Kung puwede lang manapak, nasapak ko na sana 'tong yumuyugyog sa akin. Takte! Ang aga-aga pa, oh.
Nang hindi ko na mapigilan, napamulat na ako at akmang sisigawan si... Jaimee?
Nasa dorm na nga pala ako, ano? Nakalimutan kong naka-uwi na pala ako kahapon kasama si Jaimee.
"Magbihis ka na. Mayroon ka na lamang 40 minutes para magprepare sa klase." Saad ni Jaimee at tumayo. Iniwan na niya ako sa kwarto dahil ayaw daw niyang malate.
Sinunod ko na siya at labis pa ng sampung minuto ang 40 minutes na pagpeprepare ko.
Dumiretso na ako sa clasroom at nanlaki ang mata ko dahil hindi ko namukhaan yung yumakap sa akin.
"My god, Lisa! Ganda mo, bumagay sayo ang orange na buhok." Bungad sa akin ni Duanne. Feel ko, buhok ang nagbago dito, kunulot eh.
"Oo, at 'wag mong asahan na sasabihan kitang maganda dahil sa kulot mong buhok." Pagtataray ko at biglang humaba ang nguso nito.
"Char lang, bagay sayo. Ang ganda ganda mo nga eh." Saad ko at biglang ngumiti si Duanne nang pagkatamis-tamis.
"Salamat Melissah." Pasasalamat niya at matawa naman ako.
Nanlaki ang mata ko nang mapunta kay Maureen at atensyon ko, si Maureen, naging si Dora?
"HAHAHAHAHAHA!" Napahaglpak ako ng tawa hindi dahil sa itsura niya kundi dahil epic ang mukha niya.
"Sabi na eh, pagtatawanan mo rin ako katulad ni Duanne." Pag-iinarte ni m
Maureen."Nah, hindi ako natatawa sa itsura mo, natatawa ako sa reaksyon mo. Para kang natatakot na may makakita sayo." Saad ko at napabagsak ang balikat niya. "Pero maiba nga ako, bakit nga ba nagpagupit ka?" Dugtong ko.
"Because of Ken. May game kami at kapag natalo, magpapagupit ng buhok at kung sino ang mananalo, siya ang magdedecide ng hairstyle." Pagmamaktol niya sa gilid.
"Loko 'yun. Pero 'wag kang mag-alala. Ang ganda mo kaya. Walang halong kaplastikan." Saad ko at ngumiti na si Mau.
Hindi naman ako si Althea, ano? Na plastik at snob sa personal. Hehehe.
Dumaan ang mga oras at nagdatingan na rin ang iba pa naming mga kaklase.
Marami sa kanila ay nagpagupit. May mga tumaba, at may mga tumaba. Asa ka namng may pumayat? 'Di uso sa kanila si Diet. Hehe
Alam niyo ba ang pinagawa sa'min ng mga teacher? Syempre, essay na naman tungkol sa mga nangyari sa Christmas Holiday at mga New Year's resolution namin. Tsk! Wala na namang bago.
******
Dahil nga Grade 10 na kami, at soon-to-be Senior High na kami, naging tambak ang mga pinapagawa sa amin.
Puro projects at kung anu-ano. Hayyys, buhay! Ang ganda ko pa rin.
Papunta kaming tatlo nila Maureen sa library para mangalap ng impormasyon para sa gagawin naming report. Hindi siya report na sa classroom gagawin, kundi sa Conference Room at mga matataas na posisyon dito sa Campus ang manonood.
'Eto bale ang pinakalast na requirment sa amin. May isang buwan at kalahati pa ang preparation namin kaya keri lang.
Sabay-sabay napabagsak ang balikat naming tatlo nang mamataang sarado ang Library.
"Bakit sarado?" Biglang untag ni Maureen at animo'ng pinagkaitan ng tadhana.
"Paano na 'yan?" Reklamo ni Duanne at isinukbit muli ang bag niya.
"Balik na lang muna tayo. May laptop naman kayo, 'di ba? Lo-loadan ko na lang pocket wifi." Pagsa-suggest ko, at wala na nga kaming ibang choice, kundi ang bumalik.
BINABASA MO ANG
PAYBACK
ActionLisa Endrada. A typical high school girl who hates to do something illegal. She's been living alone for a long time and learn to be independent. She doesn't have any clue about his father, and she's been bugging by her dream. Sebastian Eastern Aca...