Devirginized By My Ex
Chapter 40: Girls bonding
Joyce Clara's P.O.V.
"Let's go," mahinang saad ni Kurt habang dala ang isang back pack.
Kaunti lang ang dinala kong damit dahil marami pa naman ako sa dati kong kwarto.
Dapat ay hindi na niya ako ihahatid ngunit nakiusap siya at pinagbigyan ko na.
Nakiusap din ako sa kanya na kung pwedeng palipasin muna namin ang isang linggo bago niya ako bisitahin sa bahay. Pumayag naman siya kahit kitang-kita ko ang pagtutol sa kanyang mga mata.
Nakarating na kami sa parking lot at pinasakay na niya ako sa kotse.
Alam ng mga magulang ko na babalik muna ako roon. Nagpapasalamat ako na hindi na nila tinanong kung bakit.
Nakatutok lang ang tingin niya sa daan at hindi nagsasalita. Ako naman ay tahimik lang na nagmamasid sa bawat galaw niya.
Hindi ko akalain na darating kami sa puntong ito. Things are surprising. We shouldn't expect.
Dati ay palagi kong sinasabi na hindi ako susuko. But guess what, words are breakable too. Although hindi naman talaga ako sa kanya mismo sumuko, sumuko lang ako sa sitwasyon namin ngayon.
Nang makadating na kami sa harapan ng gate ay itinigil na niya ang sasakyan.
Nanatili kami sa loob ng kotse at nagtitigan.
Ngumiti siya ng malungkot sa akin. "Always take care," mahinang sambit niya at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa noo.
Tumango lamang ako at ngumiti rin sa kanya.
Bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Kinuha niya ang backpack sa back seat.
Naglakad na kami papasok at nadatnan namin sina Daddy sa sala.
Tumayo si Mommy at binati kaming dalawa.
"Kumain kana rito, Kurt," anyaya ni Mommy.
Lunch time na rin kasi.
Pagkatapos naming kumain ay hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagsenyas ni Daddy kay Kurt.
Si Mommy naman ay inaya na akong pumunta sa taas.
Iniwan ako roon mag-isa ng aking ina a t bumaba na ulit.
Ilang minuto lang ang lumipas ay may kumatok kaya naman napatayo ako.
Pagkabukas ko sa pintuan ay ang mukha ni Kurt ang bumungad sa akin.
"Hey," paos niyang sambit.
"What happened?" Hinawakan ko ang kanyang labi na may sugat.
"It's nothing," utas niya at ngumiti pa sa akin.
Hinila ko siya papasok at pina upo sa kama ko.
Pumunta ako sa may banyo upang kunin ang medical kit.
"You don't need to do that. Maliit lang naman ito at hindi masakit."
Hindi ko siya pinakinggan at nag-umpisa nang gamutin ang kanyang sugat.
"Ano ba kasi talagang nangyari?" tanong ko habang nilalagyan iyon ng gamot.
Napaiwas siya at napapalatak. Hindi pala masakit huh!
"Si Daddy ba ang may gawa niyan? Nakita kong sinenyasan ka niya kanina."
Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako sa paggamot ng sugat niya.
BINABASA MO ANG
Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020
RomanceNaghiwalay sa maling dahilan. Ang inakalang tadhana ay hindi pala katotohanan. Dahil pinagtagpo lang sila pero hindi itinadhana para sa isa't isa. Pero paano kung ang tadhana rin ang gagawa ng paraan para magkabalikan sila. Paano kung isang araw nag...