Chapter Fifteen

910 27 6
                                    

CLYDE

Halos mawala lahat ng epekto ng alak sa katawan ko ng marinig ko ang boses niya kanina. Kaya agad kong naitulak yung babaeng kasama ko.

Nang makaalis na siya harap namin, agad din akong umalis at naiwan ang babae na nakatayo doon.

'Anong ginagawa niya dito?' Nandito na ako sa table namin kasama ang dalawang kaibigan ko.

"Tol ayos ka lang ba?" Ryan.

"Nasaan na yung babaeng kasama mo?" Billy.

"Iniiwan ko sa kung saan lang." Walang ganang sagot ko.

"Ayos 'yun tol parang laruan lang na basta iwan." Ryan.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya ng makita ko si Ate Chroee na palapit papuntang counter.

'Iinum pa din siya?' Nakita kong umorder muna siya bago nag bukas ng isang yosi. Dun ko lang siya nakitang nanigarilyo. Hindi ko alam na may bisyo pa lang siyang ganun.

"Tol sino ba tinitingnan mo?" Billy. "Sino yung chicks na yun tol? Kilala mo?" Nakatingin na din siya sa direksyon ni Ate Chroee.

I nodded.

"Pakilala mo naman kami ni Ryan." Billy.

Tiningnan ko lang si Billy nang masama.

Bago tumingin kay Ate. Nakita kong sunod sunod ang inum nya ng wine. Kaya hindi na ako nakatiis na hindi tumayo at puntahan siya. Naalala ko ng sunduin ko siya dito ng gabi, at kinabukasan ay nagkasakit siya.

"Tol uuwi kana?!" Ryan.

Pero hindi ko na pinansin yung tanong niya. Nakita ko din na may lumapit na isang lalaki kay Ate Chroee na halatang kinukulit siya nito.

"Can I get your number miss?" Guy.

"No."

Magsasalita pa sana yung lalaki ng magsalita na 'ko.

"Why would you like to get my girl's number?"

Hindi naman sumagot yung lalaki.

Nakita ko naman si Ate Chroee na napatingin sa 'kin. Pero agad din niyang binalik ang tingin sa basong hawak niya.

"So, back off dude."

Kaya naman umalis na siya na mukhang inis

'Asa na naman ibibigay sa'yo yung number niyan. At kung ibibigay man niya, dito ako para pigilan siya.'

Sige pa din siya order sa bartender ng inumin niya. Kaya hindi niya ako napansin na naupo sa tabi niya.

"Enough." Agaw ko sa yosi na dapat sisindihan niya. Halata din na nagulat siya sa ginawa ko.

"Anong ginagawa mo dito Clyde? Dapat doon ka sa mga kaibigan mo diba?"

"Nakita kasi kitang mag isa lang." Sabi ko sa kanya sabay inum ng inumin na binigay ng bartender para sa kanya. Doon ko lang nalasahan yung wine. Medyo matapang siya. Kaya nagtataka ako bakit hindi pa natatamaan si Ate o sadyang malakas siyang uminum.

Habang tumatagal mas lalo ko siyang nakikila. Pati mga bisyo nya nalalaman ko din. Kung ibang babae siguradong ma tuturn off ako

"So? Ano ngayon kung nakita mo ko dito na mag isang umiinum?" Cold niyang sabi sabay tingin sa bartender. Mukhang nagets naman nito ang gustong sabihin ni Ate. Kaya saglit lang meron na naman laman ang baso nya.

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon