Chapter Twenty Four

546 11 4
                                    

CLYDE

Ilang araw na lumipas. Balik ulit kami sa dati ni Miles. Kalimutan na daw namin ang nangyari. Dahil ayaw niya daw masira ng pag kakaibigan namin ng gano'n lang.

Akala ko hindi na kami babalik sa dati. Ako na din minsan nagsusundo sa kanya papasok sa school kapag wala si Billy. Dahil simula ng makilala niya si Charlene, lagi na niya itong sinasamahan at sinusundo.

"Tol ang tagal mo naman mag-ayos." Reklamo ko agad kay Miles. Pagpasok niya ng kotse.

"Five minutes ka lang naghintay. Makareklamo ka naman wagas."

Tumawa na lang ako sa reaction niya. Kahit kailan talaga ang sarap niyang asarin.

Habang on the way kami sa school. Nagkukulitan lang kami. Bumalik na talaga kami sa dati.

"Wow! Official na ba kayo?" Tanong ng isang classmate namin na nakasabay namin sa parking lot ng school. "Congrats Miles, napansin ka na din ni Clyde."

Isang masamang tingin lang ang sinagot ni Miles sa kanya.

"Sira ulong Dashley yun. Don't mind her. Hindi ko kasi siya pinapansin." I whispered.

Inakbayan ko na siya at sabay na kaming naglakad papuntang building.

"I don't care about her," Mataray niyang sabi habang naglalakad kami. "Alisin mo nga pagkakaakbay mo sa'kin. Ang bigat kaya ng kamay mo." Sabay alis ng braso ko sa shoulder niya.

"Ang arte mo naman. Tara na nga tol. Nagiging babaeng babae kana." Biro ko sa kanya, at inakbayan ko ulit . Pero agad niya din ulit inalis.

"Hoy Clyde, tingin mo sa'kin hindi babae?!" Naaliw ako sa reaction niya. Kaya naman natuwa akong asarin siya habang naglalakad kami.

"Nalaman kong babae ka, no'ng gabing hinalikan kita." Biro ko, pero huli na para bawain, dahil nasabi ko na. Kaya inaasahan kong magagalit siya sa'kin.

"Gago, nag-enjoy ka naman sa kiss na 'yun." pero hindi siya nagalit, nakisakay na din siya sa biro ko. 'Yan ang gusto ko kay Miles, hindi marunong magtanim ng sama ng loob.

"Yeah, kahit konti." Sagot ko at isang malakas na palo sa braso ang natanggap ko sa kanya.

" Ewan ko sa'yo 'tol. kanina mo pa ako inaasar. Kapag nainlove ka sa'kin hindi ko na kasalanan." Biro naman niya sa'kin. Hindi na ako sumagot pa. Hahaba lang aasaran namin at baka mapikon ko ulit siya at magalit sa'kin.

Sa pagkakataong 'to hindi niya na inalis ang braso ko sa shoulder niya. Naglkad na kami ng sabay papuntang classroom. Kung titingnan kmi ng ibsng hindi nakkakilala sa'min. Iisipin na isa kaming couple.

Naubutan na namin sila Ryan, Billy at Charlene na nagtatawanan. Dahil maaga pa kaya kaunti pa lang ang tao sa room.

"Tama ang dating nyong dalawa. Nagbabalak 'tong si Cha na lumabas tayong lima." Ryan.

"Sa'n naman ang punta natin?" Miles.

"Nagyayang uminum. Kahit sa bar na nasa labas ng subdivision natin. Weekend naman bukas kaya ayos lang." Billy.

"Sige ba." Mabilis akong pumayag. Bukas pa naman uwi nila Mommy and Daddy.

Mabilis na natapos ang buong araw namin sa school. Tulad ng palagi namin ginagawa. Sabay-sabay na kaming umuwi. Dahil may lakad kaming mamayang eight ng gabi.

"Ako na magsusundo sa pinsan ko Billy, sabay mo na lang si Miles." Ryan.

Dilto na kami ngayon sa parking lot ng school.

"Si Clyde na magsundo kay Miles." Billy.

Hindi pa ako nagsagot ng magsalita na agad si Miles.

"Bakit pa kailangan sunduin? Lalakarin ko lang palabas, ando'n na ko sa bar. Baka mas mauna pa nga ako sa inyo. Kalalaking tao mababagal kumilos."

"Sige ikaw bahala." Billy.

Kanya-kanya na kaming sakay sa sasakyan. Kay Billy na din sumabay si Miles. Dahil si Ryan naman ang maghahatid kay Charlene.

---

Papasok pa lang ako ng gate ng subdivision. Napanasin ko na agad ang kotseng nasa harap ko.

'Maaga ata siyang umuwi?'

Nanatiling nakasunod lang ako sa sasakyayn niya hanggang makarating sa bahay.

Pagdating sa harap gate namin hindi muna ako bumaba. Gusto ko kasi siyang makita mula dito sa pwesto ko. Mula ng gabing nakita ko silang naghalikan ni Renmar. Parang gusto ko ng dumistansya sa kanya. Pero ngayon hindi ko mapigilan hindi siya makita.

Gusto ko na siyang kalimutan. Pero alam kong hindi gano'n kadali para sa'kin gawin 'yun, lalo't siya ang unang babaeng minahal ko ng ganito.

Naghihintay akong bumaba siya mula sa driver seat. Pero disappointed ako ng si Renmar ang nakita kong bumaba mula do'n.

Lalabas na sana ako ng kotse ng makita ko ng bumaba si Ate Chroee. Agad naman siyang sinundan ni Renmar papasok sa bahay. 'Tsk, bakit kailangan pa niyang akbayan si Ate?'

Nang mawala na sila sa paningin ko. D'on pa lang ako inis na bumaba ng sasakyan. 'Bakit kailangan ko pang makita kong gaano sila ka-sweet?'

"Andyan ka na pala hijo," salubong agad sa'kin ni manang. "Paghahanda na kita ng hapunan, magbihis ka muna bago kumain." Tumango na lang. Ikakain ko na lang 'yung inis na nararamdaman ko sa ngayon.

Patakbong umakyat ako sa taas papuntang room ko. Mabilis akong nagpalit ng damit, at bumaba. Maya pa naman alas otso ang usapan namin magkikita sa bar dyan sa labas ng subdivision. Kaya kakain muna ako.

Naabutan ko si manang na naghahanda ng pagkain namin.

"Manang sabayan niyo po akong kumain."

"Sige, bakit ka nga pala nakasimangot pagpasok mo pa lang ng bahay? Kung mommy mo nakakita sa'yo n'on, baka nag alala na sa'yo. Baka may problema ka, sabihin mo na agad sa mom at dad mo pag uwi."

Hindi ko alam na nakasimangot pala ako papasok ng bahay. Sabagay, hindi ko mapansin 'yun dahil sa inis ko kanina.

"Manang aalis po ako mamaya, pupunta kaming bar ng mga kaibigan, kaya 'wag nyo na po akong hintayin umuwi." Paalam ko sa kanya.

"Sige, 'wag lang sobrang uminum, kahit diyan lang kayo sa labas ng subdivision, magda-drive ka pa din," Paalala ni Manang.

"Opo," Bumalik ako sa room ko para kuhanin ang susi ng kotse. Malapit ng mag 8pm. Mabuti ng wala pang 8 nando'n na ko. Dahil sigurado din naman akong maaga din pupunta ang mga kaibigan ko. Hindi na maghihintay ng oras bago magpunta sa bar.

*****

A/N: ANG EWAN NG UD KO NGAYON DITO SA CHAPTER NA'TO. KULANG AKO SA LAMBING LOL. KAYA GANYAN SIGURO.

-_- *SIGH* MISS YOU

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon