Chapter Twenty Six

540 12 0
                                    

CHROEE'S POV

Iinumin ko na sana ang huling shot ng may biglang umagaw ng baso sa kamay ko. Inis akong lumingin para tanungin bakit niya ginawa 'yun. Pero laking gulat ko kung sino ang nasa harap ko. Si Clyde na hawak na ang baso at blangkong nakatingin lang sa'kin.

Hindi ako nakapagsalita agad, habang ang lakas ng tibok ng puso ko. Pero hindi ko pinahalata ang nararamadaman ko ngayon, kaya pilit kong maging normal

"Hi, anong ginagawa mo dito. Sino kasama mo? Masyado ng late." Nakangiting tanong ko. Kahit sa loob ko na hindi ako mapakali. Lihim akong naiinis sa sarili ko. Dahil bakit ganito ang nararamdaman ko. Si Clyde lang nasa harap ko pero bakit parang may ibang epekto. 'Tsss, napadami na ba inum ko. Kaya ganito ako?'

Naupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Meron, mga kaibigan ko. Ikaw, bakit mag-isa ka ngayon dito." masyadong pormal ang pagkakatanong niya. Parang ibang Clyde ang nasa harap ko. Marahil nakainum na din siya.

"Hindi ako makatulog. Kaya naisipan kong uminum." Maikling sagot ko habang nakatingi sa basong nasa harap ko. Kumuha ulit ako ng isa pang shot dahil nga kinuha niya ang basong hawak ko kanina.

"Hindi mo kasama boyfriend mo. Bakit ka niya hinayaang umiinum mag-isa. Pa'no kung malasing ka. Pa'no ka makakauwi?" Sunod-sunod na tanong niya.

Pero ang ikinagulat ko ang una niyang sinabi.

"Boyfriend?" Kunot-noong tanong ko. Nakita kong seryosong tumango naman siya. Kaya lalo akong nagtaka sa kanya. 'Sa'n naman niya nakuha 'yang boyfriend thingy na 'yan. Bakit naisip niyang may boyfriend ako. Samantalang ako hindi ko alam.' Sa isip ko habang nakatitig sa kanya.

Kinuha ko muna 'yung baso na may lamang alak at ininum ito. "Sinong nagsabing may boyfriend ako at sinong boyfriend ko ang tinutukoy mo?"

"Si Renmar,"

Halos mabuga ko ang iniinum ko dahil sa sinabi niyang 'yun.

"Paanong si Renmar ang boyfriend ko?" Nalilito na 'ko. Iniisip kung bakit si Renmar ang sinasabi niya. Samantalang alam niyang magkaibigan lang kami.

Hindi muna siya sumagot, nakatingin lang din sa basong hawak niya habang iniikot-ikot ito.

"Nakita ko kayong naghalikan sa labas no'ng gabing nasa labas din kami. Ang sweet niyo pa." Seryosong sabi niya. Parang may halong selos din ang tono ng pananalita niya. O kaya imagination ko lang 'yun.

Inaalala 'yung sinabi niyang naghalikan kami ni Renmar, pero kahit anong alala ko, wala talaga kong matandaan na naghalikan kami o kahit hinalikan niya ako. Lalo na sa labas ng bahay ko. Hindi pa ako baliw para gawin ang bagay na 'yun sa labas.

'Tsss, ako pa ngayon nakipaghalikan, samatalang siya itong nakipagtukaan sa kalye. Lasing na ata 'tong batang 'to.' Gusto kong sabihin sa kanya. Pero tumahimik na lang ako.

"Bumalik ka na sa girlfriend mo, uuwi na din ako." Sabi ko sa kanya.

Pagkatapos kong magbayad, umalis na ako agad sa counter. Iniwan ko na din si Clyde na nakatayo pa din doon. Ayokong makipag usap sa kanya, baka kung saan pa mapunta.

Nagbago na din kasi ang mood ko. Bigla akong naiinis. Hindi ko alam kung ano ang kinaiinisan ko. Kung bakit naging ganito reaksyon ko. Lalo kapag naalala ko about that kiss.

Nandito na ako sa parking lot ng makaramdam ako ng hilo. 'Tsss, napadami ata ang inum ko.' Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko ng may pumigil sa'kin.

'Ano bang trip nitong batang 'to. Kanina pa ako pinipigil.' Nandito ngayon sa harap ko si Clyde hawak ang kamay ko para pigilan ako sa pag-open ng pinto ng driver seat.

"Ipagda-drive na kita Ate Chroee." He said.

Hawak pa din niya ako. Kaya bigla ko itong inalis. Bakas na din sa mukha niya na marami na siyang nainum. Dahil maputi siya kaya halata ang pamumula niya.

"Clyde, sa'ting dalawa. Ikaw ang mas maraming nainum. Kaya pa'nong ikaw pa ang magda-drive ng kotse ko. Bumalik ka na sa loob. Naghihintay ang girlfriend mo." Malamig na sabi ko sa kanya. May munting kirot sa'kin ang salitang 'yun.

"Wala akong girlfriend. Gusto ko na din umuwi. Pwedeng makisabay na lang ako. Bukas ko na lang babalikan ang sasakyan ko."

Tiningnan ko lang siya. Walang salitang sumakay na ako sa driver seat. Pinagbuksan ko na din siya ng pinto sa passenger seat, tanda na pwedeng na siyang sumabay.

Mabuti na din maiuwi ang batang 'to. Baka mapararami ang imum at hindi na makapag drive pauwi.

'Parang nangyari na 'to. But this time. Siya ang lasing ako ang hindi. Tsss, gwapo nga siya. Ano ba 'tong nasa isip ko.' Palihim akong napapatingin sa kanya habang on the way pauwi. Binagalan ko lang ang pagpapatakbo.

"Ate Chroee," Basag niya sa katahimikan sa loob ng kotse.

"Hmm?"

"Nagkabalikan na kayo ni Renmar?" Ito na naman yung topic about Renmar. Bakit ba masyado siyang curious sa bagay na 'yun.

"Hindi kami nagkabalikan. Wala akong balak makipag balikan sa kanya. Kung ipipilit mong naghalikan kami tulad ng sinabi mo. Wala akong matandaan na nangyari ang bagay na 'yun." Diretsong paliwanag ko sa kanya. 'Bakit ba ako nagpapaliwanag sa taong 'to? Tsss, ano kung isispin niyang kami ni Renmar, may girlfriend naman na siya.'

Lumingon ako sa pwesto at nakita kong nakangiti ang loko.

"Akala ko po nagkabalikan kayo. Dahil madalas kong makita na magkasama kayo. Madalas ka niyang hinahatid. Pinag mamaneho." Nakangiti na siyang wika sa'kin. Samantalang kanina, parang matandang seryoso kung magsalita sa'kin. Pero ngayon, halata sa mukha niyang tuwang tuwa siya.

"Tsss, bakit mo nakikitang hinahatid ako ni Renmar? Masyadong late na 'yun. Except na lang kung hinihintay mo akong umuwi sa gabi." Biro ko sa kanya.

"Opo, lagi kitang hinihintay makauwi. Nag-aalala ako kapag wala ka pa. Lalo't gabi na." 'yung ngiti niya kanina, biglang nawala. Napalitan ng seryoso niyang expession. "Hindi naman siguro masama kung hintayin kitang makauwi."

Parang dumoble 'yung bilis ng tibok ng puso ko sa mga pinagsasabi niya. 'Ano ba 'tong nararamdaman ko. Tsss, naparami nga talaga ata inum ko.'

Binilisan ko na pagmamaneho para makarating na kami agad sa harap ng bahay ko. Nararamdaman ko na din ang epekto ng alak na ininum ko. Dahil medyo nahihilo na ako.

"Bumaba ka na." Pinababa ko na siya bago ako lumabas ng sasakyan.

"Thank's"

"No problem. Tawagan mo girlfriend mo. Hindi ka man lang nagpaalam na uuwi ka. Baka naghihintay sila sa'yo."

Pareho na kaming nasa labas ng bahay ko.

"Wala akong girlfriend. Sige ate uwi na po ako." Naglakad na siya pauwi.

Naglakad na din ako papasok sa loob ng bahay na naka-smile. Ewan ko kung bkit may tuwa akong naramadaman ng mlaman kong hindi niya girlfriend yung kasama niya.

Gusto ko sanang itanong kung bakit niya hinalikan, pero hindi na importante sa'kin ang sagot. Ngayon sapat na hindi sila.

Nag shower lang ko para mawala yung amoy ng yosi pati alak sa katawan ko. Bago matulog.

*****

A/N: Hindi ko na eni-edit. Si Toby gamit ko hindi si Luffy. -_-

hime_crow

krizemman

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon