Chapter Twelve

1K 22 3
                                    

CHROEE

Parang nanigas buong katawan ko sa mga sinabi ni Clyde. Habang nakalapat ang likod ko sa sandalan ng sofa.

Marahil akala niya ay nakatulog na ako. Sadyang pinikit ko lang ang mga mata ko para maka relax.

Pero parang hindi ako makakarelax dahil sa mga sinabi niya na ayaw pumasok sa isip ko. Hindi ako makapaniwala na mahal niya ako.

Gustuhin ko man gumalaw ay hindi ko na ginawa, paninindigan ko na 'to. Kasi hindi ko alam ang sasabihin sa kanya once na alam niyang alam ko na yung nararamdaman niya para sa'kin.

"Sinubukan kong iwasan ka, but everytime na gagawin ko yun, I felt something weird, kasi imbis na makalimutan kita at mabawasan ang mararamdaman ko, lalo lang itong nadadagdagan. Lalo kitang minamahal ng hindi ko alam ang dahilan." He continued. "Alam ko isang nakababatang kapatid lang ang tingin mo sa'kin. Pero hindi isang ate ang tingin ko sa'yo." Seryosong sabi niya sakin.

'Ano ba 'tong nararamdaman ko, bakit nalakas yung heart beat ko sa mga sinasabi niya? Naku kang bata ka, wag mong guluhin ang sistema kong bata ka.' Gusto ko ng gumalaw, ang sakit na ng leeg ko sa pwesto ko. Pero ayokong malaman niya na gising ako at hindi tulog.

Ilang saglit na katahimikan. Naramdaman kong binuhat niya ako papasok sa kwarto ko.

'Salamat naman, sakit na talaga ng batok ko, dinagdagan pa ng pinagsasabi mong bata ka, nakakasakit ka ng batok ng sagad. Tsss.' Ang sarap ng pakiramdam ko ng mailapat na ang likod ko sa kama ko.

"Good night Ate," He kissed on my forehead. "Dream on me. Kahit dun lang malaman mong mahal na kita."

Pakiramdam ko nag init yung cheeks ko sa paghalik nya sa noo ko.Ganun din sa sinabi niya.

'Hindi pa nga ako tulog napapanaginipan ko na yang mga pinagsasabi mo. Tsss, umalis ka na.'

Hinintay ko na siyang lumabas ng kwarto ko. Gustong gusto ko na kasing tumayo at huminga ng malalim.

Ilang sandali lang, lumabas na din siya ng kwarto ko ng marinig kong bumukas at magsara ito.

'Ahhh, sakit na batok ko,' Angal ko ng maupo na ako at hinilot ang parte kung saan nasakit. 'Andaming nangyari sa'kin ngayong gabi na 'to, kanina muntik na akong mamatay kung nabangga ako, tapos kani-kanina lang, muntik naman akong makidnap. Tapos ngayon may isang batang nag confess ng nararamdaman. Chroee malas ka ata ngayon gabi.' Napailing na lang ako sa isiping iyon.

Kakalimutan ko na lang lahat ng sinabi ni Clyde sa'kin, ayoko munang isipin yun, masyadong maraming pa akong ibang problema na dapat problemahin, baka hindi na ako makatulog kung idadagdag ko pa yun.

Lumabas muna ako, naisipan ko munang mag kape para makatulog. Weird ko dahil imbis na pampagising ko yung kape, ito ang ginagawa kong pampatulog.

Gusto ko nang makatulog agad para maaga akong magising bukas para magsimba.

'Ano ba kasing pumasok sa utak ng batang 'yun. Kung ano ano pinagsasabi. Tsss' I shook my head.

Then I'll stop to think about those things. Baka lalo akong hindimakatulog. Isa pa gusto ko ng matulog agad para makalimutan ko na lahat ng nangyari kanina, masyadong magulo ang araw ko ngayon. Mga nangyaring hindi maganda.

♪♪ You by the light is the greatest find

In a world full of wrong you're the thing that's right

Finally made it through the lonely to the other side ♪

'Patulog na lang may natawag pa.' Agad kong kinuha ang phone. Then I answered the call without looking who's the f*cking caller.

[Chroee!]

Nagulat ako ng biglang sumigawa yung nasa kabilang linya.

"What the hell Tintin! Do you know how to say hello?" Its annoying.

[Hello, ayan ha nag hello na. Anyway magpunta ka ngayon dito sa hospital kaila---]

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ka nasa hospital?" Hindi ko na natapos yung sasabihan niya. Nang marinig kong nasa hospital siya, agad akong nag alala para sa kaibigan ko. Kahit ganun yun mahal ko 'yun.

[Tangna naman Chroee, patapusin mo muna ako. Pumunta ka dito, dahil si Renmar ang dinala dito dahil naaksidente siya.]

Biglang nanlamig yung katawan ko ng marinig ko yung sinabi niya. Doon ko din naalala na lasing nga pala si Renmar na magpunta dito kanina.

"Ok, wait me there." Seryosong sagot ko.

Nagpunta na ako agad sa room ko para mag bihis. 'Ano bang meron sa araw na 'to? Bakit puro kamalasan ata nangyayari sakin?'

Nang makapag palit na ako ng damit agad na akong lumabas ng bahay at diretso sa kotse ko.

Masyado ng gabi pero wala akong magawa kundi puntahan ang taong ayaw ko na sanang makita. Pero hindi naman ako ganun kasama para baliwalain siya. Kahit paano naging malapit din naman siya sa'kin.

Nang makarating ako sa hospital. Dumiretso na ako agad sa emergency room, kung saan agad kong nakita si Tintin na nag aabang sa labas 'nun.

"Akala ko hindi ka na pupunta." Salubong agad niya ng makita ako.

"Ano bang nangyari?" Walang emosyong tanong ko sa kanya.

Maalala ko lang yung nangyari kanina kanina lang. Nagagalit pa din ako sa kanya.

"Tumawag siya sa'kin kanina. Umiiyak, I know, he was drunk. Ang naintindihan ko lang sa huling sinabi niya, bata daw. And then, narinig ko na lang yung malakas na sounds na parang bumangga. Yun naman pala, talagang bumangga na nga siya."

'Bata?' Nalito ako sa sinabing 'yun ni Tintin. "Anong bata?"

Hindi niya na nasagot yung tanong ko dahil lumabas na yung doctor mula sa loob ng emergency room.

"How's the patient?" Agad niyang tanong ng makalapit sa 'min yung doctor.

"Okay na siya, hindi naman ganun ka grabe ang mga sugat niya. Lilipat na lang muna siya sa isang room para makarecover."

Nakahinga naman ako ng maluwang ng malaman kong maayos na si Renmar.

"Puntahan niyo na siya. Gising naman ang pasyente."

Tumingin lang ako kay Tintin.

"Lets go, puntahan natin si Renmar." She pulled me.

"Uuwi na ako, maayos na din naman pala siya." Malamig na sabi ko sa kanya. Alam kong magtataka siya sa inasal ko pero wala akong pakialam. Ayoko din sabihin yung nangari kanina lang.

"Sure ka bang ayaw mo siyang puntahan, I'm sure magiging masaya yun kapag nakita ka."

Umiling lang ako.

"Gonna go now. Ikaw na bahala sa kanya. Sabihin mo sa susunod ilagay niya sa tyan yung ininum niya hindi sa utak. Una na 'ko." Umalis na ko at naiwan na si Tintin dun.

'Tsss, masyado mo na akong naabala Renmar. Bakit pa ba kita pinuntahan dito.' Sa isip ko habang nagmamaneho pauwi.

Marahil may puwang pa nga siya sa puso ko kaya ganun nalang ang pag aalala ko ng malamang nasa hospital siya dahil sa walang kwentang aksidenteng niyang 'yun.

'Mamatay ka sa walang kwentang dahilan.'

Napailing na lang ako sa naisip ko. Diretso kwato ako ng pagdating ko sa bahay. Ngayon ko naramdaman yung pagod. Gusto ko ng magpahinga para mawala na sila sa isip ko. Masyado na nila itong ginugulo.

'Maaga akong magsisimba ng maaga akong makapagbawas ng mga kasanan, masyado na atang marami kaya minalas ako ngayon.'

*****

[A/N: Ngayon lang ako nakapag update. Naging busy sa "Magkabilang Mundo". Pero ngayon tapos ito naman ang focus ng utak ko.]

-krizemman

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon