Chapter Twenty Three

592 15 1
                                    

CLYDE

Ako na ang maghahatid kay Miles sa bahay nila, dahil may dadaanan pa daw si Billy.

Ngayon dalawa na lang kami ni Miles ang nasa labas ng gate. Hinawakan ko na ang kamay niya para yayaain na umuwi siya. Pero saglit akong napahinto.

'Ngayon pa lang siya uuwi? Ano bang ginawa nila?'

"Tara, gabi na masyado. Baka naghihintay na sila Mom." Nawala ang atensyon ko sa dalawa ng biglang magsalita si Miles. Bumitiw na din siya sa pagkakahawak ko at nauna ng maglakad.

Binalik ko ulit ang atensyon ko sa dalawang nasa kabilang kalsada. Pero laking gulat ko ng makita kong hinahalikan na ni Renmar si Ate Chroee. 'Ilang beses ba niya ipapakita sa'kin na mas lamang si Renmar compare sa'kin?' Ang sakit makitang masaya siya sa piling ng iba. At mas masakit na pagkatapos siyang halikan ng lalaking 'yun, nagawa pa niyang tumawa. Parang kinikilig siya base sa nakikita ko. 'Gano'n ba siya kasaya? Mas malala pa ba ginawa nila sa loob ng bahay kung kaya bakit ngayon lang aalis ang lalaking 'yun?'

Nang makaalis na si Renmar, nakita ko naman nakatingin sa direksyon namin si Ate Chroee. Kaya agad kong tinawag si Miles na nauna ng maglakad.

"Miles,"

Nang makalapit na ako sa kanya. Walang sabing bigla ko siyang hinalikan. Habang hinahalikan ko siya, nakatingin ako sa direksyon kong saan nakatayo si Ate Chroee. Alam kong nakatingin din siya amin. Kaya alam kong nakikita niya ang ginagawa ko.

Agad kong din tinigil ang paghalik kay Miles ng makita kong tumalikod na siya at pumasok ng bahay. 'Naramdaman mo kaya 'yung naramdaman ko habang hinahalikan ka ni Renmar? O wala lang sa'yo ang nakita mo ngayon.'

"S-sorry 'tol." Hinging paumanhin ko sa kanya ng mapansin kong tila nagulat siya sa ginawa kong paghalik. Hindi ako makatingin ng diretso kay Miles.

"H-Ha? Ayos lang, tara ihatid mo na ko." hinila niya na ako pauwi sa kanila.

Walang nagsalita sa amin habang naglalakad. Hanggang makarating sa tapat ng bahay nila.

"Salamat sa paghatid Clyde. Pasok na ko sa loob." Naglakad na siya papasok ng marahan kong siyang hilahin at iharap sa'kin.

"Miles, about sa kiss, sorry." Nagsorry ako dahil siguradong nagalit siya sa ginagawa ko. Alam ko naman na first kiss niya 'yun. Tapos kinuha ko lang ng basta sa kanya. Kaya inaasahan ko ng magsasalita siya ng hindi maganda. Prangkang tao si Miles sa pagkakakilala ko sa kanya ng ilang taon namin pagkakaibigan.

Pero hindi yun ang nangyari na mas kinabigla ko.

"Ayos lang. Gusto ko naman yung kiss na 'yun. Clyde, kung iniisip mong masisira ang friendship natin dahil gusto mo ko. Don't worry about it. Kasi gusto din kita, m-mahal kita." Hindi ako agad nagsalita. Hindi ko alam kong anong magiging reaction ko sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na magsasabi siya ng gano'n.

"Miles, I'm sorry k-kung gano'n ang tingin mo. Walang ibang ibig sabihin ang kiss na 'yun. Sorry. M-may iba akong gusto. M-may iba akong mahal." Mahinang sabi ko sa kanya habang nakatingin sa baba. Hindi ko na kayang tumingin pa sa kanya, nahihiya ako sa kanya. Dahil alam kong nasaktan ko siya sa sinabi ko ngayon, alam kong masakit ang i-reject ng taong gusto mo. Pero ayoko naman siyang paasahin dahil lang sa kiss kanina.

"G-gano'n ba? Ayos lang, kalimutan mo na lang sinabi ko. S-sige pasok na ko sa loob. Ingat pag-uwi." Pipigilan ko pa sana siya, pero mabilis na siyang tumakbo papasok sa loob ng bahay.

Umalis ako na naiiis sa sarili ko. Bakit ko ba nagawa kay Miles ang bagay na 'yun? Ako na mismo ang sumira ng friendship namin. Ang matagal namin iningatan na pagkakaibigan nauwi lang sa wala dahil sa kagaguhan ko.

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon