Devirginized By My Ex
Chapter 11: Make
Joyce Clara's P.O.V.
Lumipas ang mga araw at patuloy pa rin sa panliligaw sa akin si Kurt. Balak kosana siyang sagutin sa mismong kaarawan niya. Para iyon na lang ang birthday gift ko sa kanya.
Limang araw na lang at kaarawan na niya.
"Hey," tawaga niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Secret." Tinaas baba niya ang kanyang kilay at ngumiti sa akin.
Ang gwapo talaga. Hindi nakakasawa.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan at pinapasok na ako sa loob ng kotse. Umikot siya at sumakay na rin.
Lumapit siya sa akin.
"H-hoy."
"Seatbelt, Honey." Saka siya natawa ng mahina.
Tinignan ko naman siya ng masama. "Anong nakakatawa?" pagtataray ko.
He pinched my nose. "Wala," he just said and started to drive.
"Where are we going?" ulit ko sa tanong ko kanina.
Humarap siya sa akin at kinurot ang aking ilong. "Secret nga po eh." Then he smiled.
Humarap na siya ulit sa daan. Ako naman ay bumaling sa may bintana at tumingin sa labas.
Ilang minuto na ang nakalipas ay nasa byahe parin kami. Humarap ako sa kanya at pinagmasdan siya habang seryosong nagmamaneho.
Sino nga bang mag-iisip na ang ex ko ay nanliligaw sa akin. Totoo nga siguro ang second chance. Kahit ilang beses pa yata akong pa ulit-ulit na saktan ni Kurt ay mamahalin at mamahalin ko pa rin siya.
"Baka matunaw ako niyan," saad niya habang nakatingin pa rin sa daan.
"Yabang!" I hissed.
"Gwapo naman." Ngumisi pa ang loko. Oo na, gwapo talaga siya.
"Pangit mo," pang-aasar ko at tumawa ng malakas.
"Oh really?" masungit niyang salita tapos ay mataray na umirap sa akin.
Tumawa ako. "Taray mo! Mataray ka pa sa babae. Baka naman hindi ka pala straight," pang-aasar ko ulit. Sarap asarin eh. Pikon talo.
"No way tch."
Itinabi niya ang kotse sa may side at tinigil ito.
Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Bakit tayo tumigil?"
He pinched his nose line. "Ako hindi straight? Ako talaga, Joyce Clara?" hindi makapaniwalang tanong niya at unti-unting lumapit sa akin. Tinitigan niya ako at dumako pa ang paningin niya sa aking labi.
"K-kurt. Biro lang naman iyon," nauutal kong saad. Nabahag na ang aking buntot.
"Baka gusto mong patunayan ko sa'yo ang pagkalalaki ko," nakangising sambit niya.
Tinulak ko siya ng mahina. "Pervert mo!"
"Sa'yo lang."
"Eh, magmaneho ka na nga ulit para makarating na tayo sa 'secret' na iyan."
Hinalikan niya pa ako ng mabilis sa labi bago nagmaneho ulit. "Ganda mo."
Nang makarating na kami ay pinagbuksan na niya ako ng pintuan at inalalayang makababa.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya habang sinusuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri.
Umikot siya at pumunta sa likuran ng kotse. Kinuha niya ang isang picnic basket. "Picnic," he answered.
BINABASA MO ANG
Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020
RomanceNaghiwalay sa maling dahilan. Ang inakalang tadhana ay hindi pala katotohanan. Dahil pinagtagpo lang sila pero hindi itinadhana para sa isa't isa. Pero paano kung ang tadhana rin ang gagawa ng paraan para magkabalikan sila. Paano kung isang araw nag...