"Mahal mo nga, ngunit hindi ka naman mahal"
Bakit? Bakit nga ba hindi tayo mahal ng mahal natin? Dahil ba sa mayroong nagmamay-ari ng mga puso nila? O dahil nga ba sa hindi tayo umiiral sa buhay nila?
Heto, heto nanaman ako nag iisip kung bakit nga ba? Hindi ko mapigilang mapa-isip,
mapa-isip kung hanggang dito nalang ba dahil wala na akong pag-asa sa minamahal ko? O may tyansa pa bang maipakita ko sakanya na gaano ko siya kamahal? Bakit? Bakit hindi mo ko magawang pansinin. Isa lang lang naman yung hinihiling ko sa Diyos na sana kahit isang beses, Isang beses man lang na sana mapansin mo yung mga pagmamahal na ibinigay ko sayo, na sana mapansin mo yung mga ginagawa ko para mapasaya ka lang, ganun naman diba?
Ganun naman, Hinahayaan at tinatalikuran mo lang yung mga taong gustong ibigay ang lahat para mapasaya ka lang, Samantala yung taong minahal mo wala namang pake sayo kasi nga may mahal din siyang iba, bakit nga ba ako nagmahal ng taong may minamahal namang iba? Nakakalungkot at nakakagulong isipin diba? Nakakalungkot. Nakakalungkot kasi hindi ko magawang maramdamam yung pagmamahal na ibinigay mo sa taong minahal mo, Mahal, sana isipin mo na nandito ako, Nandito ako sa isang sulok na nasasaktan at nagbabakasaling mahalin mo ko pabalik.
BINABASA MO ANG
Spoken Words Poetry Compilation
ПоэзияSpoken Words It is an oral art that focuses on the aesthetics of word play and intonation and voice inflection. ~ Here's my example of Spoken Words it tackles about Friendship, Love and Everything, and if you want to suggest you can message me so th...