Chapter 22: Truth

7.4K 132 27
                                    

Devirginized By My Ex

Chapter 22: Truth

Joyce Clara's P.O.V.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa aking narinig. Nakatayo lang ako roon habang pinapanood sila. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Mas lalo pa akong nasaktan nang makita kong hinalikan ni Dessery si Kurt. I don't know what to do.

Nanlambot ang mga tuhod ko at muntikan na akong matumba. Tumalikod na ako at pinabayaan ko lang tumulo ang mga luha ko.

Naglakad lang ako at hindi na nagpaalam pa sa mga kasama namin. I need time to think.

Nakakita ako ng malapit na ice cream parlor. Napangiti na lang ako ng malungkot at pumasok doon.

I smelled strawberry ice cream. Bigla tuloy akong nag-crave.

"Strawberry flavored ice cream please," saad ko sa cashier at ngumiti. 

He smiled at me too at ang cute niya. I like to pinch his cheeks, but I think it's rude.

"What is your name?" biglang tanong ko. Ako mismo ay nagulat. Dapat ay sa isip ko lang 'yun eh.

Ngumiti siya ng malaki. "Angelo po," nahihiyang saad niya.

Napatango nalang ako at ngumiti ulit sa kanya.

Umupo na ako at sumubo ng ice cream. Napabuntong-hininga ako at nanumbalik sa akin ang nakita at narinig ko kanina. 

Kaya pala biglang nag-iba ang pananamit ni Dessery. Kaya pala nakita ko siya sa isang maternity shop. 'Yung mga babaeng narinig kong nagkukwentuhan sa comfort room. Ang daming sign.

But I never though na buntis siya. Na nabuntis siya ni Kurt. I don't want to overthink. Gusto kong malaman ang totoo mula sa bibig ng lalaki. Gusto kong malaman kung bakit niya itinago sa akin ito at kung bakit siya nagsisinungaling ng ganito sa akin. 

I don't want to bring up the past. Ayokong isipin na niloloko na naman niya ako.

Habang sumusubo ay may pumapatak na luha. Buti na lang at gabi na, wala ng masyadong costumer sa parlor na ito.

Napatingin ako sa phone ko. Na-isilent ko siguro ito kanina dahil madaming missed call. It was all from Kurt.

Nakita ko pa ang text niya. "Where are you?" basa ko sa text niya.

Binasa ko lang ang mga text niya at hindi nag-reply. Wala pa akong lakas ng loob para makita at makausap siya.

Binaling ko nalang ang atensyon ko sa Ice cream at nag-enjoy sa pagkain. Can I just eat ice cream for the whole night? Para naman maibsan itong nararamdaman ko.

Napatingin ako sa may counter at nakita ko si Angelo na nakangiti. Argh ang cute ng batang 'to. I bet teenager pa siya. Gusto ko tuloy kurutin ang pisngi niya. 

Pagkatapos doon ay lumabas na ako. Naglakad-lakad lang ako sa daan at nang mapagod ay umupo ako sa may gilid. Ayoko pang umuwi. Pag umuwi ako siguradong malalaman ni Kurt. I just need space pero kakausapin ko pa rin naman siya. Maybe tomorrow.

Nag-isip ako kung saan ako pwedeng makitulog. For sure ay hindi pwede kina Anya. Pati kay Fea. Kay Klei kaya? Napapiling na lang ako. No way.

Nakatulala lang ako roon nang may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Biglang kumabog ang dibdib ko nang makilala ko kung sino ang nagmamay-ari niyon.

"Honey what are you doing here? Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot. I even texted you," nag-aalala niyang sambit at bumaba na.

Bakit ba kasi ang tanga ko? Natural may chance na makita niya ako. Malapit pa rin naman kasi ako sa bar.

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon