Devirginized By My Ex
Chapter 12: Sick
Joyce Clara's P.O.V.
Kinabukasan ay pumasok ako ng maaga sa opisina para agad na matapos ang mga importanteng gawain.
Ilang oras na akong nagtitipa sa laptop ko at patingin-tingin sa aking cell phone.
Ni on ko ito at dismayado itong tinignan ng wala man lang ni isang text mula kay Kurt. Ano bang nangyari doon at hindi nagpaparamdam? Hindii ko tuloy maiwasang hindi mag-alala.
Sinara ko ang laptop ko at pinaikot ang swivel chair. Tumingin ako sa kisame at doon tumunganga. Hays, kapag hindi pa siya nagparamdam hanggang mamaya ay pupuntahan ko talaga siya.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at binuksan ito pagkatapos ng ilang sandali. Pagkatapos ay umayos na ako ng upo at humarap sa nakasara kong laptop. Binuksan ko ito ulit at nagsimula nang magtrabaho.
Nang mag lunch ay tumingin ulit ako sa phone ko pero wala pa rin ni isang text mula sa kanya.
Nagpahatid lang ako ng pagkain kay Yvet at kumain sa loob ng opisina. Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga lang ako sandali at bumalik na ulit sa aking tina-type.
Sa kalagitnaan nang aking pagtitipa ay tumunog ang phone ko kaya naman dali-dali ko itong kinuha at tinignan kung sino ang nag-text. Napasimangot ako nang makitang si Fea lang pala ang nag-text. Nangangamusta siya. Sinagot ko lang siya ng ayos lang naman. May isa pang nag-text, si Khloie namna.
Mabilis na lumipas ang mga oras at nag hapon na. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga siya nagpaparamdam. Napagpasyahan kong pumunta na sa kanya upang hindi na ako matuliro rito sa kakaisip kung ano na bang nangyari.
Nakasakay ako ng taxi ngayon papunta sa kumpanya nila. Pagkadating ko roon ay nagtanong ako kung nasa loob ba siya.
"Ma'am Joyce, wala po siya eh. Hindi man po pumasok," sagot ng babae sa may desk.
"Ay ganoon ba. Sige una na ako," saad ko nalang at umalis na.
Pagkalabas ay pumara ulit ako ng taxi.
Baka naman nasa condo niya siya. Ano ba kasing nangyari sa kanya?
Pagkarating ko roon ay sumakay na ako sa elevator at nagtungo sa pad niya. Alam ko naman ang passcode kaya hindi ako nahirapang makapasok.
"Kurt!" pagtawag ko pero walang sumagot.
Nagtungo ako sa kwarto niya at doon ay nadatnan ko siyang natutulog.
Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha. "Sh*t. Ang init mo Kurt! Nilalagnat ka," napamura na ako dahil sobrang init niya talaga.
Nalingat siya at napatingin sa akin. "Honey," mahinang saad niya at nakuha pang ngumiti.
"Nilalagnat ka," nag-aalala kong sambit at hinaplos ang kanyang mukha.
"I know," he whispered.
Natampa ko siya ng mahina dahil sa sagot niya. "Alam mo naman pala pero hindi ka man lang nag-abalang magsabi. Eh paano kung lumala 'yang lagnat mo?"
Ngumiti siya ng matamis sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Nandito ka naman."
"Ano ako, gamot?"
"Oo gamot ko. You are my medicine, Honey."
"Ang corny mo po," natatawang saad ko.
"But that was the truth. That's why I'm addicted to you. So much."
"Hay naku, Kurt. Tigil-tigilan mo nga ako," napapiling kong saad at tumayo na.
"Where are you going?" nakangusong tanong niya.
BINABASA MO ANG
Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020
RomanceNaghiwalay sa maling dahilan. Ang inakalang tadhana ay hindi pala katotohanan. Dahil pinagtagpo lang sila pero hindi itinadhana para sa isa't isa. Pero paano kung ang tadhana rin ang gagawa ng paraan para magkabalikan sila. Paano kung isang araw nag...