Chapter 32

631 13 4
                                    

CHROEE

Hindi ko inaasahan na isang horror movie ang panonoorin namin ni Clyde. Dahil ang daming mga romance at fantasy na movie ang pagpipilian. Kaya umasa akong isa doon ang pipiliin niya.

"Mahilig ka pala sa horror?" tanong ko habang hindi pa din naman nag-uumpisa ang palabas.

"Medyo." Tipid niyang sagot habang nakatingin sakin at nakangiti.

"Ahh."

Binalik ko na ulit ang tingin ko sa big screen na nasa harap namin. Hanggang sa mag-umpisa na yung movie, hindi na ako nagtanong sa kanya.

Sa una puro kwento pa. Hanggang dumating sa part na nagpapakita na yung multong babae na may gusto pala sa bidang lalaki. 'Mukhang maganda nga itong movie na 'to.'

Tahimik lang kaming nanonood habang nakain ng pop corn ng bigla kaming nagulat pareho. Dahil sa sound effect at dahil sa nakakatakot na itsura ng multong babae.

"Ah!" Mahinang sigaw ko.

"Natakot ka?" He asked.

"Hindi, nagulat lang ako." Sagot ko, pa'nong hindi ako magugulat, biglang lumitaw 'yung babae sa cr. Sabayan pa ng sound effect, if I know siya din naman nagulat dahil naka iktad siya sa upuan niya. At isa pa hindi lang naman ako ang nagulat, pati 'yung mga katabi namin. Mapa lalaki man o babae.

"Hmm? Talaga?" Parang hindi makapaniwalang tanong niya.

I nodded. 'Loko 'to. Parang hindi naniniwala, tsss.'

"Nagulat lang talaga ako. Ikaw ba hindi ka nagulat? O baka naman ikaw ang natakot?"

"Nagulat lang din."

Binalik ulit namin ang atensyon sa harap ng maramadaman kong bigla niyang hawakan ang kamay ko. Kaya naman napatingin ako sa kanya. At ang loko nakatingin din sa 'kin ng may kasamang ngiti. 'Aba nakangiti pa siya? Horror ba pinapanood namin o romance?' Para kasing kinikillig siya, or should I say kinikilig talaga siya, pagkatapos niyang pisilin ng mahina ang kamay kong hawak niya. Binaling niya na ulit ang tingin sa screen.

Ganun na din ang ginawa ko, pero kinagulat ko ang eksenang nangyayari, dahil kahalikan na ng bidang lalaki yung multong babae na kanina lang na may pangit na mukha. Pero ngayon isang magandang babae na. 'Okay, romance din pala itong movie na 'to.'

Kaya hindi ko mapigilan hindi makaramdam ng kakaiba lalo ng pisilin ulit ni Clyde ang kanang kamay ko na hawak pa din niya ngayon.

Dahil sa ginawa niyang 'yun kaya napalingon ulit ako sa kanyan. Akala ko hindi siya nakatingin sa 'kin, pero ito ngayon nakatitig siya na tila may gustong gawin.

Bago pa man ako makabawi ng tingin. Naramdaman ko na lang ang 'yung mga labi niya na inaangkin na ang mga labi ko. Sa una nagiisip ako kung anong tugon ang gagawin ko, pero hindi nagtagal, gumanti na din ako ng halik sa kanya. 'Ito na naman yung kaba ko, tulad ng unang halik na nangyari sa 'min.' kabang hindi ko maintindihan kung para saan.

Hindi ko alam kung ilang segundo tumagal ang halik na 'yun, dahil kusa na kaming huminto.

"Chroee so---"

"Clyde..." Putol ko sa sasabihin niya. Sabay nginitian ko siya. Ayokong ihingi niya ng sorry ang isang bagay na sinadya namin gawin. And I'm sure, pareho namin nagustuhan ang kiss na 'yun.

Pareho na ulit kaming naka concentrate sa panonood. Tila walang nangyaring ano man. Hanggang sa matapos ito.

"Ganun ba talaga epekto ng true love?" Tanong niya, na ang tinutukoy niya 'yung katatapos lang namin panoorin na movie.

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon