Chapter Five

1.4K 22 1
                                    

MILES POV

"Wala pa din ba si Clyde?" Tanong sakin ni Billy.

Sinimangutan ko lang siya. Kanina pa kasi kami dito sa canteen ng school. Pinauna niya kaming bumaba dahil may tatawagan daw siya.

'Bakit hindi ba namin pwedeng marinig usapan nila?' Nakakaramdam ako ng inis. Lalo kapag naiisip kong babae ang tatawagan niya.

"Bakit ka nakasimangot? Selos ka no?" Pang asar na tanong ni Billy.

"Ulol, bakit naman ako magseselos, naiinis ako dahil kanina pa ako nagugutom, hindi pa ba tayo oorder ng pagkain?" Tanggi kong sa tanong niya sabayan pa ng pag iiba ko ng usapan. Mabuti ng isekreto ang nararamdaman ko, kaysa naman araw arawin akong asarin ng dalawang kumag na 'to.

Mahal ko si Clyde pero hindi ko magawang aminin, dahil natatakot akong ma reject. Hindi ako ganun katapang para umamin sa nararamdaman ko para sa isang lalaking alam kong hindi ako magugustuhan.

"Dumating din." Ryan. Nakatingin sa entrance ng canteen.

Tiningnan ko siya. Mukhang wala nga siya sa mood dahil nakasimangot.

"Tol bakit ka nakasimangot? Hindi mo ba nakausap yung tinatawagan mo?" Tanong ni Billy ng makalapt na si Cltde sa table.

"Hindi 'tol. Panay ring lang." Halatang naiinis siya.

"Sino ba yang tinatawagan mo?" Hindi ko matiis na hindi magtanong.

Pero hindi naman niya sinagot ang tanong ko. Nag aya na lang siyang pumila para bumili ng pagkain.

"Ikaw 'tol ano sayo para isang order na lang ang gagawin ko." Tanong niya sakin. Lahat kami tawagan 'tol.

"Ako na oorder na akin." Nakasimangot kong sagot. Tumayo na ako at nauna ng pumila sa kanya.

"Anong problema nun?" Dinig kong tanong niya kina Billy at Ryan.

"Malay, PMS ata ang dalaga natin." Tatawa tawang sagot ni Billy sa kanya.

"Tol problema?" Nasa likod ko na pala siya.

"Ha?" Maang kong tanong habang nasa likod ko siya.

"Bakit may sumpong ka?"

'Tanong pa.' Inis na bulong ko.

"Wala akong sumpong, antagal mo lang kasing bumaba. Nagugutom na mga alaga ko sa tiyan." Pagsisinungaling ko. Alangan naman sabihin ko na nagseselos ako sa babaeng tinatawagan niya, kung babae nga yun.

Nang makabili na ako ng pagkain ko, hindi ko na hinitay pa si Clyde, nauna na akong bumalik sa table namin.

"Tol hindi mo naman hinintay si Clyde." Billy

"Puntahan mo at tulungan, pagkain niyo naman ang binili nun." Masungit na sagot ko sa kanya.

Wala na ngang nagawa si Billy kundi ang puntahan Clyde.

"Bigla ka atang nagsungit 'tol, problema ba?" Seryosong tanong ni Ryan.

"Wala, nagugutom lang ako ano ka ba?" Tumawa naman ako. Ayokong mahalata niya na nagseselos ako sa pinaguusapan nila kanina sa taas.

Nakabalik na din yung dalawa na nagtatawanan. 'Ano naman kaya pinagtatawanan nitong dalawang kumag na 'to?'

Hindi ko na pinansin, tuloy lang ako sa pagkain ko. 'Pasensya na food kung sayo ko ibubuhos sama ng loob ko, kapag naubos kitang lahat natulungan mo pa akong makalimot, dahil kapag nabusog mo ako, siguradong aantukin ako at makakatulog.' Kausap ko sa pagkain sa isip ko.

Age Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon