Chapter Twenty Two

590 14 0
                                    

MILES

"May nagugustuhan ka na bang babae?" Direktang tanong ni Charlene kay Clyde.

"Meron." tipid niyang sagot.

"Maganda ba siya?" wala akong maisip na ibang tanong, alam ko naman na magandang babae magugustuhan niya.

"Oo." tipid na sagot ulit.

"May balak bang ligawan siya?" Tanong naman ni Billy.

"Meron."

"Anong klaseng sagot yan? meron, oo. Tsk, parang pinoy henyo lang." Reklamo naman ni Ryan.

"Ayon lang naman kasi ang sagot sa mga tanong nyo, 'wag ka nga mag reklamo, magtanong ka na lang."

"Si Miles ba 'yung babaeng gusto mo? na balak mong ligawan?" Bigla akong napatingin kay Ryan dahil sa tanong niyang 'yun.

"Sira ulo ka talaga Ryan." 'yun na lang nasabi ko dahil nahiya ako kay Clyde.

"Tsk, 'wag kang magulo Miles. Sige na tol sagutin mo na." Pangungulit niya ulit kay Clyde na ngayon tila nag iisip ng isasasagot.

Kaya dahil do'n nakaramdam ako ng kaba. Kaba na umaasa na sana ako ang tinutukoy niyang babae. Dahil sinabi niya na din naman sa amin na may nagugustuhan siya. Hindi lang sinabi kung sino. Kaya ngayon ito ako na tahimik na umaasa.

"Change question. Ayokong masira ang friendship na meron kami ngayon ni Miles. Masaya akong kaibigan niya." parang walang emotion na sabi niya, sabay inum ng beer na hawak niya.

'Ito na ba yung sinasabi nilang, na friendzone ka ng gusto mo?' nasaktan ako sa sagot niyang 'yun. Pero, bakit parang gusto ko pa din umasa? Umasa sa wala.

"So, hindi pala si Miles ang babaeng nagugustuhan mo tol? " Ryan. "Kung hindi siya, sino?"

"Excuse, punta lang ako ng CR." Tumayo na ako at hindi na hinintay pa ang sagot niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot na maaring masakit para sa'kin ang marinig na hindi ako ang gusto niya. Kaya bago ko pa marinig ng harapan. Pinili ko na lang umalis.

'Tangina, bakit nauso ang friendzone? Kaya tuloy pati ako nakiuso na din? Bakit kasi siya pa nagustuhan ko? Bakit pa siya minahal ko?' Ilang saglit pa may luha ng pumapatak sa mga mata ko. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. Ito na marahil ang karma ko, dahil bawat lalaking manliligaw sa'kin. Hindi ko pinapansin. Lahat sila binabasted ko na agad, sometimes in a bad way pa. Ginawa ko 'yun dahil umaasa akong liligawan ni Clyde.

"Miles tapos ka na ba? Pagamit naman ako. Kanina pa ko naiihi." Dinig kong tawag ni Charlene mula sa labas ng pinto. Kaya mabilis akong naghilamos para hindi makahalata na umiyak ako.

"Oo tapos na, saglit lang." Sinipat ko muna ang sarili ko sa harap ng salamin. Ayokong may makahalata na umiyak ako, dahil siguradong magtatanong pa sila kung bakit namumugto ang dalawang mata ko.

"Hinihintay ka nila, uuwi na daw tayo,"

"Sige."

"Hintayin niyo ko ha. wag niyo kong iiwan, sabihin mo din sa pinsan kong kumag ihatid ako sa bahay, kaya hintayin ako." Bilin niya bago pumasok ng cr.

"Ryan, hintayin mo daw si Cha, ihatid mo din daw siya sa bahay nila." sinabi ko na agad sa kanya, bag ko pa makalimutan. Minsan may time na nakakalimutan ko yung ibang pinapasabi sa'kin lalo na kapag nakainum, tulad ngayon.

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon