Chapter One

5.2K 37 3
                                    

"Tol uwi na ako baka hinahanap na ako ni Mommy." Paalam ko sa mga kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa Club house ng subdivision namin. Katatapos lang namin mag ikot gamit ang bike.

"Sige. Punta na lang kami mamaya para tuloy natin yung nilalaro natin." Miles.

Tumango na lang ako bilang sagot.

'Mukhang may bagong lipat sa harap ng bahay namin.' Napansin kong may isang malaking truck na may nakalagay na Lipat Bahay.

"Manong dahan dahan lang po pagbaba ng mga gamit. Lalo na sa malalaking box. Marami pong mga babasagin dun na nakalagay." Utos ng isang babaeng nakatalikod.

Hindi ko lang pinansin. Dumeritso na ako papasok ng gate.

"Andyan kana pala baby. Nagprepare ako ng meryenda mo." Malambing salubong sakin ni Mom. "Maupo kana dyan at ipaghahanda kita ng hot cakes." Utos niya. kaya naupo naman ako, habang tinitingnan siya sa ginagawa niyang paghahanda ng pagkain ko.

"Mommy may bago tayong kapitbahay. Nakita kong may bagong lipat diyan sa harap." Kwento ko.

"Ah oo napansin ko nga kanina habang nagdidilig ng mga halaman ko sa garden kanina. Kumain kana ubusin mo yan ha?" Mommy.

"Yes Mommy." Masigla kong sagot sa kanya.

Kumain na akong magisa. Kahit solo lang akong magisang kumakain. Masaya naman ako. Kahit busy si Mom sa business niya may time pa din siya para asikasuhin ako lalo na kapag weekend. Siya mismo ang nagluluto at naghahanda ng pagkain namin nila Daddy.

Lumipas ang buong araw ko na kasama ng mga kaibigan ko. Dahil wala naman pasok kaya okay lang na maglaro kami ng mga video games.

"Baby pakidala naman ito sa bago nating kapitbahay. Para sa pagwelcome natin sa kanya." Utos ni Mommy. Ewan ko ba, ganto lagi ginagawa niya kapag may bagong kapitbahay.

Kinuha ko na lang yung food container na may laman menudo.

*Ding-Dong*

*Ding-Dong*

*Ding-Dong*

'Antagal naman lumabas ng tao dito.' Reklamo ko. Nakailang pindot na ako ng door bell. Pero wala pa din nalabas.

Kaya mas pinili ko na lang umuwi na. Ayoko sa lahat pinaghihintay ako lalo ng hindi ko naman kakilala.

"Who's there?" Sigaw ng isang babae na galing sa loob ng bahay.

Ilang hakbang pa lang naman ang nagagawa ko kaya nung marinig ko ang boses, bumalik ako para ibigay ang dala kong ulam.

Nakita ko ang isang babae na nakatayo sa labas ng gate.

"Good evening po." Magalang kong bati sa kanya. Mukha kasing may edad siya kaysa sakin. "Pinabibigay po ng Mommy ko bilang pag welcome sa inyo ng pamilya niyo dito." Sabay abot sa kanya ng dala kong food container.

"Thank you." Walang emosyon niyang pasasalamat sakin. At pumasok na sa loob ng bahay.

'Huh? Ganun lang yun? Sabay alis, tsss. Kakaiba naman yung si Ate.'

"Naibigay mo na baby? Mukha naman bang mabait ang bago nating kapitbahay?" Tanong ni Mommy pagbalik ko.

"She looked weird Mom. Nag thank you lang siya, hindi man lang nginitian ang gwapo nyong baby, then pumasok na po siya sa loob ng bahay." Parang batang sumbong ko.

Ngumiti naman siya sa sinabi ko. "Hayaan mo na baka napagod yun sa pag aayos ng mga gamit nila."

Nandito kami ngayon nila Mommy at Daddy sa sala. Nag movie marthon. Pagkatapos namin Kumain ng hapunan.

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon