Chapter 45: Kneel down

5.6K 132 57
                                    

Last chapter, goodbye!

~~~

Devirginized By My Ex

Chapter 45: Kneel down

Joyce Clara's P.O.V.

For the past few months ay naging maingat kami dahil malapit na nga akong manganak.

Kabuwanan ko na ngayon kaya nagpasya si Kurt na rito na lang magtrabaho sa bahay upang mabantayan niya raw ako.

Mahirap na at baka nasa opisina siya pag pumutok na ang aking panubigan.

Katabi ko siya ngayon sa may sofa sa baba. Nasa kandungan niya ang laptop habang ako naman ay nanonood ng mga pambatang palabas sa t.v.

Sinilip ko ng bahagya ang kanyang laptop. Nagbabasa siya ng mga email.

"Pahinga ka muna," malambing kong saad at niyakap siya mula sa kanyang tagiliran.

Tumingin siya saglit sa akin at ngumiti bago niya itinabi ang laptop sa maliit na mesa na nasa harapan namin.

"Naglalambing ka na naman," bulong niya at hinalikan ako sa aking sentido.

Ngumiti lamang ako sa kanya at kumagat sa mansanas na hawak ko.

Nakatingin lamang siya sa akin kaya naman naisipan kong bigyan siya. "Open your mouth," utos ko sa kanya.

Ibinuka naman niya ang kanyang bibig at pinakagat ko siya sa mansanas.

Nginuya niya iyon at tumango-tango sa akin.

Ibinalik ko ang aking paningin sa telebisyon at nag-focus roon.

Napako ulit ang aking paningin  sa kanya nang mapahawak siya sa kanyang sentido.

"Masakit ba ang ulo mo?" nag-aalala kong tanong. 

Kinuha ko ang maliit na unan at nilagay iyon sa tabi ko. Pinahiga ko siya roon at minasahe ang kanyang ulo.

He is just looking at me intensely while I am massaging his temple.

"Thank you," he mouthed.

Itinaas ko ang isa kong kamay at nilagay iyon sa bibig ko. I blew a kiss towards him.

"Minsan ang sungit. Minsan naman sobrang lambing," bulong niya sa kanyang sarili.

Pinanliitan ko siya ng mga mata at ngumuso. "Nanlalambing lang naman eh."

Tumawa lamang siya at kinurot ng mahina ang aking pisngi.

"You're so cute, Honey."

I glared at him. "I'm not cute. I'm pretty."

"Fine. I'm not gonna fight with you because you always win," he said and winked.

"I want to drink."

Umupo naman siya. "What do you want to drink?" 

"Fresh juice please," parang batang maliit na sambit ko sa kanya.

"Alright," he said. Tumayo siya at hinalikan ako sa ulo. "Tawagin mo ako kapag may kailangan ka. Sandali lang ako."

Tumango na lang ako at bumalik sa panonood.

Sumaglit lamang siya roon at bumalik din agad.

"Here's your fresh juice, My Honey."

Kinuha ko sa kamay niya ang baso at ininom na iyon.

"Natumba ba sa'yo ang juice?" tanong niya sa akin.

Pumiling naman ako at napatingin sa tinitignan niya.

Doon na nanlaki ang mga mata ko. "Kurt, pumutok na ang panubigan ko."

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon