Chapter 44: House blessing

4.6K 122 70
                                    

Are you ready to say goodbye to Kurt and Joyce?

~~~

Devirginized By My Ex

Chapter 44: House blessing

Joyce Clara's P.O.V.

Bumaba na kami sa kotse at sabay na naglakad papasok.

"Kailan mo pa ito binili?" pagtatanong ko habang naglalakad pa rin kami.

"I am really planning for us to move. Na isip kong lalaki pa ang pamilya natin kaya siguro mas mainam na lumipat tayo. After two months ko pa dapat ito makukuha talaga. Ngunit pinabilis ko ang proseso para magkasana na tayo ulit."

Kinuha niya ang susi sa kanyang bulsa at binuksan ang pintuan.

Pagkapasok ay na pa 'wow' na lang ako. Katulad nang sinabi ko kanina ay talaga ngang maganda ito sa loob.

"Wala pang masyadong gamit," saad niya.

Binitawan ko ang kamay niya at umupo sa may sofa roon,"Sabay tayong pumili ng mga gamit para sa bahay natin."

Ngumiti siya at umupo rin sa tabi ko,"Nagustuhan mo ba?"

Tumango ako,"Oo naman."

"Gusto mo bang pumunta sa taas para tignan ang mga kwarto?" He asked.

Tumayo ako at hinawakan siya sa kamay,"Let's see."

Hinawakan niya ako sa bewang at inalalayan akong makasampa sa bawat baitang ng hagdanan. Hindi naman ito masyadong mataas at sakto lang.

Pagkalapag namin sa second floor ay limang  pintuan ang aking nakita.

"Five rooms? Hindi ba masaydong marami?" I asked.

Pumiling siya,"Tama lang iyan. Siguradong madadagdagan pa tayo sa pamilya." Saad niya at ngumiti ng pilyo.

Hinampas ko siya ng mahina sa kanyang braso,"Hindi pa nga ako nanganganak ay pinaplano mo ng buntisin ako ulit."

Tumawa lamang siya at hinalikan ako sa ulo.

"Let's take a look first at the room of our children."

Pumasok kami sa isang kwarto. Puno ng mga kulay pastel pink na bagay roon. Hula ko ay para sa baby girl namin iyon.

Ang susunod naman ay kulay sky blue.

Pagkatapos namin tinignan ang mga iyon ay dinala niya ako sa isang malaking kwarto.

"Our room," bigkas niya.

May malaki ng kama roon at ilang mga bagay.

Humarap ako sa kanya. "Kailan ba tayo lilipat dito?"

"Magpapaalam muna tayo sa mga magulang natin. Nakapaghanap na rin ako ng mga pwede natin makasama rito," sagot niya.

Tumango naman ako at pumunta sa may kama.

Humiga ako roon at tinignan ulit siya.

"Higa ka rin," saad ko na pinagbiyan naman niya agad.

Humiga siya sa tabi ko. Parehas lang kaming nakatingin sa kisame.

Nabigla ako nang pumunta siya sa aking itaas. Tinukod niya ang mga siko niya sa kama upang hindi ako madaganan.

"What are you doing?" kunot noong tanong ko.

Ngumiti lamang siya sa akin at tinitigan ako sa mga mata. "Let's bless our bed."

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa aking mukha.

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon