Devirginized By My Ex
Chapter 16: Nakakahiya
Joyce Clara's P.O.V.
"Psst. Pa isa pa."
Mabilis akong napabalikwas kay Kurt at pinanlakihan siya ng mata.
Tumawa siya ng malakas pagkatapos ay nilapitan ako at yumakap sa akin. "Biro lang. Pero kung gusto mong totohanin willing naman ako, Honey."
Tinampa ko siya ng mahina sa kanyang braso. "Magtigil-tigil ka nga."
Ikiniskis niya ang ilong niya sa pisngi ko. "This is why I don't want to do it to you that night. Alam kong mahuhumaling ako at mahihirapan nang mag-pigil."
"Ah! Umamin ka rin na gustong-gusto mo talaga ang katawan ko."
"Well," saad niya at tinaasan ako ng kilay. "Pati na rin ang puso mo syempre."
Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at hinarap siya. Ngumisi siya at mabilis akong hinalikan sa labi.
"Tara na nga at baka ma-late pa tayo sa pupuntahan natin," natatawang saad ko.
Ngumuso siya. "Huwag na lang kaya tayong tumuloy." Tinaas baba niya ang kanyang kilay.
Tinignan ko siya ng masama. "Kurt ah pagod pa ako."
"Ako rin naman. Pero pag ikaw naman ang kasama ko ay naaalis ang pagod ko."
Kinurot ko siya sa may bandang bewang niya.
Pumunta ako sa harap ng salamin dito sa kwarto ko. Oo nasa kwarto ko kami. Pupunta kasi kami ngayon sa event. May mag-me-merge kasi na bagong kumpanya. Well I guess arrange marriage rin dahil may engagement party.
"Hindi naman nila mapapansin na wala tayo roon."
"Hahanapin tayo ng mga magulang natin." Ngumuso ako bago sinuot ang earings ko.
Hinaplos niya ako sa balikat kaya naman bahagya akong napapiksi. Natawa naman siya ng mahina sa inasta ko.
"Kurt, stop."
Hinawakan niya ako sa baba at hinarap ako sa kanya. Mabilis niyang naabot ang aking labi kaya naman hinalikan na niya ako.
Palalim nang palalim ang halik niya at kung saan-saan na napupunta ang kanyang kamay.
Napatigil kami nang mag-ring ang kanyang phone.
Sinagot na niya iyon. "Yes, Pa?" Tumingin siya sa akin. "On the way na, Pa," he said at binaba na ang phone.
Tinuro niya ang labi ko. "Your lipstick."
Tumingin ako sa salamin. Gosh! My lipstick is at mess. Kalat na kalat.
"You ruined my lipstick," reklamo ko sa kanya.
He just chuckled at nag-flying kiss pa.
Pagkarating namin sa event ay pumunta kami sa table kung saan sina Daddy.
Nagsisimula na rin ang event.
Hinalikan ko sa pisngi si Tita Kyline at ngumiti kay Tito Gregorio.
Si Kurt naman ay nakipag hand shake kay Daddy at ngumiti kay Mommy.
Pinanghila niya ako ng upuan at pina upo na. Sumaya naman ng kaunti si heart sa ginawa niya. Bes, nakakakilig kasi eh. 'Diba kung ikaw gawin sa'yo 'yun ng taong gusto mo for sure gusto mong tumili at manghampas sa kilig.
"Magsi-c.r. lang ako," bulong ko kay Kurt.
Tumingin naman siya sa akin. "Samahan na kita."
Piniling ko na lang ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020
RomanceNaghiwalay sa maling dahilan. Ang inakalang tadhana ay hindi pala katotohanan. Dahil pinagtagpo lang sila pero hindi itinadhana para sa isa't isa. Pero paano kung ang tadhana rin ang gagawa ng paraan para magkabalikan sila. Paano kung isang araw nag...