Chapter 32: Back

5.6K 122 22
                                    

Devirginized By My Ex

Chapter 32: Back

Joyce Clara's P.O.V.

Narinig ko ang mga kaluskos kaya naman nalingat ako. Nakita ko ang nagmamadaling si Kurt.

"Why are you in a rush?" tanong ko sa kanya at umupo.

"Nasa hospital si Dessery," he said at lumabas na. Without kissing me.

I am left alone. Nagtataka kung ano nga ba ang nangyari.

Medyo malayo itong kinalalagyan namin sa kung saan man ang babaeng iyon.

Hindi man lang niya ako isinama.

Paano ako uuwi nito? Ano 'yun uuwi akong mag-isa? Kakasal lang namin ah. Nag-hohoney moon pa nga kami. I don't want to be a clingy person pero diba't dapat ay nandito lang siya sa tabi ko ngayon habang masaya kami.

I frustratedly stand up and wear my clothes.

Kinuha ko ang phone ko nang mag-ring ito.

"Can you please wait for me there. Babalikan nalang kita," iyon lang ang sinabi niya at pinutol na ang linya.

Wow, just wow.

So I need to wait here. Ni hindi ko nga alam kung may tao ba rito o ano.

Lumabas na lang ako ng kwarto at naisipang kumain. Nagugutom na kami ni baby.

Ano bang nangyari sa Dessery na iyon?

Naluluha na ako dahil feeling ko na left out ako rito.

Habang kumakain ay lumabas ako at nakakita ng swing.

Buti na lang at may libangan.

I enjoyed eating my sandwich habang nakatanaw sa mga bulaklak. This place is really nice. Pero mas maganda sana kung kasama ko ang asawa ko.

Hindi ko maiwasang hindi malungkot. Kahit na kasal na kami ay may kahati pa rin kami ni baby sa kanyang atensyon. Ang hirap niyang masolo.

Hindi ko rin naman siya masisisi. Alam ko naman na una palang ay may iba siyang obligasyon pero pinakasalan ko pa rin siya.

Komplikado pa rin ang mga bagay-bagay.

At least now there is something legal assurance. Sa mata ng mga magulang namin, sa iba, sa batas, at sa Panginoon.

Tumayo na ako roon at naisipang maglibot. Malawak ito at napansin ko rin na may iba pa palang mga bahay.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Klei na nakatayo sa harap ng isang bahay habang may kausap sa phone. Buti nal ang kahit naiwan ako ay may makakausap pa rin ako.

Naglakad ako papunta sa kanya. Ibinaba na niya ang tawag at nagsimulang magtipa sa kanyang phone.

"Hi," bati ko para na rin mapansin niya ang aking presensya.

Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na ngumiti sa akin. "Hey. By the way what are you doing here?" he asked.

Niyaya niya akong umupo sa may la mesa roon.

"Ahm honeymoon," hindi siguradong sagot ko.

"Oh I see... wait! Kinasal na ka?" tanong niya at hinawakan ang aking kamay at hinanap kung may singsing ba akong suot.

Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata at tila gusto nitong maiyak. Nakakapagtaka ang kanyang reaksyon.

"Are you okay?" I asked.

Tumango siya at mabilis na ngumiti sa akin. Napatingin rin siya sa aking tiyan. "Yup I am. Ang bilis ni Martinez," saad niya at tinanggal na ang pagkakahawak sa aking kamay. "Where is he?"

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon