Chapter 25: Dream

6.4K 124 22
                                    

Devirginized By My Ex

Chapter 25: Dream

Joyce Clara's P.O.V.

"What are you doing here?" nakataas na isang kilay na tanong sa akin ni Dessery. Iyan ang bungad niya sa akin matapos kong lumabas sa kwarto ni Kurt.

Kanina ko pa naayos ang mga gamit ko sa kanyang kwarto. Naiwan muna ako dito dahil kailangang niyang pumunta sa kanilang kumpanya.

"Dito ako nakatira kaya nandito ako," taas noo kong sambit. Kung akala niya ay papayagan ko siyang magmaldita sa akin, no way.

Nalaglag ang kanyang panga at nanlaki ang mga mata. "Liar," pang-aakusa niya.

Nagkibit balikat ako. "Kung ayaw mong maniwala e'di 'wag. It's not my obligation to explain to you." 

Naglakad na ako papunta sa kusina. Binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng juice.

Umiinom ako nang banggahin niya ako. Alam kong sinasadya niya iyon dahil ngumisi pa siya.

"Inggitera ka talaga 'no. Tumira lang ako rito, nakikitira ka na rin," mapanghusgang sambit niya.

Napatawa naman ako ng mahina. "Oh really? Hindi naman ako na inform na inggitera pala ako. Pero atleast hindi ako nakiki-apid." Binaba ko na ang baso ko at umalis na roon. Baka masabunutan ko pa siya sa sobrang inis.

Pagkapasok ko sa kwarto namin ni Kurt ay narinig ko pa siyang sumigaw dahil sa inis. Bagay nga sa kanya. Ang kapal niya para tawagin akong inggitera. Eh siya nga ang nang-aagaw.

Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa side table. 

Kumusta na kaya si Anya?

Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi na siya ma-contact. Marahil ay tinanggal niya ang sim niya o kaya naman ay nakapatay ang phone niya.

Humiga na lang ako dahil inaantok ako. Madalas na akong antukin ngayon at hindi ko alam kung bakit.

Nakatitig lang ako sa kisame nang higupin na ako ng aking antok.

I just woke up when Kurt started caressing my hair.

Nang makita niyang nakabukas na ang mga mata ko ay ngumiti siya sa akin. "Hindi ka pa ba gutom?" malambing niyang tanong.

Piniling ko lang ang ulo ko at niyakap siya. Nang maamoy ko ang leeg niya ay mas hinigpitan ko ang aking pagkakayakap.

"You miss me so much eh." 

"Ang bango naman ng leeg mo," bulong ko at napabuga pa ako ng maliit na hangin.

Naramdaman kong nanigas siya ng kaunti kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Honey, don't do that again," bawal niya sa akin.

"What?" nagtatakang tanong ko.

Napangisi nalang siya. "Never mind," he said and sat.

Umupo na rin ako at tumabi sa kanya. "Kumusta?"

"As I always doing work again," tamad niyang sambit kaya naman napatawa ako.

"Ako rin kailangan ko nang magtrabaho."

Tumingin siya ng masama sa akin. "Why do you need to work if I can provide all the things you need and want."

Napanguso na lang ako. "Pero-" 

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa masama niyang tingin.

Sumuko na lang ako. 

Nabigla siya nang umupo ako sa kandungan niya at ibinaon ang aking mukha sa kanyang leeg. I need to smell his neck. I don't know why but I love to smell it.

Devirginized By My Ex (Virginity Series #2) #wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon