Chapter 39: Decision

5.5K 132 56
                                    

Devirginized By My EX

Chapter 39: Decision

Joyce Clara's P.O.V.

Nagising ako na nasa hospital na. Sinalubong ng aking paningin si Fea. Dali-dali itong lumapit sa akin.

"Sa wakas gising ka na!" tila naiiyak niyang sambit.

Magsasalita na sana ako ngunit walang lumalabas sa aking bibig. Napansin niya iyon kaya naman kumuha siya ng tubig sa may side table at pinainom sa akin iyon.

Nang makapag-adjust ako ay nagsimula na akong magtanong-tanong.

"Buti nalang talaga at naisipan kong puntahan kayong dalawa ni Kurt. Kung hindi ay baka nagtagal kapa roon at baka mapano kapa."

"Ikaw ang nagdala sa akin dito?" 

Dismayado akong malaman na hindi talaga ako binalikan ng lalaki.

Nang maalala ko ang nangyari ay nataranta ako at napahawak sa aking tiyan.

"Fea," naiiyak kong tawag sa kanya.

Agad naman niya akong tinapunan ng tingin.

Hinawakan ko ang tiyan ko at hinaplos iyon. Nang makita niya ang ginawa ko ay napapiling siya ng malungkot.

Alam ko ang ibig sabihin niya kaya naman napa iyak na ako.

Pinindot niya ang intercom at ilang sandali lang ay dumating na ang doctor.

"Anong nangyari? Kumusta ang baby ko?" umiiyak kong tanong.

"I'm sorry for your lost, Mrs. Martinez," malungkot na saad sa akin ng doctor.

Parang punyal ang bawat salitang binitawan niya at ramdam na ramdam ko ang sakit sa aking puso.

Nagpaalam na ang doctor at kaming dalawa na lang ng kaibigan ko ang naiwan.

Agad niya akong niyakap at napahagulgol na lang ako sa kanya. Ang sakit-sakit. Anong bang kasalanan ang ginawa ko para magdusa ng ganito? Nagmahal lang naman ako.

"Bakit ganito? Nagmahal lang naman ako pero ganito ang naging sukli sa akin."

Hinaplos niya ang aking likuran. "Because you gave your all to him. Nakalimutan mong magtira para sa sarili mo. Nakalimutan mong mahalin ang sarili mo."

Sa ganoong tagpo ay nagtaka ako kung bakit may nanggigising sa akin.

"Joyce." Mahinang tinampa-tampa ang aking pisngi.

Minulat ko ang mga mata ko at napa upo. Puno ng pawis ang aking mukha at nanginginig ang buong katawan ko.

"Akala ko totoo na." Hindi napigilan ng mga luha ang pagtakas sa aking mga mata.

Tulad ng sa panaginip ay si Fea ang una kong nakita. Ngunit kasama niya si Anya.

Tumayo si Anya at lumapit sa akin. "Ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin.

Kumuha ng tubig si Fea para ipa-inom sa akin. Si Anya naman ay pinindot ang intercom.

Wala akong lakas ng loob na tanungin sila kung kumusta na ang baby ko dahil natatakot ako na baka magkatotoo ang aking panaginip.

Nang dumating ang doctor ay lumapit ito agad sa akin at tinanong ako ng kung ano-ano.

"What about the baby?" mahinang tanong ko.

Marahan akong pumikit at napakapit sa bed sheet.

"That's the good news. Your baby is safe. Sobrang lakas ng kapit nito sa iyo pero sa susunod ay kailangan mo pa rin mag-ingat upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon."

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon