Lisa's P.O.VNagkakagulo sa labas nang lumabas ako sa Tent.
May pinagkukumpulan sila kaya't hindi matao sa Cr.
Naligo na ako, Geeez!, ang lamig ng tubig.
Paglabas ko, iilan-ilan na lamang ang nagkukumpulan. Tinawag ako nila Maureen sa pwesto nila. Naglatag sila ng sapin at may mga pagkain.
Sioang dalawa lang ni Duanne ang naandun.
"Uyy, bakit kinakain niyo na yan? Bahala kayo, wala kayong pagkain mamaya." Utas ko at tinignan lamang ang mga pagkain.
"Haha. Mukhang hindi na aabutin ng mamaya. Babalik na daw tayo ng Campus mamayang alas tres. Kinancel na tong activity." Bored na sagot ni Maureen.
"Ay, bakit?"tanong ko at nagbukas ng isang chichirya.
Very good Lisa! Junk foods for breakfast.
"Tungaw ka ba? Palagi ka na lang huli sa balita. May pinatay sa Section C kagabi. Baka daw may patayin ulit kaya pinakancel itong event." Ani ni Duanne.
May pinatay ulit? Ano na bang nangyayari sa school namin at nagiging talamak ang patayan?
"Kaya pala maynagkukumupulan kanina? Sinong pinatay? At ano ang pangunahing motibo?" Tanong ko at dahan-dahan akong sumandal sa puno.
"Sabi nila si Stella daw. Yung sexy sa Section C. Mamaya pa dadating yung pulis kaya hindi pa alam ang motibo. Pero baka daw nirape kasi sira sira daw ang damit ni Stella." Sagot ni Duanne.
"Sinong Stella? Parang hindi ko siya kilala." Tanong ko, parang hindi siya familiar sa akin.
"Tsk! Yung kalampungan ni Xander kahapon." Bored na sagot ni Maureen.
Nakita rin pala niya yun? Sa bagay, nasa likod ko lang kasi siya nun.
Sino naman kayang suspek? Si Xander? Hindi pa naman ako sigurado kung siya nga ang nagpapatay kay Sir Alvarez pero may kutob ako.
Posible kayang yung Loro? Pero bakit naman? Hindi naman kasali yung Stella dun. Tsaka, bakit naman nila papatayin?
Si Jaimee kaya? Nakita niyang nakatitig yung Stella sa akin, o baka hindi naman talaga ako ang tinitignan niya nun kungdi si Jaimee. Ayst, ang gulo.
Biglang may suminding bumbilya sa utak ko.
"Maureen? Dala mo laptop mo?" Tanong ko kay Maureen at tumango siya.
Hindi ko pa nasasabi sa inyo pero dakilang hacker yan si Mau. Magaling siya sa kahit ano mang may kinalaman sa teknolohiya.
Naalala ko nung nagpadeliver kami sa McDo tapos nanghack lang siya ng bank account at yun ang pinangbayad namin. Haha. Wag gagayahin.
"Bakit mo natanong?" Ani ni Maureen at inilabas ang kanyang medium-sized na laptop.
"Ibackround check mo nga si Jaimee." Utos ko at sinamaanniya ako ng tingin.
"At bakit naman, aber?" Tanong ni Maureen at nagdadalawang isip kung gagawin ba niya.
"Basta, gawin mo na lang." Saad ko at wala na siyang nagawa kung hindi sumunod. Busy si Duanne sa panonood ng movie sa phone niya kaya wala siyang alam sa ginagawa namin.
Nagpipindot lang nang nagpipindot si Maureen pero mukhang bigo siya dahil ibang Jaimee Cast ang lumalabas sa search box ng sikreto niyang site.
"Walang Jaimee Cast e." Bigo niyang sagot pero may biglang pumasok sa isip ko.
SATANA!
"Search mo Satana Cast. Dali." Utos ko at agad namang sumunod si Maureen.
BINABASA MO ANG
PAYBACK
ActionLisa Endrada. A typical high school girl who hates to do something illegal. She's been living alone for a long time and learn to be independent. She doesn't have any clue about his father, and she's been bugging by her dream. Sebastian Eastern Aca...