Chapter 1: Kamukha

29.3K 391 12
                                    


Devirginized By My Ex

Chapter 1: Kamukha

Joyce Clara's P.O.V.

"Miss Joyce ito na po 'yung files na pinapaasikaso sa inyo ni Mr. Casupanan." Ini-abot sa akin ni Yvet ang folder na hawak niya. Si Yvet ang secretary ko rito sa kumpanya ni Daddy.

"Okay. You can go back to your work now," I said. 

Nagpaalam na ito sa akin at lumabas na. Ako naman ay bumalik na sa pagtatrabaho. Nakakapagod magtrabaho. Pero at least kapag madaming ginagawa ay hindi ko naaalala si Kurt. Hindi ko nararamdaman 'yung sakit.

Nag-umpisa na ako sa pag-aasikaso sa pinapagawa ni Daddy sa akin.

Ilang oras ang lumipas bago ako matapos sa ginagawa ko. Buti na lang out ko na. Gusto ko nang matulog. Pagod na pagod na ako. Gusto ko nang maramdaman ang lambot ng kama sa aking likuran.

Nilagay ko na sa bag ko ang mga gamit ko. Pagkatapos ay pumunta ako ng comfort room para mag-ayos.

Kinuha ko ang phone ko na nagri-ring ngayon sa loon ng aking bag. Sino naman kaya ang tumatawag?

Si Fea pala. Si Fea ay nakilala ko dati sa bar. Naging close kami. Kaya tuwing nag-babar ay siya ang kasama ko. Hindi ko na kasi pwedeng isama si Khloie sa pag-babar. Alam naman natin na hindi iyon papayagan ni Sceven. Ang clingy kaya ni Sceven sa asawa niya. Gusto niya laging kasama ito. Well, masaya ako para sa kanila. Finally my bestfriend found her own Prince.

"Napatawag ka?" bungad ko kay Fea.

Malakas ang tugtog sa background niya. Malamang nasa bar ito. "Tara let's party!" pasigaw na sabi niya.

"Pass muna ako."

"Hep. Anong pass? Pag hindi ka pumunta rito huwag mo na akong kakausapin kahit kailan," she warned.

Bandang huli ay napapayag din niya ako.

Bumaba ako ng building at pumara ng taxi. Hindi ko dala ang kotse ko. Coding kasi ngayon.

"Sa Valkyrie Night Club po, Manong, " saad ko sa taxi driver pagkapasok na pagkapasok ko sa loob.

Ilang minuto lang ang byahe dahil malapit lang naman dito iyon.

Pagkatapos kong magbayad kay Manong ay pumasok na ako sa loob ng bar. Buti na lang at hindi ko dala ang bag ko. Bago kasi ako lumabas kanina ng company ay naisipan kong iwan nalang ito roon. Alam ko naman na malalasing kami eh. Nandoon pa naman sa bag 'yung laptop na ginagamit ko sa trabaho. Baka maiwan ko lang dito.

Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang malakas na tugtog. Ganito ang ayaw ko sa mga bar eh. Ang ingay masyado. Nakakabingi. Kung hindi lang talaga ako napilit ni Fea ay hindi ako pupunta rito.

"Hello there, Missy," bati ni Fea at hinawakan ako sa kamay tapos ay hinila na niya ako.

"Let's Party!" sigaw nito sa akin. Tch. Kung .di ko lang alam. Ano na naman kayang problema niya?

Umupo na kami sa may dulo. Grabe! Dami na palang nainom ng babaeng ito. Kaya naman pala super hype na niya.

Tumabi ako sa kanya. "Anong problema?" tanong ko nang hindi na nagpaligoy-ligoy pa.

"Problema? Wala," tanggi niya at tumawa. Tapos ay itinuro ang sarili niya. Ako? May problema? Wala!" tumatawang sambit niya pagkatapos ay may pumatak na ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Baliw na 'to. Sabi ko na nga ba at may dinadamdam siya. 

Kinuha ko ang isang bote ng beer at nilagok ang laman nito.

Tumawa sa akin si Fea. "May problema ka rin?" Tumango lang ako bilang sagot. "Oh my gosh! Don't tell me 'yung Kurt na iyon pa rin ang problema mo?"

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon