Chapter 4:

61 3 2
                                    

Lunes na naman.

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Jaimee patungo sa aming classroom. Bago pa lang siya kaya at ngayon ay sabay kaming papasok.

Wala pang teacher dahil maaga pa nang dumating kami sa room. Naroon na rin 'yung dalawa, na si Duanne at si Maureen. Wala nang vacant sa pwesto namin kaya sa likod na lamang pumuwesto si Jaimee.

Ilang sandali lamang ay dumating na rin ang teacher namin sa Stats na si Mrs. Torres.

"Good Morning Students," bati nito sa amin, at ibinalik namin ang pagbati na 'yon sa kaniya.

Habang hinahanap ni Ma'am 'yung ilelesson niya, bigla siyang napatingin sa likod at agad nahagip ng mata niya ang bagong salta na si Jaimee Cast.

"Oh, may transferee pala kayo? Miss, can you introduce yourself here in front?" Saad ni Mrs. Torres.

Tumango naman si Jaimee at nag-diretso ng lakad papunta sa unahan.

"A great and pleasant morning to all of you. I am Jaimee Elizabeth Cast. Please be kind to me," pakilala nito at agad na rin naman umupo.

Nagtuloy lamang ng lesson si Ma'am Torres.

Finaaaaaaally! Makalipas ang nakakabagot at nakaka-antok na lesson na 'yon, sa wakas ay lunch time na.

Pero, hindi ako excited kumain, kundi excited akong matulog. Vacant kasi namin pagtapos ng lunch, dahil wala raw ang teacher namin sa oras na 'yon, kaya't napagpasyahan kong sa dorm na lamang magpalipas ng oras.

Nagpaalam si Jaimee na aalis lang daw muna siya. Yung dalawa naman, si Duanne at Maureen, sa library na lang muna raw sila, dahil balak na nilang simulan ang research nila.

Pagdating ko sa dorm ay humilata na agad ako.

Heto na naman ang panaginip ko.

Nandito na naman ako sa tapat ng isang mansyon na napaliligiran ng mga armadong lalaki.

Natagpuan ko ang sarili kong naglalakad patungo sa pinto.

Kusang bumukas ang pinto kaya't nagdiretso ako ng lakad.

Diretso at buong tapang kong tinahak ang pasilyo at nang marating ko ang dulong bahagi ng lugar, napatigil ako at may isang lalaking nakatalikod sa akin.

Dahan-dahan siyang humarap. Nang makikita ko na ang mukha niya ay......

Napabalikwas ako mula sa aking pagkakahimbing, dahil sa katok na namayani sa buong kwarto.

Teka, may tao ata.

Dahan-dahan akong bumangon para tignan kung sino yung kumakatok.

Pagkabukas ko ng pinto, wala namang tao kundi isang shoe box lang ang naabutan kong nasa pinto.

Kinuha ko na lamang ito at ipinatong sa mesa.

Sinimulan ko nang ayusin ang aking sarili para makabalik na sa klase.

Natripan kong magsuot ng hikaw ngayon. Habang ikinakabit ko ito, bigla na lamang nahulog ang pakaw ng isa kong hikaw.

Gumulong ito at napunta sa ilalim ng kama ni Jaimee. Sinilip ko ito gamit na rin ang flashlight sa phone ko. Nakita ko naman ito kaagad kaya lang may natanaw ako sa dulong bahagi ng ilalim ng kama.

Teka? Baril ba yun?

Kukunin ko na sana kaya lang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang landlady ng dorm.

Tatayo na sana ako kaya lang dahil sa gulat bigla akong nauntog.

"Ano ba naman iyan Mrs. Dela Kuadra, bakit naman ho kayo nanggugulat? Hindi ho ba uso sa inyo ang katok?" reklamo ko habang hinihimas ang parte ng aking ulo na nauntog.

PAYBACKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon