Chapter Three

1.6K 27 5
                                    

CLYDE POV

Ang aga kong nagising ngayon kahit wala naman pasok. Kadalasan kapag week end pinababayaan lang ako ni Mommy na gumising ng tanghali.

Parang nagulat pa silang tatlo ng makita akong papasok sa kusina.

"Good morning baby." Bati sakin ni Mommy. Nakita ko silang nakain ni Daddy ng almusal.

Naupo naman ako sa tabi ni Mom, para sumabay ng kumain sa kanila.

"Good morning Mommy and Daddy." Masayang bati ko. Pinaghandaan na din ako ni Manang ng pagkain sa harap ko.

"Ang aga mo atang nagising Hijo. May lakad ba kayo nila Miles?" Mom asked me.

"Wala po, and I dont like to go anywhere. Gusto ko pong tumulong sa pagluluto ng lunch natin mamaya."

Nakita ko naman nagkatinginan silang dalawa ni Daddy.

"Son bakit ka naman tutulong na magluto. Bakit hindi na lang tayong dalawa ang magtulong para linisin ang kotse ko pati ng sayo?" Tanong ni Daddy.

"Kasi Dad gusto ko pong ipagluto si Ate Chroee. I want to thank her. Sa pag tulong sa assignment na ginawa ko kagabi." Nakangiting tanggi ko kay Dad

"Nagpunta ka sa bahay niya?" Takang tanong ni Mom.

"No, Mom. Nakausap ko kasi siya sa facebook. Then I asked her, if she could help me in my homework. then she said yes." Masaya sagot ko sa kanya.

"Natulungan ka naman ni Chrooe?" Daddy.

"Yap! Kaya pagluluto ko siya. Parang thank you gift ko sa kanya." Parang batang sagot ko sa kanila. Basta masaya ako na isiping ipagluluto ko si Ate Chroee.

"Masaya ata ngayon ang Baby ko ha?" Mom.

Ngumiti lang ako sa sinabi niyang 'yun. Basta masaya ako dahil parang nagkaroon ako ng instant Ate.

Dahil solong anak lang ako nila Mommy and Daddy.

Nang matapos na kaming mag almusal. Naglinis muna ako ng kwarto ko. Kahit nandyan si Manang, hindi ko iniaasa ang paglilinis mga kalat ko.

*Brizzz*

*Brizzz*

'Sino naman kaya tong pokemon na nagtext?" Tanong sa isip ko.

Message Recieve

From: Miles

"Clyde sama ka, punta kami ng mall mag a-arcade kami nila Billy. Textback asap para masundo kana namin ngayon dyan."

Dahil wala ako sa mood gumala ngayon. At tutulong ako kina Mom at Manang magluto.

Write Message

Reply To: Miles

"Hindi ako pwede ngayon 'tol may lakad kami nila Dad at Mom."

Mesaage Sent

Pagsisinungaling ko. Dahil kung hindi ko sasabihin yun. Pipilitin nila akong sumama mag mall.

Matapos akong maglinis ay bumaba na ako.

"Mom tapos na po ako maglinis." Sabi ko sa kanya. Habang naghahanap siya sa refrigerator ng mga lulutuin. "Ano po bang lulutuin natin?"

"Baby kami na lang ni Manang magluluto para sa lunch natin." Sagot niya.

[_ _"]

'Ayaw niya ba akong palutuin. Kahit tumulong man lang.' Parang naaramdam naman ako ng sama ng loob.

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon