Chapter Eighteen

756 18 1
                                    

CLYDE

'Anong oras na wala pa din siya? Ganun na ba siya ka dedicated sa trabaho niya kaya inaabot siya ng ganitong oras na wala pa din siya? Hindi kaya nag punta siya bar? Nag yoyosi na tapos iinum pa? Pero hindi iinum ng ganitong araw yun, tsss asan ka na ba bakit wala ka pa?' Nag aalala na ko kay ate Chroee. Ngayon lang siya ginabi ng uwi.

Nandito ako sa terace sa taas ng bahay namin, kung saan makikita ko ang buong bahay niya.

'Twelve midnight na wala pa din siya, tsk saan na ba siya nag pupunta?' Ayoko sanang tawagan siyang para makaiwas dahil nahihiya ako sa nangyari sa amin ng nakaraan, pero hindi ko mapigilan hindi mag alala ngayon na ganitong oras na wala pa siya.

Kaya nag pasya na kong tawagan na siya, pero ring lang ng ring ito.

Habang tinatawagan ko siya. Nakita kong may parating na sasakyan. 'Siya na siguro yun.'

Hindi nga ako nagkamali, kotse nga ni Ate Chroee. Kaya mabilis akong bumaba at lumabas ng bahay.

Gusto ko siyang tanungin kung bakit late na, kahit alam kong awkward dahil sa nangyari sa 'min. Hindi ko pa din maiwasan hindi siya kausapin.

Nagulat ako ng makita kong si Renmar ang nasa driver seat. Pero hindi ko nakita si Ate Chroee sa passenger seat.

'Where she is?'

Naghintay ako sa harap ng gate dahil doon ito siguradong mag papark.

Unang bumaba si Renmar na agad akong nakita.

"Hey kid, good to see you here." Sabay hagis ng susi ng bahay ni Ate Chroee. 'Anong gagawin ko dito?' Sabay tingin sa hawak ko

Tatanungin ko na sana siya ng makita kong binuksan niya yung back door ng kotse at nakita kong nakahiga doon ang babaeng mahal ko na walang malay.

"Tarantado ka anong ginawa mo sa kanya?" Hindi ko mapigilan hindi magtanong na may kasamang galit ng makita ko at sigurado akong may hindi magandang nangyari kay Chroee.

"Buksan mo muna yung gate pati yung main door ng bahay bago ka magtanong ng kung ano ano. Kaya ko nga binigay sa'yo yung susi." Sabay turo sa susing hawak ko. Binuhat niya naman si Ate Chroee mula sa backseat ng kotse.

Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang.

Habang binubuksan ko ang dapat buksan, nasa likuran ko siya habang buhat si Ate Chroee na wala pa din malay.

Idineretso na namin ito sa silid niya, at inayos ng higa.

"Ano pang ginagawa mo dito? Pwede ka ng umuwi kid ako na bahala sa kanya." Pagpapaalis niya sa'kin.

"Anong ikaw bahala!? Dito lang ako baka kung anong gawin mo sa kanya. Oo nga pala bakit nagkaganyan siya?" Dudang tanong ko sa kanya.

"Wala akong ginawa sa kanya. Muntik na siyang ma rape. Mabuti na lang dumating ako. Dahil kung hindi baka kung ano na nangyari sa kanya."

"Ha? Anong muntik na siyang ma rape?" Ulit ko, Just to make sure na tama nga ang narinig ko.

"Oo may isang employee na ng kumpanya ang nagtangkang gahasain siya." Seryosong sabi niya.

"Napahuli na ba yung tarantadong yun?" I was feel mad. Kung ako ang nakakitra sa ginawa ng tarantadong yun, sisiguraduhin kong didiretso ko siya sa kulungan.

"Yeah, so don't worry about that, ako na bahala sa tarantadong yun, kaya pwede ka ng umuwi. Baka hinahanap kana sa inyo."

"Hindi ko siya iiwan, dito lang ako, baka ikaw naman ang may balak sa kanya. Remember what you have done to her?"

"Do you think, na magagawa ko ulit sa kanya 'yun?"

"Yes." Walang alinlangang sagot ko sa kanya. Kaya dahil dun masama siyang tumingin sa'kin.

Dahil sa ayokong umalis at iwan sa kanya si ate Chroee.

Kaya ngayon dalawa na kaming nagbantay dito sa loob ng kwarto ng walang imikan.

Ilang saglit pa lumipas, nakita kong nakatulog na si Renmar sa isang couch na nadoon sa loob ng room. Kaya nagpasya akong maupo sa tabi ng kama niya para na din matitigan ko siya ng matagal.

'Sorry wala ako doon, wala ako para pagtanggol ka.' I hold her right hand.

"Hmmm, p-please d-don't---" Nabitiwan ko yung kamay niya dahil sa gulat nang bigla niyang pag ungol, na tila takot na takot.

Gigisingin ko na sana siya ng maunahan ako ni Renmar.

'Anong ginagawa niya dito, ang bilis naman niya, akala ko ba tulog siya.'

"Chroee, wake up." Mahinang tawag niya dito habang tinatapik yung left cheek.

"No!" Biglang sigaw ni Ate Chroee. Sabay bangon niya sa pagkakahiga. "Renmar!"

Nakita kong bigla siyang yumakap sa lalaking 'yun st sa harapan ko pa.

'Hindi ba niya ako nakita na nandito di sa tabi niya?'

Parang dinaganan ng malaking bato yung puso ko ng makita kong mismong si Renmar agad ang niyakap niya at hindi ako.

"Shhh, Don't be scared Chroee, dito lang ako. Hindi kita iiwan."

Hindi ko na matiis yung sakit dahil sa nakikita ko. Kaya mas pinili ko na lang ang umalis. Tingin ko naman wala ng gagawin masama yung lalaking yung sa babaeng mahal ko.

"Fck!" Galit kong inihagis ang unan na hawak ko. Hindi ako makatulog, hindi maalis sa isip ko yung nakita ko, kung pano siya yumakap sa lalaking yun.

"Kung natatakot ka nandito naman ako, pero bakit hindi mo ko nakita, samantalang ako ang nasa tabi mo."

Nagtakip na lang ako ng unan sa mukha. Ayokong maramdaman yung mga luhang papatak mula sa mga mata ko.

Hindi ko nga maramdaman yung patak, pero randam ko naman ang init ng mga 'to na namumuo at pilit kumakawala sa mga mata ko.

'Boys don't cry daw. Bakit ako naiyak?'

Papasok na sana ako ng cr para sana mag shower ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

Nang buksa ko ito nakita ko si mommy na may dalang isang basong gatas. Hindi ko napansin na nakauwi na pala siya.

"Baby kanina pa kita hinihintay umuwi galing sa bahay ni Chroee, nakita ko kasi na hinihintay mo siya."

Hindi ko alam sasabihin kay Mommy, kung bakit ko hinhintay si Ate. Hindi ko naman pwedeng sabihin nag aalala ako para sa babaeng mahal ko.

"Hindi ko naman po siya hinihintay, nagkataon lang na hindi pa po ako makatulog, kaya nag stay muna ako sa terace dito sa taas." I was tell a lie.

"You said so baby, ok, here's your milk. Ubusin mo yan para makatulog ka na."

Kinuha ko na yung isang basong gatas para inumin.

"Mom, shower lang po ako tapos matutulog na." Paalam ko ng ibalik ko sa tray yung basong ginamit ko.

"Okay, baby. If you have a problem don't hesitate to tell me ha."

I nodded.

She kissed on my forehead. "Good night son. I love you."

"Good night mom. I love you too." I smilled

Hinintay ko muna siyang lumabas ng room bago ako pumasok ng cr para magshower.

Habang nasa ilalim ako ng shower, naalala ko na naman siya. 'Ganito na ba kita kamahal, kaya hindi na kita maalis sa isip ko? Sana maging maayos kana bukas.'

Tinapos ko na agad ang pag shower. Dahil gusto ko ng matulog, para makalimutan ko yung nakita ko kanina. Para makalimutan yung sakit na nararmadaan ko dahil sa pambabalewala niya sa'kin.

*****

krizemman

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon