Chapter Sixteen

888 19 2
                                    

CHROEE

'F*ck! Ano ba yung nangyari? Bakit ganito naramdaman ko?' I asked myself. 'Bakit parang nag enjoy ako sa halik na 'yun?' Sabay hawak sa lower lip ko.

Tila nawala yung lasing ko ng umalis si Clyde. Hindi ko na maintindihan kung bakit ganun na lang epekto sakin ng isang halik na dala lang ng kalasingan.

Tumayo nako para pumasok sa room ko at para maligo.

'Tsss, kalokohan lang 'tong nararamadaman. Mabuting balewalain na lang. Kung papansinin ko pa 'to siguradong walang magandang mangyayari.'

Kaya ng matapos na akong maligo ay natulog na din ako para hindi na maisip yung nangyari kanina sa 'min ni Clyde.

KINABUKASAN

Maaga akong nagising dahil monday at may pasok sa office. Kailangan ko din pumasok ng maaga dahil may mga paper works pa akong dapat tapusin.

"Clyde mag-ingat sa pagda-drive ha?" Manang Claro.

Nakita kong pasakay si Clyde ng kotse nya habang ako naman nakatayo dito sa gate para buksan ito.

'Bakit hindi man lang siya tumingin dito? Nakalimutan niya siguro yung nangyari kagabi. Tsss, ano ba 'tong pinagsasabi ko? Lintek. Bakit ko ba inaalala pa 'yun.'

Parang nag iba na 'yung mood ko ng araw na 'to. Nang mabuksan ko na yung gate na garahe, agad ko ng nililabas yung kotse. 'Sa susunod sa labas ko na'to ipapark para hindi nako baba para magsara ng pesteng gate na 'yan.' Pati napag buhusan ko ng inis

I drove fast, after thirty minutes nasa office na ko.

" Good morning Ms. Chroee" Staff.

I looked at her then smiled. Kahit wala ako sa mood nagagawa ko pa din ngitian yung taong mabait sa'kin

Malayo pa lang ako may narinig na kong naguusap or should I say, nag tsitsismisan sila at ako pa ang main topic.

"Grabe, tumigas na ata yung puso ni Ms. Chroee simula ng naghiwalay sila ng Sir. Renmar."

"Oo nga, pero nakakaawa si Sir, kasi naaksidente habang pauwi daw galing sa bahay ni Ms. Chroee."

"Talaga? Ano naman ginagawa niya sa bahay nun?"

"I don't know. Baka nakikipag balikan kay Miss."

"Hoy, baka mamaya may makarinig sa 'tin. Saan nyo ba nakuha yang kwento na yan? Mabuting tigilan nyo ng pag usapan yan."

"H'wag ka nga kj Rhea. Wala pa naman si Ms. Chroee."

"Ano ka ba? Kay Sir mismo. Nadinig ko kasing nag uusap sila ni Bossing. Yun nga yung topic nila, talagang mahal na mahal pala niya si Ms. Chroee. Ngayon niya lang daw na realized na si Ms. Chroee daw yung babaeng mahal niya. And take note, he will do anything for her, para lang daw maibalik niya ulit yung pagmamahal sa kanya ni Ms. Chroee."

'Asa naman maibabalik pa 'yun ng ganun kadali.'

Sadyang binagalan ko paglalakad ko. Dahil sa lakas din ng boses nila at naka focus sa usapan, hindi nila ako agad napansin na palapit. Mga nakaupo din sila sa kanya kanyang table.

At dahil maaga pa naman kaya hindi nila inaasahan na maaga akong papasok. Para marinig lang ang kwentuhan nila sa'kin.

"Asa ka naman maibalik niya sa kanya si Ms. Chroee. Sa personality nun, I think, parang dadaan sa butas ng karayom ngayon si Sir. Kung bakit naman kasi ang stupid niya. Nasa kanya na, hinayaan pang mawala. Kaya ako yung boyfriend ko ngayon. Alagang alaga ako. Takot akong mawala eh." Mayabang pang kwento ng isang tsismosang staff.

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon