Chapter Six

1.2K 24 2
                                    

CHROEE POV

Late na natapos ang meeting namin. Pero kahit ganun masaya ako, dahil na reach namin ang output na kailangan namin para ngayong month.

"Chroee sama ka, mag celebrate tayo." Tintin invited me. "Dun daw tayo sa KEDS ktv bar."

Tatangi sana ako kaso ayoko naman masabihan ng kaibigan kong kj. Kaya pumayag na lang ako. Tinapos ko muna pagliligpit ng mga gamit sa opisina ko.

Saglit akong nag ayos ng sarili. Ayoko naman magmukhang stress sa harap ng mga ka officemates ko.

"Andyan na pala si Ms. Chroee." Staff.

Ngumiti naman ako sa kanila.

"Ang ganda nyo pa din kahit gabi na." Staff 2

"Naku tara na nga binubola niyo na ako baka maniwala na ako niyan. Asan na ba sila Boss?" Si Boss ang Vice Chairman ng kumpanya. Bata pa din siya kaya mahilig gumimik.

"Naku nauna na po. Tayo na lang ata ang wala pa dun." Marco.

KTV BAR

"Ms. Chroee second floor, room 213." Sabi sakin ni Marco, isa sa mga staff ng department na hawak ko.

Tumango naman ako. Pinauna ko na silang maglakad.

Huminto kami sa isang pintuan.

Dahil mabait ang mga mga kasama kong staff, hindi na sila kumatok pa bago pumasok. Sigurado naman daw kasi silang ito ang room na pupuntahan namin.

Pagpasok namin, bumungad agad ang mga empleyado na nagkakatahan at nag iinuman.

"Nandito na pala kayo, tara join na, enjoy the party guys." Bungad samin ng Mr. Tan, ang Vice Chairman ng company.

Naupo muna ako sa isang solo sofa na nandoon. Tutal wala naman nakaupo.

"Patabi nga, ayoko lumapit dun, masyado silang mabaho, mga amoy usok." Maarteng lumapit sakin si Tintin at tumabi.

"Ang arte mo, parang hindi ka naman nagyoyosi dyan." Sabi ko sa kanya, naglabas na din ako ng pack yosi ko. Ang maarteng babae kumuha naman ng isang stick.

"Nagyoyosi ako pero hindi ko gustong mangamoy usok ang buo kong katawan." Maarteng sagot pa niya sakin. She's my bestfriend. "Nandito daw si Renmar." She whispered.

"Bakit naman nandito yun? Hindi naman natin siya ka department." Takang tanong ko.

"Ininvite siya ni Bossing, alam mo naman yung dalawa na yun magkaibigan sila. Kaya wag ka ng magtaka kung nandito siya."

Hindi na ako mapakali ng malaman kong nandito din si Renmar. Ang lalaking sinaktan at niloko ako.

"Okay ka lang ba Sis?" Tanong niya ng mapansin sunod sunod ang inum ko ng wine.

"Yah Im okay." Tumayo muna ako para magpunta ng comport room, meron na din naman dito sa loob ng room.

"Hmmm. Ahhh"

[O_o]

Dinig kong ungol ng isang babae, galing ito sa loob ng cr.

Kakatok na sana ako ng marinig kong nagsalita yung malanding babae na nasa loob nun.

"Sir Renmar, gusto niyo po dun po tayo sa apartment ko? Solo lang po akong nakatira dun?"

'Kaya pala wala siya dito sa labas kasi nandito sa loob at may ginagawang kahalayan. tsss' Parang biglang umurong ang pag ihi ko dahil sa narinig mla sa loob.

Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng cr. Halos lumaki ang singkit na mga mata ni Renmar ng makita ako, ganun din yung babaeng kalandian niya.

"Chroee, let me explain." Bigla niya akong hinawakan sa braso, at yung malanding babae naman ay mabilis na umalis ng makilala kung sino ako.

"Don't touch me, nakakadiri ka. Hinawak mo sa kung kaninong peste yang kamay mo tapos ihahawak mo sakin!" Galit na sabi ko sa kanya.

Mabilis akong naglakad palayo sa kanya. Hindi ko na maatim na makita pa ang makapal niyang pagmumukha.

"Sis Chroee!" Tintin "Bakit uuwi kana?" Sumunod pala siya sakin palabas ng ktv bar.

"Hindi ko na ma take ang makita pa si Renmar, nandidiri ako sa kanya. Alam mo bang narinig kong may ginagawa silang kababuyan sa loob ng cr." Galit kong kwento sa kanya.

"Nag kakaganyan ka dahil nagseselos ka sa ginawa niya?"

[O_O]

"Are you out of your mind Tintin? Bakit ako magseselos sa isang mukhang kuhol na babae?" Galit na tanong ko, pero hindi ko na hinintay pang sumagot siya at sumakay na ako ng kotse ko. Pero sadyang makulit ang isang to kaya mabilis siyang nakasakay sa kotse ko.

"Iiwan mo pang akong mag isa dito? Tapos kitang sundan?" Mataray na tanong niya sakin. Kaya naman lalong nag init ulo ko.

"Lumabas ka ng sasakyan at bumalik ka sa loob, doon marami kang kasama." I said in a cold voice.

Agad din naman siyang lumabas. Pero bago naman siya lumabas ng sasakyan may binitiwan pa siyang salita.

"Kung hindi ka nagseselos, hindi ganyan ang magiging reaction mo sa ginawang iyon ni Renmar. Sis mag isip ka, alam kong mahirap ka ng magtiwala sa kanya. Pero sana bigyan mo siya ng second chance, everybody deserve a second chance Sis."

Hindi na ako sumagot pa. Ayoko ng mahabang usapan lalo na kung si Renmar ang topic.

Pauwi na ako ng may makita akong malapit na Bar. Kaya imbis na pumasok na ako na subdivision, dumiretso ako sa doon.

Mas pinili kong magstay sa bar counter, dahil mag isa lang naman ako.

"Mr. isang red wine."

Agad naman akong binigyan ng bartender.

'Gusto na kitang patawarin kaso lang natatakot akong mahulog ulit sayo, takot na akong masaktan mo pa ulit ng paulit ulit.'

"Ma'am kaya niyo pa po ba? Marami na po kasi kayong naiinum." Magalang na tanong ng bartender, hindi ko napansin na napaparami na pala ang inum ko. Kaya pala medyo naikot na yung paningin ko.

Naglabas na ako ng pera at binayaran ko na siya.

"Ma'am alalayan ko na po kayo palabas." Bartender

Hindi ko naman pinansin yung mga sinabai niya. Tumayo na ako para lumabas sa lugar na yun.

'F*ck! Kaya ko bang mag drive?' Dahil ngayon ko naramdaman ang lalong pagkahilo ng pagsakay ko ng kotse at pag bukas ng aircon.

*Ring-ring*

'Lintek, sino ba 'tong natawag?' Asar kong kinuha yung phone ko para sagutin kung sino mang lintek na natawag.

"Hello!"

[Ate Chroee lasing ka?] Tanong agad ni Clyde. Buti na lang nabosesan ko kundi baka namura ko pa siya sapagtatanong niyang 'to.

"Hindi ako lasing, nakainum lang." Tanggi ko. "Sige na, mag dadrive pa ako papasok ng subdivision. Matulog ka ng bata ka para tumangkad ka."

[Sunduin kita dyan sa labas, wag ka ng mag drive Ate, baka mapaano ka pa, hintayin mo na lang ako dyan.]

Magsasalita pa sana ako para tumanggi ng marinig ko ng binabaan niya na ako.

*****

VOTE COMMENT AND SHARE

_krizemman_

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/krizemman

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon