng sumagot na siya.

"Oo pauwi na ako. Sige hintayin mo na lang ako dyan." Masayang sagot ko sa kabilang linya.

"Boyfriend?"

Muntik na akong mapasigaw sa gulat ng may magsalita mula sa likuran ko.

"Yes, theres a problem?" Masungit na tanong ko sa kanya. Bakas naman sa mukha niyang nainis siya sa sagot ko.

'Pakialamero, tsss' Kaya binuksan ko na yung pinto ng kotse ko para makasakay na at makaalis. Pero bago pa ako makasakay, may naramdaman akong humila sa braso ko.

'Bakit ba lagi na lang may nahila sa'kin?' Kaya humarap na lang ako sa taong 'to.

"Chroee please can we talk?" He begging me.

"No. I need to go, may naghihintay sakin." Malamig kong sagot sa kanya. Sabay waksi ng braso ko para mabitiwan niya.

Mabilis akong sumakay ng kotse at pinaandar ito ng mabilis paalis sa lugar na 'yun.

'Ang kapal ng mukhang makipag usap pa sakin.' Inalis ko na lang sa isipan ko ang tagpong 'yun. Ayokong ma stress.

'Lokong bata naghintay nga.' Nakita ko kasing nakaupo si Clyde sa gilid ng gate.

Agad naman siyang tumayo ng businahan ko. Bumaba na ako para buksan ang gate at maipasok ang kotse sa loob.

"Bakit naman andyan ka? Hindi ka na lang bumalik?" Tanong ko ng makababa ako ng sasakyan.

"Ayan ka na naman Ate. Bakit ba lagi na lang ganyan sinasabi mo everytime na maghihintay ako sa'yo?" Nakasimangot niyang tanong sakin.

Gustohin ko man tumawa, hindi ko na ginawa baka lalong mag inarte 'tong batang nasa harap ko.

"Wala naman." Maikling sagot ko. Agad ko na din binuksan ang gate.

"Bakit ka nga pala nandito?" I asked him ng nasa loob na kami ng bahay.

"Magpapatulong sana ako sa assignment ko." Sagot niya. Dun ko lang din napansin na may hawak siyang notebook.

"Ikaw ba Clyde nag aaral ng mabuti at nakikinig sa lecturer mo?" Ako

Napakamot naman siya ng ulo. Marahil na gets niya ang ibig kong sabihin.

"Papacheck ko lang kung tama yung ginawa ko." Sabi niya sabay abot ng notebook.

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon