Chapter Seventeen

817 21 5
                                    

CHROEE

Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa mga tinatapos kong mga reports na dapat tapusin.

'Ten o'clock na pala, hindi padin ako nakapag dinner, tsss kung hindi lang ako magbabakasyon hindi ko pipilitin tapusin lahat ng 'to.' Tingin ko sa oras, sabay naramdaman ko na din ang gutom na hindi ko naramdaman kanina habang nagawa ng mga 'to.

Niligpit ko na lahat ng dapat ligpitin.

"Good evening ma'am. Late po ata kayo ng uwi ngayon? " Si manong guard. Nakita ko siya paglabas ng office ko.

"Ah oho, may tinapos lang pong trabaho. Dito na po ako." Paalam ko at sumakay na ko ng elevator pababa ng basement kung saan nakapark yung kotse ko.

Pero bago pa magsara yung elevator may isang lalaking sumakay. Empleyado ng kumpanya pero ngayon ko lang siya nakita.

"Good evening ma'am, late na pag uwi ha." Bati ng lalaki.

Hindi ko na lang siya nginitian or tiningnan man lang. Ayoko sa lahat yung feeling close.

Napansin ko na lang unti unti siyang nalapit sakin pagsara ng elevator.

"H'wag kang lalapit sakin." Malamig kong sabi sa kanya habang naka tayo lang ako sa right side ng elevator.

"Bakit natatakot ka ba?" sabay ngiting hindi ko maintindihan.

Sa ngiting yun parang may ibang gustong gawin sakin yung lalaki. Tiningnan ko naman na pababa na sa 15 floor yung elevator.

"Masyado pa tayong mataas ma'am. bago makababa sa basement." Nakangiti pa din siya. Nakaramdam ako ng takot ng unti unti na siyang lumapit sa'kin.

"Lumayo ka nga sa'kin. Kung ayaw mong bukas hindi kana makapasok sa kumpanyang 'to!" Banta ko.

Mas lalo pa siyang lumapit sa'kin na nakangiting nakakaloko. Mas lalo akong nakaramdam ng takot. Masyado pa kaming mataas. At wala ng mga empleyado ng ganitong oras. Ngayon nagsisi na ko kung bakit nagpa late pa ako ng uwi.

"Don't worry ma'am, saglit lang 'to, sa ganda at sexy nyong 'yan siguradong mabilis akong makakatapos sa'yo." sabi niya ng nasa harap ko na siya.

Kahit takot nagawa ko pa din siyang sampalin dahil sa mga pinagsasabi niyang kabastusan.

"Masakit 'yun, pero ayos lang. Ganyan tipo ko sa babae, yung palaban." Habanghawak niya yung pisnging nasampal ko.

Hinawahan niya dalawang braso ko sabay tulak sa sulok ng elevator

"Let me go!" Halos maiyak na ko sa takot, dahil kahit anong palag ko at pilit kumawala sa kanya hindi ko magawa. Lalo niya lang hinihigpitan ang pagkakahawak niya sa mga braso ko.

"Shhh, kahit sumigaw ka walang makakarinig sayo mapapagod ka lang."

'Please, somebody help me. Clyde help me.' Bigla kong naalala si Clyde, hindi ko alam kung bakit nasabi ko pangalan niya.

Naramdaman ko na yung hininga niya sa leeg ko. Halos manlambot na mga tuhod ko sa takot sa pwedeng gawin ng lalaki at kung anong mangyayari sakin. Unti unti na din napatak yung mga luha ko. "Lumayo ka sakin tangina ka!"

Nang bitiwan niya na ako para humawak naman sa ibang part ng katawan ko agad ko siyang tinulak ng malakas kaya napasandal siya sa kabilang side.

"Masyado ka naman pakipot ma'am." Nang makabawi agad siya, at agad siyang lumapit sakin.

"I swear, pagsisihan mo 'tong ginawa mo sakin!"

"Hahaha, wala pa nga akong ginagawa, pero sigurado naman mag eenjoy ka."

Lumapit ulit siya sa'kin kaya nagawa ko ulit siyang sampalin, pero sa pagkakataon na yun, nagawa niya na kong saktan.

Halos magdilim na paningin ko dahil sa ginawa niyang pag suntok sakin sa sikmura ko.

"Gusto mo pang nasasaktan ka!" Hinila ulit ako patayo.

"Go to fucking hell!" Galit, takot at sakit ang nararamdaman ko. Sinuntok niya ulit ako sa sikmura dahilan para mapaupo na ko at mamilipit sa sakit.

"Gusto mo pang nasasaktan. Kung pumayag ka lang agad, sana tapos na tayo. Nakarating pa tayo sa heaven at hindi sa hell na sinasabi mo!"

Naupo na siya sa harap ko, habang hinihimas ang magkabilang pisngi ko na basa na ng mga luha. Kaunti na lang bibigay na katawan ko sa sakit at pagod na nararamdaman ko.

"Please---"

Unti unti ng bumaba yung kamay niya papunta sa dibdib ko.

*Ting*

"Fuck! May sasakay pa ng gantong oras." Agad siyang tumayo para sana pigilan mabuksan yung elevator. Pero huli na siya dahil nabuksan na ito.

"Gago ka anong ginawa mo sa kanya!?" Narinig ko sigaw ng isang lalaking familiar ang boses.

Hindi nga ako nagkamali, si Renmar ang lalaking dumating.

Hindi na nagawang magsalita pa ng lalaki ng sunod sunod itong suntukin ni Renmar. Habang ako ito nanghihina at nanginginig sa takot.

Ilang saglit lang nakita ko ng nakahiga na yung lalaki at wala ng malay.

"Chroee," Bigla niya ng hinubad yung coat na suot niya at inilagay sa katawan ko. hindi pa din ako makakilos dahil sa sakit ng sikmura na sinuntok ng dalawang beses ng lalaki. "Dadalhin na kita sa hospital."

Tanging iling na lang nagawa ko bilang pagtanggi.

"Ihahatid na lang kita sa bahay mo."

Kaming dalawa na lang ang nasa elevator. Naupo din siya sa tabi ko.

"Tinawagan ko na yung guard sila na bahala dun sa lalaking yun. Ako na lang pupunta sa police station para mag witness sa ginawa ng gagong yun sa'yo"

"T-thank y-you." Nanginginig pang sabi ko sa kanya habang walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko.

Kahit nandito na si Renmar hindi pa din nawawala yung takot ko.

"Sigurado ka bang hindi na kita dadalhin sa hospital? You look pale Chroee?" Bakas sa kanya ang pag aalala.

"Iuwi mo na lang ako. Gusto ko ng umuwi."

Hanggang makarating na kami ng basement.

Pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya at nahihilo ako.

"Buhatin na kita."

Bago pa man ako tumanggi nagawa niya na kong buhatin papunta sa kotse ko. Naibigay ko na din sa kanya ang susi.

"Chroee, kung alam ko lang nandoon ka pa sana hinintay na lang kita kahit sa labas lang ng opisina mo. Hindi sana nangyari sayo yung ganito, nahawakan ka pa ng tarantadong yun."

Dinig kong sabi niya habang nagda-drive. Wala nakong lakas pa para kausapin pa o sumagot sa mga tanong niya. Hindi ko na din maintindihan yung iba pang mga sinasabi niya.

Unti unti kong nararamdaman na nagdidilim na paningin ko, kaya hindi ko na namalayan kung sa bahay niya ba ako inuwi o hindi. Pero may tiwala ako sa kanya ng mga oras na'to. Pasalamat ako dahil dumating siya bago may mangyari sa'king hindi maganda.

*****

-krizemman

-himecrow

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon